Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 76

taguan tinakbuhan

July 21st, 2010

taguan

Alam mo yong feeling na eksayted kang maging taya sa larong taguan? Andun kasi yong thrill na kaya mo silang hanapin kahit saang sulok ng kabahayan? Yong feeling na alam mo ikaw ang mananalo, yong feeling na alam mo may susunod na maging taya sa yo. Alam mo yon?

Super eksayted ka. Mega effort ka sa paghahanap. Pawisan. Nainiip. Pero hanap ka pa rin. Subalit ang tanging nahanap mo ay ang dahilan ng kanilang kawalan… hindi ka nila tinaguan kundi tinakbuhan. Ang malas mo lang, dahil ang inakala mong taguan ay nauwi pala sa takbuhan. Takbuhan dahil nagsilipad sila sa kapitbahay para maglaro ng teks at pogs.

At alam mo yong feeling na nanlumo ka, magkahalo ang galit at disappointment. Oo ganun yun. Walang kasing sakit sa loob. At madalas mangyari sa akin yan noon.

photo credits: www.pinoyexchange.com

hindi ko maisipan ng title ang post na to dahil kinuha ko lang ‘to sa lumang blog ko. Gayunpaman, natuwa ako dahil may naipost pala akong ganito, akalain mo yun? lololololzz

July 17th, 2010

May mga pagkakataong wala akong maisulat dito sa blog kong to. Blanko. Ito ang kahinaan ng isang amateur blogger,maraming bumabagabag at gumugulo. Hindi alam kong saan magsisimula, ano ang sisimulan at dapat bang tapusin ang nasimulan.

Its better to cross the line and suffer the consequence than to just stare at the line for the rest of your life…–patentero rule #1

Pero kelangan ko pa ring subuking gawin ang gusto ko. Mag-isip ng panibagong ideya at panibagong pakulo, parang variety show. Hindi aalintanain ang mga anik-anik na bumabagabag, tuloy-tuloy lang habang gumagana ang karne na laman ng aking bungo kasi kelangan naman talagang ganun yun.

“You must ignore what people call you and just trust who you are”

-Shrek

Minsan naman maraming ideya sa isipan. Loaded. Sa pagsusulat, kelangan mo silang isulat, kelangang ilista, kelangang ihayag bago pa man mawala ito na parang bula. Parang yong lumubong sipon dahil napatawa ka bigla. Kusang lulubo at kusa ding puputok.

“The only graceful way to accept an insult is to ignore it; if you can’t ignore it, top it. If you can’t top it, laugh at it. If you can’t laugh at it, it’s probably deserved” -baklitang pamenta

Ang sabi ng titser ko noon sa literature na pag marami daw iniisip o iniisip ang iniisip eh matalinong tao. Nagkunwari akong nag-iisip upang isipin yong sinabi nya tungkol sa pag-iisip ng mga umiisip sa mga iniisip para kunyari matalino ako sa harapan nya.

“Everybody sees you what you appear to be, few feel what you are”-Machiavelli ‘The Prince’

Metacognition. Thinking about thinking and or learning about learning. Lalim no? Pero magkaiba yong critical thinking sa metathinking. Di ko na kelangan pang i-explain pa pagkakaiba kasi sabi ko nga nagkukunwari lang naman akong matalino.Hakhak

Yan ang mga neurotransmiter o mga kemikal na nagmomodulate ng signals sa mga cells para gumana ang iyong mga karne sa katawan kabilang na ang karneng pinoprotektahan ng iyong bungo kasama na ang iyong makapal na balakubak sa iyong anit sa ulo. Isang napakahalang kemikal o enzymes na may kinalaman sa mekanismo ng tao.

Isa sa mga halimbawa kumbakit tayo nagagalit o nalulungkot o kahit anong feeling na may kinalaman sa emosyon ng tao ay ang serotonin. Samantalang ang norepinephrine naman ay may kinalaman sa libido o wakefulness na tao. Haay. Ayoko na, dinudugo na ilong ko…it is also known as epistaxis by which na thin blood vessel ruptures.

Well, ganyan kakomplikado ang buhay ng tao, i mean ang buong sistemang binubuo ng kaliit-liitang cell na nasa sa iyong katawan mula noong binuhay ka Niya sa mundong ito. Komplikado mang iisipin pero may ilang mga nilalang pa rin na pilit umuunawa at umiintindi na sa kabilang banda meron ding nagkukunwari.

