Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 70

Archive for November, 2008

si pacman at mga construction workers

Saturday, November 29th, 2008

Hidden Soldiers…

-

-

-

-

-

-

-

Sagot ni manny pacquiao nung tinanong sya kung ano ang world’s #1 shampoo.

 

 

 

Noodle

-

-

-

-

-

-

-

Sagot naman nya nung tinanong sya ni Kris Aquino kung deal or no deal.

 

Malapit na ang laban ni Pacman kaY dela hoya. Madami na namang milyonaryo ang tataya sa kanilang laban para makipagpustaan. Ang laro nagiging sugal na. Tsk. Tsk. Tsk. Sana sapat na yong isang boteng gin para sa pustahan at isang kilong inihaw na tilapia, tiba-tiba na nya ang mga sunog-baga.Haha

 

Ang ayoko lang kay manny pag nageenglish ang loko. Iniinterview sya ng kapwa pilipino sa tv pagkatapos ng laban pero pag sumagot e english naman na medyo masakit sa bangs. Di ko keri ang mga ganung sigways nya, you know! actually, definitely, amm… abosolutely, putragis na mga  words na yan!

 

Meron namang mga Pinoy na parang perdible lang ang citizenship, kung manalo si pacman proud silang pilipino daw kuno sila, pero pagkalipas lang ng ilang araw, ng limelight ng pagkakapanalo ni pacman e balik ibang-lahi na sila kahit halata mo namang mas pango pa ang ilong nila kesa sa baboy na malansa. Quote: “ang hindi magmahal sa sariling bansa ay daig pa ang isang malansang chorvah”. Siyetenes talaga ang mga hunyangong pinoy na yan.

 

 Sa jeep kanina. Si pacman ang usapan. Habang busy ang iba sa pagtetext, busy din naman ako makinig sa usapan ng apat na kalalakihang may edad na. Nang biglang nagawi ang usapan nila tungkol sa pampaputi.

 

Man 1: ibinili ko ang misis ko ng glotatayon.

Man 2: yun ba yong insecticide?

Man 4: mali! yun yong pampaputi daw kahit kilikili pwedeng paputiin.

Man 2: e ano pa ang pwedeng paputiin kay mare?

Man 1: tangna mo! syempre malapit na pasko kaya regalo ko na lang yun sa kanya.

Man 4: san mo ba nabili yun pare?

Man 1: sa quiapo. tatlo sengkwenta kaya bumili na ako agad.

Man 4. tangna pare, baka naman pamatay-ipis yan. hahahah

 

yun ang naging usapan nila. At desperado ata si kuya sa kutis ng asawa nya. Bakit walang man 3? e di ba nga busy yong iba sa katetext.

 

“the reason why we sometimes expect more from others… is because we would be willing to do that much for them”

-sms from bienthoughts of http://bienthoughts.blogspot.com

 

 

bob ong’s quotable quote…

Thursday, November 27th, 2008
:
“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

 

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

 

“…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

 

“…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. Desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”

 

“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

 

“Mag-aral maigi; Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

 

“…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “ Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela.. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…”

 

“Iba ang informal gramar sa mali !!!”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

 

“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo”

 

“Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko”

 

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

 

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila..dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

 

“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”

 

“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

 

“ Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay..”

 

“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

 

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

 

“Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?”

 

“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

 

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”

 

“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

 

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: Magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo! “

 

“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili. “

 

“Tuparin ang mga pangarap.. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. Wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”

 

“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao. “

 

“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

 

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

 

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

 

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

fusya sya…

Sunday, November 23rd, 2008

 

Kilala mo na ba sya? Oo yong malaking epal sa site na ‘to,

yong malaking figsa sa malaking fwet na ito.

Hindi pa? eh matagal na syang nag-eevolve di mo pa rin knows?

Si Paul, oo si Paul nga. Ang trying hard, social climber, epal, mali-maling mag-english at napakalaking hunghang sa mundo ng blogsphere.   

 

Sino nga ba siya?

Siya na ang hilig ay kumain.

Siya na ang hilig ay matulog.

Siya na ang hilig ay gumala.

Siya na ang hilig ay kumanta.

At siya na walang kalutay-lutay pagdating sa kama.

 

Siya si Paul Deng Bed… ang may kagagawan ng lahat.

 

Gusto mo syang makilala?

Simple lang. Halinat parating bumisita, sa lunggang puno ng kwela

 

itlogkopoito

Saturday, November 22nd, 2008

I know, I know, I only post rarely nowadays because I am curently fixing my site and got no time to post something, but I have a lot of something to tell.

