my first entry at dot com
Monday, September 29th, 2008finally!magagamit ko na ang bago kong site. Salamat kay nonoh for buying me a domain and helped me to have this site.
Salamat na rin pong marami kay lorie sa pagbibigay ng ideya sa paggawa ng site. At napagtiyagaan nyang sagutin ang tanong ko.
Sinubukan kong gawin,nagdownload ako ng ftp, kinonek, nagdownload ng wordpress,inedit at in-upload. Naghintay,nagfail, inulit, nagfail, inulit, naging okey na, pero may mali sa script, kaya inedit ulit, upload, check, may mali pa rin, binago, check, ganun pa rin, binago, check, may mali pa rin. At tuluyan ng pinabayaan.hahaha
Wala naman talaga ako background sa mga ganya, ni simpleng html nga wala ako alam, sa mga ganyan pa kaya. Napagtitiisan ko lang talagang magbasa ng tutorial o manood. Noong highschool ako, tinackle namin yan pero dahil sa wala akong interes dati sa computer e nagskip ako ng class.
Excited na akong matutunan ang mga bagay-bagay na meron itong site ko.
Ipapamalita ko ito sa mga prends ko.hahaha