“that is life…”

-barker ng jeep sa Pasig

“rollercoaster… sometimes you are at the top, sometimes you’re down, sometimes you spin around and feel like everything turns upside down.Sometimes you are infront and turns your back against your co-riders.Sometimes your at the back and you co-riders turn their back on you. But what makes rollercoaster (life) special is the way you enjoy it, scream at the top of your voice, the way you learn to hold on when railway turns up & down and runs circular path.But the most important thing is the way we accept that the rollercoaster joy ride is over…we ride out and surrender to the real Owner of the rollercoaster,and that is life.”

-Nahilong pulubi.

Push button to stop talking and thinking.

May mga pagkakataong wala akong maisulat dito sa blog kong to. Blanko. Ito ang kahinaan ng isang amateur blogger,maraming bumabagabag at gumugulo. Hindi alam kong saan magsisimula, ano ang sisimulan at dapat bang tapusin ang nasimulan.

Its better to cross the line and suffer the consequence than to just stare at the line for the rest of your life…–patentero rule #1

Pero kelangan ko pa ring subuking gawin ang gusto ko. Mag-isip ng panibagong ideya at panibagong pakulo, parang variety show. Hindi aalintanain ang mga anik-anik na bumabagabag, tuloy-tuloy lang habang gumagana ang karne na laman ng aking bungo kasi kelangan naman talagang ganun yun.

“You must ignore what people call you and just trust who you are”

-Shrek

Minsan naman maraming ideya sa isipan. Loaded. Sa pagsusulat, kelangan mo silang isulat, kelangang ilista, kelangang ihayag bago pa man mawala ito na parang bula. Parang yong lumubong sipon dahil napatawa ka bigla. Kusang lulubo at kusa ding puputok.

“The only graceful way to accept an insult is to ignore it; if you can’t ignore it, top it. If you can’t top it, laugh at it. If you can’t laugh at it, it’s probably deserved” – batang baklita

Ang sabi ng titser ko noon sa literature na pag marami daw iniisip o iniisip ang iniisip eh matalinong tao. Nagkunwari akong nag-iisip upang isipin yong sinabi nya tungkol sa pag-iisip ng mga umiisip sa mga iniisip para kunyari matalino ako sa harapan nya.

“Everybody sees you what you appear to be, few feel what you are”-Machiavelli ‘The Prince’

Metacognition. Thinking about thinking and or learning about learning. Lalim no? Pero magkaiba yong critical thinking sa metathinking. Di ko na kelangan pang i-explain pa pagkakaiba kasi sabi ko nga nagkukunwari lang naman akong matalino.Hakhak

Yan ang mga neurotransmiter o mga kemikal na nagmomodulate ng signals sa mga cells para gumana ang iyong mga karne sa katawan kabilang na ang karneng pinoprotektahan ng iyong bungo kasama na ang iyong makapal na balakubak sa iyong anit sa ulo. Isang napakahalang kemikal o enzymes na may kinalaman sa mekanismo ng tao.

Isa sa mga halimbawa kumbakit tayo nagagalit o nalulungkot o kahit anong feeling na may kinalaman sa emosyon ng tao ay ang serotonin. Samantalang ang norepinephrine naman ay may kinalaman sa libido o wakefulness na tao. Haay. Ayoko na, dinudugo na ilong ko…it is also known as epistaxis by which the thin blood vessel ruptures.

Well, ganyan kakomplikado ang buhay ng tao, i mean ang buong sistemang binubuo ng kaliit-liitang cell na nasa sa iyong katawan mula noong binuhay ka Niya sa mundong ito. Komplikado mang iisipin pero may ilang mga nilalang pa rin na pilit umuunawa at umiintindi na sa kabilang banda meron ding nagkukunwari.

“that is life…”

-barker ng jeep sa Pasig

“rollercoaster… sometimes you are at the top, sometimes you’re down, sometimes you spin around and feel like everything turns upside down.Sometimes you are infront and turns your back against your co-riders.Sometimes your at the back and you co-riders turn their back on you. But what makes rollercoaster (life) special is the way you enjoy it, scream at the top of your voice, the way you learn to hold on when railway turns up & down and runs circular path.But the most important thing is the way we accept that the rollercoaster joy ride is over…we ride out and surrender to the real Owner of the rollercoaster,and that is life.”