Lunch break. Since I am poor and weak, I just only have egg my meal today with egg together with banana as a dessert. I bought this to manang tokyang, she is so mataray when it comes to utangan because she dont want anybody to utang her paninda because she might lugi daw. Duh? her store is big like her body so it is stable enough to sustain her needs never make lugi. So fattytic!
I just wonder why the salted egg is collred with red? why not with yellow, or blue…or fu- fu—fu.. fus–fus..fush— haaay pink na nga lang, or with green?  so they are  like power rangers na.

When I was a kid I asked my lolo where I come from he said that I am from eggs. Never to realizes that he was referring to sperm and egg cell. *bonggang bonggang bong bong* But so sad because I never had the chance to meet whom the eggs came from.

a true friend is someone who thinks that you are a good egg even though he knows that you are slighlty cracked.
-Bernard Melrzer

It may be hard for an egg to turn into a bird: it would be a jolly sight harder for it to learn to fly while remaining an egg. We are like eggs at present. And you cannot go on indefinitely being just an ordinary, decent egg. We must be hatched or go bad…
-C.S Lewis

I hope that youth today can be hatched and be like a good hen and a strong rooster not rotten egg who stinks so hard…

-Paul dend Bed

–Paul Deng Bed

love and bitterness

Monday, November 17th, 2008

I cant resist to be bitter now, i dont know why, i dont know how it doesnt matter how hard you try keep that in mind to explain in due time (waaaah kinanta?)hahaha…they say there is nothing wrong for being bitter, rememeber medicines usually taste bitter but it makes you well.

There will always be that first true love, the one you first spent the night crying because of, the one you always thought was stupid but still loved anyway,the one who hurts you so much, the one you most loved that time, the one that never really worked out but you kept your hopes up too much, the one who got away, the one that taught you all you need to know, the one that up until now, is still the one you look back to whenever you try to love again.

-Paul Deng Bed

layf and hapines

Saturday, November 15th, 2008

Its been ahwile since i havent posting my entry here. I was just busy making christmas decor in my house.Anyway how there you? In tagalog kumusta kayo dyan? Me, im fine, i thank you!
christmas is very near coming na and when christmas comes i feel pity to my self because i cant buy some dressesses like shoes and jeans. Im just envy our neighboorhod who have a lot of clothes when christmas is coming to town. They buy so many clothes, and they also have exchanging gifts and cards, the also have christmas tree and christmas light.Me I dont have had any. They have cheese, me only margarine, they have pork but me only MSG but hey they all like pig, so chubby; they have pasalubong from abroad me i am the one who gives pasalubong to my pet, they have new builded house me even faint brush i dont have. But despite all of those things they are not happy which on the other hand i am happy for what i only have.

By the way here is my wishlist this christmas is the following:

1. digital camera
2. PS3
3. new cellphone Nseries
4. Laptop or notebook
5. DSl internet connection
6. Apparels
7. nike shoes
8. trip to boracay
9. iphone
10. and last but not the least… happiness!

Isnt so annoying when you go to mall and a saleslady always ask you… “sir/maam ano pong hanap nila?” why dont you just tell them “kapayapaan at pagkakaisa”, for sure the saleslady will tumbling on your front.bwahahaha

In life there are things youve never thought would have happened. Things you dont want to, things you embraced from the start and in the end it may fall away, things you care but as soon as it has to go you dont have a choice but to. Gone are the days you feel its yours, but in reality it happens to be not. So for every thing what you have now, enjoy and have some value to it for it may soon be gone…

-In memory of… my patay na kuko.

-Paul Deng Bed

ang naging bakasyon ko, bow!

Wednesday, November 12th, 2008

yess! umuwi na ako mula sa bakasyon, syetness naman dahil sa sama ng panahon di ako masyadong nakapaglagalag. Namasyal lang naman ako sa bahay ng aking mga mahal kong kaibigan, kumain ng fresh na fresh na inihaw na tilapia na may kasamang toyo’t kalamansi, kumain ng manamis-namis na gulay, naligo sa ulan, at natulog ng ubod ng himbing.

Sapat na ba yun? ‘Di pa, kasi gusto kasi kulang pa.

November 10. Birthday ko,masayang malungkot… masaya kasi nakauwi ako at nagkasama-sama kami ng pamilya ko, malungkot kasi nadagdagan na naman yong pinakaingat-ingatan kong edad. Kung ilan taon na ako? malaking sekreto.

Walang cake. walang kandila. Walang magarbong handaan. Walang kantahan ng hapi bertdey. Walang lobo. Walang regalo. Simpleng simple lang.

sapat na ba yun? Oo, makasama ko lang pamilya ko masaya na ako.

