Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 67

Archive for February, 2009

chaynes garter

Saturday, February 28th, 2009

Lulukso-lukso, bubuwelo, itataas ang short, babasain ang labi, aatras ng tatlong hakbang para muling bumuwelo, muling babasain ang labi… sabay takbo at lundag-talon. (malas mo kung madapa ka, bongga kung natapos mo sya)

Yes, yes, i must admit na nilaro ko din ang chinese garter kasama ang mga pinsan mas brusko pa sa akin. Pag kulang sa kalaro ang mga pinsan babae kaming mga lalaki ang relyibo ng kalarong babae. Wala pa sa aming edad nun ang malisya. At tulad din ng mga babaeng kalaro, punas-uhog din kami noon.

Natutuwa ako sa larong ‘to, kelangan mo kasi ng tamang tantiya para maabot mo yong pisi o gomang hinahawakan ng taya. Depende kung ganu ka ka-flexible, kung kelangan mong tumabling, o kung kelangan mong sumigaw para bumuwelo. Taya ka pag di mo nalagpasan ng tama yong goma.

Sa amin nilalaro lang to pag di ka busog o kakakain mo lang, sabi kasi ng lola namin na pag naglaro kami ng chaynes garter na busog e magbubuhol-buhol mga bituka namin na parang isaw na sinawsaw sa suka’t toyo, o dili kaya magkakaroon daw ng apendicitis at worse pupunta daw ang kinain namin sa ulo namin pag natumbling kami. Mga ganung panakot ng aming lola pero wag ka champion sya sa larong to at kinoronahan pa sya sa Araneta habang nagshoshow si lani misalucha.

At dahil sa masunurin kami o sadyang uto-uto lang talaga e sinusunod namin ang payo ni lola.

‘never be caught with a piece of string, for it may cause you a longtime agony while others teasing you burot.’ -si lola

sa larong to natutunan ko kung panu…

mandaya…

mangburot…

madapa na kunyari di masakit…

magkampihan…

at higit sa lahat tumabling na parang aksyon star.

 

Grade six ako nun pero naglalaro pa rin kami nito, dinadayo pa namin ang kapitbahay namin minsan pa’y naging adik din sa larong to. Takip-silim na kung umuwi kaming magpipinsan saktong lutuan ng hapunan, tama namang parating na si tatay at inay mula sa trabaho. swak na ang buong araw ko.

-Tom Stoppard

Minsan masarap tumalon habang nakatingin ang kasamahan.

Lulukso ka sa kung ganu kataas ang gusto mo.

Sa kung panu mo gawin to.

Mag-aasta kang ikaw ang bida, daig pa ang tandem ni john llyod at bea.

Babasain ang labi at pupormang ayos ka,

na kaya mo.

 

Habang ang mga mata’y nakatingin sa’yo

dalawang bagay ang pwedeng kalabasan ng pinaggagawa mo.

Paghanga o Tukso mula sa mga kalaro.

Ngingiti kang konti, sasabayan ang hamon ng mga kalarong nasa likod mo.

 

Pwede ding kumaway with matching beautiful eyes,

pero yakness sa bruskong batang tulad ko.

Kasabay ng paghumpay ng hangin sa mga sinampay ni nanay.

Tatakbo kang nasa sa iyo ang desisyong manalo.

 

Pero dong nagkamali ka ng buwelo

dahil imbes na malampasan mo ang gomang lastiko.

Nguso mo ang unang tumama sa lupang mas matigas pa sa simento.

-tula alay para kay nonong na palaging burot sa larong ‘to. 

 

 

                              

ang dragon at ang laruang lata

Sunday, February 22nd, 2009

3 years old ako nung una kong naenjoy ang laruan, isa itong hunk na diver tapos gumagalaw yong kamay nya paikot, sususihan, ilulubog sa tubig at presto may laruang snorkler ka na. Yun ang unang laruan na natatandaan ko, yun din ang unang laruan na naging dahilan kumbakit ako madlas pinapalo noon, kung hindi ayaw matulog sa tangahli para maglaro e basa naman ang damit kalalaro. Di ko alam kung sino nagbigay nun sa akin pero swear nag-enjoy ako dun.

Madalas ang laruang ibinibili sa akin ay baril-barilan—yong mahaba. Gusto ata nila paglaki ko maging miyembro ako ng abusayaff o rebelde, salamat naman at di natupad pero nagmumukha lang akong rebelde. Ayaw ko noon sa mga baril na di battery-operated, wa-klas ika nga, noon pag mag ganung laruan ka kasi ituturing kang matalik na kaibigan ng mga bata kahit mortal mong kaaway buddy kayo, nagbubuklod yun upang gumawa ng kapayapaan sa una, sa huli mas malaking gulo na dahil pagaagawan na mauuwi sa away at sumpaan. Pero sa totoong buhay armas ito ng digmaan.