-Nahilong pulubi.

Push button to stop talking and thinking.

kamalayang malaya ng isang Kwek kwek

June 27th, 2010

Hindi ako isang itlog na binalutan lang ng harina. Isa akong bukod tanging pagkain sa gilid ng kanto wangis ang mga dalandang nagmamantika ang kutis. Oo, ako si kwek kwek at ito ang kwento ko…

Isa akong mabuting asawa ni Marsya. Pero hindi ito tungkol sa aming pag-iibigan, nakokornihan lang ako. Isa akong propesor  sa isang unibersidad sa Diliman, dati yun noong hindi pa ako naging ganito, naging kwek kwek. Isang pagkaing alay sa kanto.

Mulat sapul madalas na kaming mag-away ni Marsya. Madalas kaming hindi magkasundo sa lahat. Nag-away kami minsan at sa sobrang galit nya, naihiling nya na sana maging kwek kwek na lang daw ako. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng pagkain kwek kwek pa ang kanyang napagtanto pwede naman sigurong caviar para naman sosyal yaman na lamang at magiging itlog lang. Naging kwek kwek ako sa isang kisapmata. Hindi ko napigilan. Hindi ko alam kung anong mahika ang sumukob sa aming paligid. Naging bantas ako ng bawat pitik ng aming orasan.

Sa mga oras na yon gusto kong sumambit ng putang ina! Pero hindi ko maatim na sumambit pa dahil sa pagkakagulat. Bilisan natin ang kwento. Parang walang nangyari kay Marsya, itinuloy nya na lamang ang inaatupag na kwek kwek sa kusina at kabilang ako dun sa bandihado ng mga itlog. Nakabibinging katahimikan.

“Uy Marsya kumusta ka na?”

“ito parang ikaw, hindi maganda”

“sobra ka naman, ano ba yang niluluto mo at pawis na pawis ka?”

“kwek kwek!”

“weeeh? Me ganon?”

Sus si Aling Petra pala, dakilang tsimosa yan pero magaling na manicurista. Ayoko nang pakialaman pa sila nabubuwisit lang ako. Ano nang mangyayari sa akin? Tuluyan na ba akong magiging itlog na binalutan ng harinang kulay dalandan? Ayoko.

Kunsabagay mas okey naman ang sinapit ko kesa sa balot. Pinagkaitan silang mabuhay ng mas mahaba pa gayong ilang araw na lang sana e sisinghap na sila ng totoong hangin sa Daigdig. Isang napakalaking ayroni ang kanilang kinalalagyan, biruin mo tao ang magbibigay kung ilang araw silang magaganyan bukod pa sa magagan’to.  Ang tao nga naman, tsk tsk tsk.

Alam mo noong bata ako, madalas sumagi sa isip ko kung ano ang magiging silbi ng tao sa mundo kung magiging parte ba ito ng pagbuo sa isang literal na mundo o pagkawasak lamang nito sa parehong literal at figyurativ na anyo at alam mo magpahangang sa ngayon isang ekwilibriyum pa rin ‘yon sa utak ko. Nahihirapan akong iklasifay ayun sa norm na alam ko.

Ano nga ba ang bumubuo sa isang tao? O ano nga ba ang bumubuo sa isang pagkatao? Magkaibang tanong pero may iisang punto pinatutunguhan. Sa tingin ko ang tao ay patungkol lamang sa pisikal na anyo at hugis nito, ang pagkatao ay ayun mismo sa hulma base sa emosyanal at isipiritual ng isang tao. Mali? Ewan ko na lang sa ‘yo. Isang napakalaking igzajereysyon kung paniniwalaan mong ang mundo ay kabilang sa tao, isipin mong mabuti baliktarin mo ang utak mo baka sakaling makuha mo ang punto ko.

Ang konsepto ng tao o individuwal sa mundo ay hindi lamang para may gumamit nito kundi para may mag-alaga sa mundong inihandog sa atin ng kung sino mang kinikilalang diyos ng bawat isa sa atin higit sa anupaman kabilang man ang relihiyon, lahi, lipunan, demografi, at kultura ang mundo ay ibinigay para sa bawat isa. Punyeta ano tong mga pinagsasabi ko? Inauguracion ba to?

