Sunday, December 28th, 2008
“hindi ko alam kung nasaan ako? kung sa pagitan ng delubyo o impyerno, hindi ko ito ninais pero bakit nagkaganito ako sa kinalalagyan ko. Wala akong balak sa kahahatungan ko subalit mapilit ang pagkakataong dito dapat ako. Masakit. Mahirap. Mainit, pero kelangan kong harapin ito. Kung malaman ko man kung nasaan ako, ipagtatangi kong malaman mo”
-reply ng isang emo sa text nung tanungin sya ng ‘wer na u?’
Ewan ko ba kung anong history ng mga emo sa mundong ito lalo na dito sa pelepeyns basta ang alam ko dumarami ang mga kabataang one-sided ang buhok, naka eye-liner ng black, nakaporma ng black at magin ang kuko nila itim din (stray thoughts: dadami pa siguro ang emo ngayong black american na ang pangulo ng US).
Sa mall madami kang makikitang ganyan, iba sa kanila bagay ang pagiging emo pero halos lahat sa kanila eh hindi. Minsan may nakita akong bata, kala ko emo din yun pala madumi lang talaga ang kuko. Bakit nga ba sila dumarami? Meron naman akong nakita pusturang emo talaga pero kung tumawa parang di nya dala ang pagiging emo sa hitsura nya, may ganun? Ganun na ba kalungkot ang mundo? Sila ba ang mas apektado sa economic regression? Sa pagtaas ng presyo ng bilihin? Sa political crisis? Apektado din ba sila sa hiwalayang vicky Belo at Haiden Kho? o malamang sa pagkakasuspinde ni cristy fermin sa the buzz?
Nothing takes the taste out of peanut butter quite like unrequited love.
-Charlie Brown
“its better to take a fire of flame than a flame of fire” (ano daw?)
-Paul deng Bed