Meron din akong laruan na gawa sa lata ng condensed milk bale dalawang lata yun, bubutasan sa gitna, tutuhugin ng maliit na patpat upang gawing gulong, gagawan ng body na magiging mukhang truck na may malaking gulong, ginagawan ako nyan ng tatay ko, enjoy naman pero di dapat yun laruin sa katanghaliang tapat, maingay kasi baka mabulabog si nanay na kasarapan sa pagtulog, e tumatakas lang kaya ako.

Ayaw na ayawa ko nun ang matulog sa tanghali, maliban kay tagpi, paliligo, at kay potpot ang matulog sa tanghali ay isa rin sa mga mortal enemies ko. Kaya pagdating na nang katanghaliang tapat e kung saan-saan na ako gumagala, pupunta ako s bahay ng lola ko para magpabunot ng uban, sa bahay ng tita ko para ummm ano nga ba? para taguan si inang, or pupunta ako ng banyo para piliting maligo sa loob ng isang oras, at sa loob ng isang oras na yun e tulog na ang dragon na naghihintay ng batang kakainin.

‘f a man has been his mother’s undisputed darling he retains throughout life the triumphant feeling, the confidence in success, which not seldom brings actual success along with it.’

-Sigmund freud

Inis na inis ako nun pag tinatawag ako para matulog, kulang na lang hambalusin ko nanay ko ng laruang lata sa mukha pero di ko magawa di dahil di ko kaya pero mahal ko sya. Sinasabi ko na lang sa sarili ko na kelangan ko to paglaki ko, for growth and development ko to, pero mali ako.

’sa ngayon mas naapreciate ko na ng konti ang matulog kesa sa maglaro.’

-taympers

nursing board exam november 2008

Saturday, February 21st, 2009

http://nursingtrivia.blogspot.com/2009/02/november-2008-board-exam-results-page-3.html#links

sa mga nakapasa congrats sa inyo!

Macarthur by bob ong VLOG

Monday, February 16th, 2009

video1 yessss… you heard it right…VLOG. This is my first video blog that ill be posting here, wala ako magawa kaya i made a video myself regarding sa book ni bob ong~ macathur.

This book is about Drug Abusement, something common and cliche anarchy but the impact is quite different. Buy this macarthur bob ong book only for 100 pesos.

click here.

(for less amount of criticism it was intended to make your nick stiffed) lololol

laklak by rodfill

Saturday, February 14th, 2009

ok, ok, fine… call me naiveté  this time because of this song, i was stunned and shocked when i first heard this, kinda bubbly but i love it, ya dunno what im saying about? check it out…

finallaklak

or you may try it here 

uhugin ko kayo dyan eh!

Thursday, February 12th, 2009

Araw-araw akong nagko-commute papunta at pauwi galing  sa opisina. Wala akong sariling sasakyan dahil di ako marunong magdrive at higit sa lahat wala akong pambili.

Sa paguwi ko ng hapon para akong bilasang tilapia dahil sa stress at pagod.Kung di man malansa sigurado parang luray-luray dahil sa pagod.

Okey na rin sa akin ang sumakay ng pampasaherong jeep dahil madalas may libreng kwento ang mga pasaherong tulad ko kaya nakikinig naman ako.

“hay alam mo ba yong kapitbahay namin, nahuli ng mister nyang nakikipagjerjer”

“eh anong nangyari? ayun kinasuhan ng magaling na lalaki yong kalaguyo ng asawa nya ng tresspassing”

XX
“pre? anong gamit mong pampaputi?”

“yong iniendorse ni gaby concepcion, yong methathione ba yun?”

“maganda daw yun pero mahal, may alam akong mura lang, tatlo sengkwenta”

“talaga? eh ano naman yun”

“papayang hilaw, yong balat nya. Ikiskis mo sa balat mo hanggang sa singit hanggang sa pumuti.hahaha”

“gago!”

XX

Mahilig nga talagang makipagkwentuhan ang pinoy maging sa pampublikong lugar parang parte na rin sa routine ng trabaho. Putak dito, putak doon. Walang tigil basta lang may maikwento.

Minsan sumakay ako sa fx, may dalawang magboyprend ang nag-aaway.

Lalaki: (pabulong) putang ina mo nakakasakit ka na.

Babae: sori na kasi, di ko naman sinasadya.