Kung ang tinatawag mong mundo ay patungkol lamang sa ‘yo pwes gumawa ka ng sarili mong mundo. Ang mundo ay isang lugar ng interaksyon ng bawat tao o ng bawat nilalang.

Marsya, kung masasabing mundo ang pag-aasawa ko sa yo pasensya na ibang mundo ang napasukan ko…impyerno. Hindi ka kasi makatao tulad ko. Pero bago mo ako sermonan pa, parang awa mo naman pakawalan mo na ako. Muli mo akong gawing tao ayun sa pagkakahulma na kung ano dapat ako. Parehas lang naman tayong nagkamali at hindi nagpakatao, yun nga lang mas maabilidad ka tulad nila.

Marsya, ipagpatawad mo. Gawin mo na akong tao. At susubukang lamunin ng utak ko ang naiisip mong plano sa kwek kwek mo. Hindi ko na kokontrahin ang ideya mong kwek kwek na kukulayan mo ng kulay lila kahit magmukha pa silang itlog ng malanding si Barney may maputing pustiso. Pakawalan mo lang ako.

“hindi porket may sawikain sa dulo ng entri e matalino na ang gumawa nito, minsan wala lang silang maisip o kaya naman e para may masabi lang” – ginoong taympers

Opisyal na entri sa patimpalak ni jkulisap. Bayad na ako brad. Wala na akong utang sa ‘yo.

Mik-mik

June 23rd, 2010

Hindi pa uso noon ang boy bawang, kaya mik-mik ang madalas naming pagtripan ng mga pinsan ko. Bumibili kami sa tindahan ni Apong Pasing tuwing uwian sa hapon pagkagaling sa eskwela saka naman namin lalantakan pag nakarating na kami sa bahay habang nanonood ng mojacko.

Ibang thrill to kainin, minsan masasamid ka dahil yong pulbos deretsong mapupunta sa lalamunan mo. Minsan naman e lalabas sa ilong mo lalo na pag nagkakatawanan na. Ang teknik dito e dahan dahan lang ang paghigop saka mo biglang isasara yong bibig mo saka mo lalasahan ngayon yong gatas.

Yong kapatid ko namang maarte ang ginagawa nya e nilalagay nya sa baso saka nya dudukot dukotin gamit ang daliri. At pag nagsawa na kami e lalagyan na lang namin ng tubig at asukal saka iinumin. Hindi masyadong masarap pag ganun. Mas okey pa rin talaga pagsinusopsop. Ayos na ayos yon!

Thanks to: http://images.eggay.multiply.com

happy fathers day!

June 19th, 2010

Tumatanda ka na. Hindi maikakaila yon. Nagkakaroon ka na ng wrinkles sa mukha. Pero lumipas man ang panahon, andyan ka pa rin para sa amin.

Bente dos na ako. Kuwarentay tres ka na. At sa ganitong edad ka rin nun nag-asawa, ang aga mong naglandi. Bolero ka raw kasi sabi ni Ina.

‘Tang, naalala mo pa ba noong tatlong taon ako. Na sa tuwing gigising ka sa umaga e otomatikong gigising na din ako at sumasama sa yo papunta ng bukid para ipastol ang mga alaga nating hayop nun. Pinapagalitan ka pa nina lolo’t lola kasi pinapasama mo daw ako lagi kahit madilim pa pero ang hindi nila alam e ako ang nagpupumilit para sumama. Hindi ko alam kung anong rason kung bakit nga ba pero alam mo, ang tanging dahilan lang naman ay ayokong mawala ka sa tabi ko.

At bago tayo umalis e pinapakain mo muna ako ng almusal habang ikaw naman ay nagkakape. Kukuha tayo ng kaning lamig o bahaw saka sasabawan mo naman ng tinimplang gatas at ovaltine. Solb solb na.

‘Tang naaalala mo pa ba nung makita nyo akong nakasampa sa itaas ng puno? Tatlong taon din ako nun. Galit na galit ka nun hindi ko alam kung bakit at mukhang tense na tense ka maging si Inang. Sori po  ha, ang kulit ko kasi.