Pero kung may nabalot ka nang regalo para sa maagang pasko, pwede mo naman iyong ibigay para sa akin.walang problema doon.Hehehe

sa humihingi ng picture sa aking nagdaang bakasyon. Ito na yun.

Syempre, ek-ek lang ang picture na yan.

home may gash!

Saturday, November 8th, 2008

Baka naman naman nakalimutan mo na ako at nasasapawan na ako ni Paul Deng Bed, ako to! oo nga ako to, di nga? limot mo na ba ako? buti naman. kumusta naman kaya yun? Ilang araw din akong di nakapagbigay ng updates sa blog ko, oo alam ko kasalanan ko din e ksi nga busy kasi ang lolo at ang kasalukuyang nagsashayn above the sky itong si Paul Deng Bed e ayoko namang masira ang kanyang engrandeng kinang at ayokong mamura ng kanyang english. Kumusta sya? Di ko alam, nasa Mall of Asia ata naglalaro ng taguan-pong kalaro ang sarili nya.

Anway kelangan kong gawin ang kanyang karakter para sa blog na ito para naman magkaroon ng kulay at saya kahit papaano, kung di ko man mapasaya ang iba atles ang sarili ko napapasaya ko sa hatid na kiliti nitong si paul deng bed.

Uuwi pala ako sa probinsya namin bukas, di kasi ako nakauwi nitong undas dahil sa trabaho. Magbabakasyon ako dun ng tatlong araw…haaayy ang sarap nun. Iwas sa polusyon, ingay, at kompletong tulog. Mamasyal sa kabarkada at makipagkwentuhan na walang humpay kaharap ang mga bote ng serbisa o amoy-chicong inumin,at magpahinga ng todo-todo. whew!

Gusto ko ang magbiskleta, maglakad sa kainitan ng araw, at maligo sa poso kasabay ng mga pinsang makukulit. Gusto kong kumain ng marami na luto ni Inang mother, gusto kong manood sa aming T.V na kelangan munang batukan para magsindi, gusto kong makipaglaro sa pinsan ko, gusto kong maglibot-libot sa aming bakuran, gusto kong magpalipad ng saranggola kahit may nagbabantang bagyo, at higit sa lahat gusto ko nang umuwi!!!!

Haay…. oh my home here i come!

mine your own business

Saturday, November 1st, 2008

Its been a long time i havent writed here because just nothing i feel lazy, sometimes you will feel like this its not that your brains does not working but your mind prefer to inhibit to do such things. Mind and brain are not the same or alike but they are synonymous together. Its like this; the mind works with the brain but not all brains work with a fine mind.

 

I am happy to read all the comments asking for more entries to come.

 

I went to convenient store awhile ago to buy a tobleron chocolate then I saw this kid speaking English so hard with her yaya. Oh my god the kid is so bright and smart. He speaks so well unlike me that in the eye of my neighborhood I look like I am TH (read: trying hard) to them but frankly speaking they don’t understand me. I don’t know if they understand English or  they don’t understand my english… goshhh so insinuating. Oh lets back to the kid, his yaya also know how to speak english, we converse and talk but my nose got bleeds…I felt intimidated.

 

Before I have only small friends but now I have a lot of friends, because of my english it makes me bida like star without shining (read: bituin walang ningning). I have friendster too and other social-networking websites to gain more friends here and there abroad.

 

Cherish the people who knows and understand you completely, those who get how you feel and accept who you are, because in the event that you lose yourself, they are the one who knows how to find you…

 

November 1. Halloween today. You know what when I was a kid, I envy those childrens having their basket on their hands and going to each house and then they were given with candies, chocolates and pesos (coin), I really envy them. Then they have a costume like monster, white ladies, tiyanaks ( im sorry I don’t know the english of that), and other so scary costumes.

 

One time I planned to do that, I went to our neighborhood and say “trick or threat” and my neighbor got mad and say tang ina mo! di uso yan dito!!! So I runned because he was drunk with that red eyes like a monster. And never attempt to do that again not because of embarrassment but because of I don’t know what and how to do. I was alone kaya, duh?

 

Last last week I went to a shop to buy a new bag. Its has been my dream to buy such bag, exhibiting to public people of the Philippines that hey I got this bag, hahaha. So finally I have it! but its only a dream of mine. A mere dream.

 

 

don’t feel mad whenever you sweet dreams are ruined by waking up. Maybe because that’s how life tell us to wake up from false beliefs and move on to save us from hurting ourselves

 

 Lesson: Never sleep if you dont want to dream because mind is all that matters.

–Paul Deng Bed