Lalaki: kanina ka pa.leche ka!

Babae: Malay ko bang nasa likod pala kita kanina.

Lalaki: tigilan mo ako, sa bahay ka na lang magpaliwanag!

Babae: *iyak* huhuhuhu

Pasimple lang sila pero ramdam ko ang tensyon grabe as in ang hot, hot nung babae.hahaha. Bahala sila basta ako ngumangat ng cloud 9 at goya chocolate wag lang nilang pakialaman ang pagkain ko kundi gulo itong matindi.haha

XXX

may sipon pala ako ngayon tapos medyo masakit katawan ko, may flu ata ako sanhi ng RNA Viruses na Orthomyxoviridae na di ko alam kung sino nagpangalan sa virus na to e sakit lang naman ang hatid nito sa mammalia-ng tulad ko.

di ko kasi natatake na yong vitamins ko kaya malamang isinumpa muli ako ng mga impaktitang engkanto, leche!

Para tuloy akong maria cristina falls at pagsanjan falls ang ilong ko dahil sa uhog na tumutulo. Pero may nakaabang naman na tissue para saluhin ang biyaya mula sa itaas. hehe

gusto ko nga palang icongratulate ang ate ng mga malalandi sa blogsperyo na isang dotkomista na ang loko. Palagi kong sinusubaybayan ang kanyang blog mapaweb man o mobile internet, oo pramis meron kasing opera browser yong phone ko na modified sa pagbrowse sa web nang libre, oha oha. Balik tayo sa kanya, actually di ko pa sya nakikita pero feeling ko isa sya sa mga kinatatakutan ko sa panaginip nung bata ako, peace!. Di kami close talaga feeling close lang talaga, hehehe… Pero seryoso isa ako sa mga fans ng blogger na ito. Namiss ko na nga pala mga kwentong makulit ng kanyang dalawang anak, sana magpost ulit sya. O sya introduce ko na ang blog nang bongang bongang senyor citizen este senyora sa mundo ng blogsperyo—-drumroll… www.utakmunggo.com

uulitin ko, kung may isang blog na pwedeng irekomenda sa balat ng lupa ito ay ang www.utakmunggo.com

Mall of Asia galore gallery…

Monday, February 9th, 2009

Yesterday I went to Mall of Asia at Pasay, not to reminisce the past i have gone through there (naks ang drama) but to take some sunset views and the like. I only brought my camera phone because i dont have yet a  DSLR or even digital camera to flaunt while taking pictures. So i may say my budget really matters.

I went out from the office around 3:30pm much earlier than Tuesday-Saturday sched.Actually i already commited to meet with a friend that time, i planned before i should go to her place I should have dropped by to MOA.

Nice place though, not just only for lovers but also  for family affair or some sort of ‘gimik’, also for barkadas.

I have to admit that Im just a novice and completely apprentice when it comes to ‘picture-taking’ like this, it was not my attention if these pictures are massively seem an eyesore for you.Hahaha

Sunday, February 8th, 2009

 

 

 

sa PGH…

Friday, February 6th, 2009

Medical Terminology

ACTUAL SENTENCES FOUND IN PATIENT’S MEDICAL CHARTS at PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL (PGH):

1. Patient has chest pain if she lies on her left side for over a year. (Ang lungs pala nasa left side na?!??!)

2. On the second day the knee was better, and on the third day it disappeared.

(Ang knee nawala?!??!? )

3. She has no rigors or shaking chills, but her husband states she was very hot in bed last night.  (Talaga?!?! At kailangan talagang ipagsabi ?!!)

4. The patient is tearful and crying constantly. She also appears to be depressed. (how sad!)

5. The patient has been depressed since she began Seeing me in 1993. (Maybe she should stop seeing you)

6. Discharge status: Alive but without permission. (without permission to be alive? Pati ba right to live kailangang may permission na din?!?!?)

7. The patient refused autopsy. (WHAATT?!??! )

8. The patient has no previous history of suicides. (ganun?!!?!? ?)

9. She is numb from her toes down. (meron pa bang mas down sa toes?

10. While in ER, she was examined, X-rated and sent home. (that fast?!??!)

11. The skin was moist and dry.
(how could something be moist yet dry?)

12. Occasional, constant, infrequent headaches.
(&%#$@@@!!#$!! !)

13. Patient was alert and unresponsive.
(alert pero unresponsive? Pa’no naging alert yun?!?)

14. Rectal examination revealed a normal size thyroid.
(may thyroid sa rectal?!?!)

15. She stated that she had been constipated for most of her life, until she got a divorce.
(yun naman pala!)

********
Sa PGH, may tinatawag na Central Block. Nandoon ang Radiology Department kung saan ginagawa ang mga X-rays, Ultrasound, CT Scan at Radiotherapy.  Dito ko naobserbahan ang evolution ng mga pinoy medical terms.  May mga pasyente o bantay na aking nasasalubong, ang madalas magtanong ng direksyon. Mga

Versions ng CT Scan:

1. “Dok saan po ba ang Siete Scan?”
2. “Doc saan po ba magpapa-CT Skull”
3. “Doc saan po ba CT Scalp”
4. “Doc saan po ang CT Scam?”