Eh yong sa tuwing mahuhuli mo akong nagbubukas ng sarsi cola sa tindahan natin, naaalala mo pa ba? Imbes na pagalitan mo ako, e ikaw ang kakuntsaba ko sa krimen. Naghahati tayo sa isang maliit na sarsi cola. Tayo ang may kagagawan sa tuwing hindi mag-tally ang imbentaryo ni Ina.

Alam ko ‘tang na sa t’wing pinapalo mo ako ng sinturon e nangingilid ang yong luha sa awa. Minsan ka lang kasing magalit.  Minsan nahuli mo akong nagtatapon ng bigas, ginaya ko kasi yong pagsaboy ng bigas sa simbahan sa tuwing may kinakasal. Imbes na paluin mo ako sinabihan mo akong pulutin ko ang butil nang isa-isa. Tinanong kita kung bakit, “malalaman mo pagtanda mo” tangi mong sambit. Ngayon nga narealized ko na, hindi pala akma ang pagsaboy ng bigas pag may berdey, sa kasal lang dapat pala. Sori naman po, ekspirement lang.

Speaking of ekspirement, aminado ako na kinukuha ko mga dynamo ng mga laruan kong kotse kotsehan, at kanilang mga pilot bulb. Front lang yong nasira kundi sinira po talaga. Idol ko kasi si Macgyver, alam mo naman yon di ba?

Alam ko die-hard ka ng wrestling. Kaya nga di ba binigyan kita ng DVD player at mga piniratang dvd ng wrestling para maaliw ka sa panonood kasi alam ko napupurga ka na sa hitsura ni Agua Bendita.

Alam mo, mahal na mahal ko kayo ni Inay. Hindi ko man masabi pero mulat sapul mahalaga kayo sa akin, sa amin ng dalawa ko pang kapatid. Salamat nga pala sa mga turo at payo nyo. Na lagi kaming magtutulungang magkakapatid at magmamahalan.

Alam mo kahit minsan naging pasaway ka sa amin, naging aral yun para mas lalo ka naming pahalagahan at mahalin. Buti naman at itinigil mo na ang alak. Hindi ka na palaging lasing, hindi mo na ako madalas pagsabihan ng…”alam mo syota ko nanay mo”. Lasing nga naman. Pero ngayon nagbago ka na.

Muli, happy fathers day  ’tang! Namimiss ko na makipag-inuman sa yo.

ang kulit mo!

June 11th, 2010

Isa siguro sa mga achievements ko nung bata ako ay ang makaakyat ng puno na ubod ng taas. Mahilig akong mag-aakyat sa mga puno para masubukan yong thrill na tinatawag, madalas kon i-dare ang sarili ko kung hangang saan ang makakaya ko.

Minsan nang wala si nanay at tatay habang nagmumuni muni ako sa labas ng bahay ay nakita ko ang tapat naming puno ng santol. Maasim yong bunga ng santol kaya walang magkainteres para akyatin ito at bawasan ang hitik nitong bunga. Inakyat ko ang nasabing puno ng walang kagatulgatol at walang alinlangan. Sabi ko nga, trip kong hamakin ang sarili ko kung hangang saan ang kaya ko. Pero bigla ko na lang naramdaman na mapuputol yong sanga na pinapatungan ko bago pa man lumagutok ang nabaling sanga, agad kong nahawakan ang isang sanga pero hindi sapat yon para kayanin ang katawan ko.

Ganun pala ang feeling ng nakalambitin sa halos sampung metro kataas na puno, hindi ako makasigaw dahil pag ginawa ko yon feeling ko e mas madadagdagan yong gravitational pull na humihila sa akin pababa at higit sa lahat pag narinig ako ng lolo kong naiwan, kulang yong nabaling sanga para ipamalo sa akin, kung gaano kasakit ang mahulog doble ang sakit ng mapalo. Kaya minarapat ko na lang na unti-untiin yong kapiranggot na sangang pinagbibitinan ko papunta sa gawing gitna at upan mabalanse na din ang katawan ko.

Pero kung anong malas ko nung araw na yon ay ganun din ata kaswerte ng langgam para pumunta sa kili-kili ko. Oo literal na gumagapang sila sa kili-kili ko papunta sa ibang bahagi ng katawan ko. Bago pa man ako kagatin e mas pinili ko na lamang na unti-untiing pumunta sa mas malaking sanga para maisalba ang sarili lalong lalo na sa kahihiyaan.

Malikot talaga ako nung bata ako at aminado ako dyan. At dahil sa kakulitan ko noon madalas akong mapalo, pero okey lang masaya naman maglaro lalong lalo na ang pag-akyat ng puno. Meron pa nga minsan daw, kinuwento sa akin ni nanay noong bata daw ako, narinig na lang akong umiiyak sa taas ng puno ng bayabas sa edad na tatlong taong gulang. Nanay ko napaihi daw sa nerbyos kasi hindi nya alam gagawin nya kung paano ako kunin sa itaas ng puno.

Sa ngayon, matanda na ako. Alam ko  na responsibilidad ko na ang sarili ko. Alam ko na ang tama sa mali. At magiging aral sa akin ang bawat palong inabot ko noon bilang paghuhulma ng isang mabuting tao.

may maliit na gagamba, gagamba…gagamba.

June 8th, 2010

Apat na taong gulang ka nang una kang makahawak ng gagamba, kakaiba sa feeling pero andun yong excitement mo. Inuuhog ka pa noon kasabay ng pagpunas mo sa mangas ng tisyert mo. Gagamba kong tawagin, arachnids kung tawagin ng kapatid mong maldita at lawlaw-wa ang tawag nyong mga ilokano.

Naalala mo pa ba kung paano kinaadikan ng mga pinsan mo ang sabong ng gagamba. Sa tuwing may maririnig kang may maghihiyawan sa isang sulok ng bakuran nyo e agad kang dali daling tumatakbo para lang makapanood ng naglalabang gagamba. Sa tuwing may maririnig kang iyak ng bata e alam mo na kung anong rason kumbakit ngumangawa sya. Craze na maituturing ang labanan ng gagamba sa inyo noon. Sinong makakalimot nga ba?

Pinapagalitan ka ng nanay mo noon sa tuwing nakikita ka nyang nasa likod ng bahay tuwing sasapit ang alas-sais, nakaupo at pa-linga linga na tila nagmamasid sa ilalim ng puno ng mangga. Doon mo kasi madalas mahanap ang gagamba, kundi naman doon sa dahon ng saging. Sa ganoong oras kasi gumagawa sila ng web nila sa pamamaraan ng silking, ballooning naman ata ang tawag pag gumagawa na sila ng spider web. Tuwang tuwa kang pagmasdan sila sa ganoong posisyon, kumbaga pinapanood mo muna silang magpagod bago mo sila hulihin. Ang sama mo. Pero kontra dito ang nanay mo dahil baka matuklaw ka ng ahas, kaya ang ginagawa mo na lang e ang pagsambit ng… syoooo bawang, syooo bawang, syooo bawang! Hindi ko alam kung anong meron ang bawang na maging sa mga ahas e pangontra pa pala akala ko sa aswang lang. Pinaniniwalaan mo pa rin magpahangang sa ngayon to, umamin ka!

Gagamba din ang dahilan kung bakit bagsak ka sa writing noong first quarter ng kinder garten mo. Ginagawa mo kasing 8 yong zero dahil nasanay kang korteng otso ang tulugan ng gagamba mo gamit ang malapad na goma sa loob ng posporo. Adik ka talaga!

Pagkauwing pagkauwi mo, imbes na lecture mo sa writing ang aasikasuhin mo, e yong alaga mong gagamda sa loob ng lagayan ng film o kaya sa posporo ang uunahin mo. Imbes na lapis ang hawak mo e walis tingting ang nasa kamay mo. Tatawagin ang mga pinsan maglalaban laban ang mga alaga nyong gagamba. tsigiiiidiiigggsss!!!!! nakabibinging hiyawaan. Ngunit palagi kang talo kasi palagi kang nadadaya ng kuya mo. Kung hindi pilay inaabot ng gagamba mo e minsan naman e nagkukulang na galamay dahil sa kadugaan ng kuya mo. Wala kang magawa kundi umiyak, hindi lang iyak yong malakas na malakas na iyak. Darating ang lolo nyo, mawawala ang kumpulan, mawawala ang hiyawan, at mawawala ang kantiyawan. Ganun lagi ang eksena, paulit-ulit pero nakatutuwa.