**********

Madalas akong mapagtanungan ng direction papunta sa Cobalt Room.
“Doc saan po ba ang Cobal” Yes, laging walang T. Marami ang gumagamit  sa term na Cobal. Saan napunta ang “T”. Marami din kasing nagtatanong, “Doc, saan po ba ang papuntang X-Tray?”
Conclusion: Ang “T” ng Cobalt, ay napunta sa X-Tray.

*********

7:00 am. Nagbigay ang kasamahan kong doktor ng Instruction sa bantay ng pasyente, “Mister, punta po kayo sa Central Block at magpa-schedule kayo ng X-ray ng pasyente ninyo.” 3:00 pm. Kadarating lang ng bantay. Nagalit na ang Doktor, “Mister, bakit namang napakatagal ninyong bumalik? Pina-schedule ko lang naman ang X-ray ah.” Sumagot ang bantay, “Eh kasi po Doc, ang tagal kong naghintay sa gate, haggang sabihin ng guwardiya na sarado daw po ang Central Bank kasi Sabado ngayon.” (Nasa Roxas Blvd ang Bangko Sentral ng Pilipinas, at sarado nga naman yon kapag Sabado)!

***********

Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH, mahal na mahal talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na may sakit. Pilit nilang tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng kanilang anak.
Doktor: “Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anak niyo?”
Mrs 1   : “Doc phenobarbiedoll po.”
Doktor: “Ah baka po phenobarbital. ” (Gamot sa convulsion ang
phenobarbital)

**********

Doktor: “Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng anak ninyo?”
Mrs 2: “Doc metromanilazole po.”
Doktor: “Ah baka po metronidazole. ” (Gamot sa amoeba ang metronidazole)

************ *

Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU (Post-Anesthesia Care Unit)

Doktor: “Mrs., tapos na po ang operasyong ng anak ninyo, punta na Po kayo sa PACU.
Mrs 3: “Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po ba o sa may palengke?


***********

Doktor: “Mrs. ano po ba ang sinabi ng dating doktor kung ano daw ang sakit  ng inyong anak?”
Mrs 4: “Eh Doc sabi po niya Tragedy of Fallot.
Doktor: “Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang Congenital Heart Disease ang Tetralogy of Fallot)

************

Biglang nagtatarang ang isang nanay at sumigaw.
Mrs: “Scissors! Scissors! Nag-sciscissors ang anak ko, Doc!”
Doktor: “Nurse, diazepam please, nag-seizure ang pasyente!”


************ *

Doktor: “Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?”
Mrs. 6  : May ketong daw po.
In-examine ng doktor ang balat ng pasyente. Wala siyang makitang senyales ng ketong. Tumawag pa siya ng isang Dermatologist para mag-examine nang husto. Wala talaga.
Doktor: “Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang Sakit ng bata?”
Mrs      : “Eh iyon po ang sabi ng doktor niya dati. Mataas daw po ang ketong sa ihi dahil may diabetes.”
Doktor: “Ah ketone po yon! (Ang positive ketone sa Ihi ay senyales ng kumplikasyon ng diabetes.)

************ **

Doktor: (Sa buntis na mrs. na nagle-labor) “Mrs.pumutok na po ba ang panubigan mo?”

Mrs:”Eh Doc, wala naman po akong narinig na pagsabog.”  (Hanep!)

chukchakcheness

Thursday, February 5th, 2009

A society is a running system in a network. A network is so-called environment. You may detach your self from society because you society itself does not need you, and you need society in order for you to live the way you want to be. Society obliged you for some manners but never dictates you for your ‘manners’. It is solely on the basis of this common interest that every society should be governed. Governed by rules, culture, tradition, thoughts and proper government. Being antisocial is your choice but you cant runaway the fact that you yourself is also undertaking by society,because you again yourself is within premises of a so-called society, you that within its demographic rules and adjustments. You can deprive yourself from society but society never deprived itself from being antisocial.But still i so believe that a man is born free,and everywhere he is in chains it depends on how he percieves things he does.