Naalala mo nung minsang nasa hapag kainan kayo at pasilipsilip ka sa gagamba mo, sinabihan ka ng nanay mong tumigil ka kundi ipapakain ya sayo to. Hindi ka naniwala at sinabihan mo pang… ows sige nga. Walang anu-ano’y bigla mo na lang natikman ang lasa ng guitar posporo sa bibig mo.

Hindi naman talaga maitatangging napakasayang maglaro ng gagamba, napakataas ng level ng excitement nyo at talagang ansaya-saya nyo, siguro nga dahil wala pa kayong alam sa animal cruelty noon.

Mar kung dumating man yong araw na makapag-laro ulit tayo ng gagamba, ikatutuwa ko yon ng husto. Sana dumating yong araw na yon, namimiss ko na kasing makipaglaro sa yo mula noong lumipad kami papuntang amerika. Sana makapaglaro ulit tayo ng gagamba kaibigan, sana…sana.

In memory of Rogelio.

photo credits: http://farm5.static.flickr.com/4063/4483686590_1275808fbd_m.jpg

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/images/rhoda’s/bata’t_gagamba2.JPG

lupa

June 5th, 2010

Bata ka pa noon nang matutunan mong tumakas sa pagtulog sa tanghali, alam kong ilang beses mo na ring nabanggit yun dito sa blog mo. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideyang yon pero parang likas na sa yo ang pagiging pasaway. Napakalikot mo, napakakulit. Hindi ka maibabaon sa iisang hukay lang ika nga. Siyet ka.

Naalala mo nang minsan nawili kang maglaro ng lupa o alikabok sa likod ng bahay nyo. Kumukuha ka ng kutsara sa kusina nang patakas para may pangkayod ka, at yong basyng star margarine para may laruan ka. Mag-isa ka lang. Iniipon mo yong lupa tapos gagawa ka ng bundok-bundokan, mas marami mas masaya. Tapos saka mo palihim na iihian yong lupang inipon mo. Nakakadiri ka! pero wala sa yo yon dahil sa musmos mong gulang. Atig ka!

Tapos saka mo gagawing clay toys! na sya namang lalaruin ng kapatid mong maldita. Ginagawa mong maliliit na bola saka mo ipapatuyo sa ilalim ng araw. Kawawang kapatid mo, walang kaalam-alam kung panu mo ginawa. Gusto ko sanang tumawa pero bawal dito.

Kukuha ka noon ng dahon ng saging tapos gagawa kayo ng kapatid mo ng pinalapot na lupa o putik na. Syempre wala na dun ang pag-ihi mo sa lupa dahil andyan na kapatid mo. Ilalagay nyo doon sa dahon ng saging saka gagawing clay. Napakaresourceful nyong dalawa kasi kahit yong pera perahan nyo e dahon din ng saging. Apat na taong gulang ka noon, tatlong taon naman ang kapatid mo, ini-enjoy nyo ang paglalaro kahit hindi ganun ka condusive dahil ilang hakbang na lang e nandyan na yong  nuno ng punso na pinaniniwalaan nyong may nakatirang dwende.

Pagkatapos nyong maglaro, saka nyo iiwanan ang kalat. Otomatik yon, kung sinong maiiwan sya ang magliligpit ng kinalat. Pero walang papatalo kaya otomatik ding dumadakdak ang bunganga ng nanay pag nakikita na ang kalat nyo.

Gaya ng lupang nilaro nyo, may hangganan din ang paglalaro. Nagbigay ng galak at tuwa pero magtatapos din sa bandang huli. At yun nga ang nangyari sa akin. Namimiss ko na kayo, di ko man kayo nabantayan mula paglaki hangang ngayon sa pagtanda nyo e atlis alam nyong may lolo kayo.

tats da kolor…

May 31st, 2010

Isa na ata sa mga pinaka-bias na laro ang touch the color. Oo aminadong aminado akong nilaro ko to nung bata ako. Bale ganito ang magiging siste, syempre may taya tapos may mga slave kumbaga. Sasabihin lang ng taya na touch the color…pink! tapos hahanap kayo ng mga bagay na may kaugnayan sa pink, pwedeng pante, pwedeng brip, pwedeng headband, pwedeng kulangot basta lahat ng bagay na may shade ng pink. Depende rin pala ito sa rules ng laro, kung ang rules e dapat damit nyo lang ang hahawakan pag may nabanggit na kulay e talagang bias na kung bias. Alam mo kung bakit…

boys-girls-colorful-dress-facing-upside-camera-pictures

Nung bata ako mahilig akong makipaglaro pero pikon ako, kaya naman may mga nakakaway ako. Pag ang larong tats da kolor na ang laro e paniguradong talo ako, kasi pag yong kaaway ko na ang taya pipili sya ng kulay na wala sa damit ko. lintekan di ba? tapos andami daming kaartehan sa paghahanap ng kulay malay ba namin nung bata kami ang mga kulay na turquoise, lavender, tangerine, carnation maroon, at mimic sky blue? lintek di ba?

So ganun nga, minsan nagiging tanga na kami sa paghahanap ng kulay e nadadaya pa. Minsan napupunit naman mga damit namin sa kahihila o dili kaya ang puting daming nagiging brown dahil sa dumi ng mga kamay. Minsan nagkakasuntukan pa kami dahil sa larong to. hahaha

Wala nang sasaya pa sa pakikipaglaro, wala nang sasaya pa sa pagpili ng bawat kulay, at higit sa lahat wala nang sasaya pa sa paghahanda para sa damit na sususuotin kahit magmukha ka nang color-color sa perya. Ganun kasi kami nun, pinaghahandaan yong damit na isusuot mas madaming kulay mas bida!

Nalaman ko na lang nito lang, na ang buhay pala ng tao regardless kung anong kulay nito matingkad man o mapusyaw, nasa sa atin kung paano natin yon i-embrace para sa sarili natin, kung paano natin tanggapin at pag-ukulan ng tamang desisyong makakaapekto sa buhay mo. Sabi nga, makulay ang buhay!

photo credits: http://thundafunda.com/3993/?level=picture&id=3361

ang sinapit ng kawawang salagubang

May 26th, 2010

3528997671_1050ee1329_o

Tandang tanda ko pa na sa ganitong buwan din noon nanghuhuli kami ng salagubang, marami non sa probinsya namin lalo na pag medyo maulan na, nagsusulputan sila tuwing gabi. Nocturnal. Humahanap sila ng pagkain nila at nagpapadami na rin ng lahi kaya naman sinasamantala namin ang panghuhuli sa kanila. Pagkatapos naming kumain ng hapunan e hinahanda na namin ang mga gagamitin, bote, isang mahabang sulo o patpat na pinalibutan ng dayami sa dulo at binudburan ng siling labuyo. Matalas ang pang-amoy ng mga salagubang kaya naman pag itataas mo na yong sulo o patpat e lalapit sila at dun na magsisimula ang party ng mga salagubang.

Madalas kong bitbit ang bote ng gin bilog, dun ko nilalagay ang mga kawawang salagubang na gagawing slave kinabukasan. Kumpol kumpol sila sa loob at parang nagmamakaawang nagsisisigaw ng “ tulong tulong mother earth, let us go! Let us go! Help help help!”. Pero dahil sa salbahe akong bata noon, ginagawa ko silang laruan.

Lalagyan ko ng sinulid yong ulo nila, saka ko paiikutin…tapos saka naman to lilipad, paikot-ikot, lilipad lipad, paghihinto paiikutin ulit muli na naman tong lilipad, paikot-ikot hangang sa tuluyan tong mapagod. Sa isang batang tulad ko noon, hindi matatawaran ang sayang dulot nito sa akin. Tuwang tuwa ako. At pag kulang pa ang hatid nitong tuwa e gumagawa pa ako ng maraming marami pa, saka ko sila paliliparin. Paikot-ikot, lilipad lipad.

Maliban sa kuto at bulate sa katawan, ang salagubang ang naging unang pet ko. Tinuro sa akin yun ni nanay kung paano sila gawing kaibigan. Kasama si nanay ginagawan namin sila ng bahay gamit ang karton ng sigarilyo. Masaya kasi natutunan ko din silang pagpahalagahan sa huli. Although nangyayari  pa rin yong paiikutin at paliliparin hangang sa mahilo.

Ikaw naging salbahe ka rin ba sa salagubang?

photo credits http://farm3.static.flickr.com/2197/3528997671_1050ee1329_o.jpg