Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 70

Archive for March, 2009

gabi na….WIKA na.

Saturday, March 28th, 2009

Sa di-malamang kadahilanan, bakit ako gumamit ng TAGLISH sa pagpapahayag ng aking makapagbagbagdamdaming sintemyento dito sa blog ko, di ko po alam. Kung formality ang pagtutuunan, dapat stick lang daw sa iisang medium ang gagamitin. Walang ingles karabaw, walang ingles kolehiyala at walang tagalog putot. Dapat yong tama at akmang-akma ayun sa tinuturo ng titser mo.

Subalit ‘di na mahalaga ‘yon para sa akin, I am not after the formality of phrase, sentence, and thoughts. Ang gusto ko lang naman eh mas maintindan ng buo yong pinapahayag ko. At hindi naman syntactical ang lahat nang nandito, sapat na ‘yong ginagamit ko ang dalawng wika upang maipahatid ko ang gusto ko nang kontento ako. Wala rin akong pakialam sa mga koreano, kasi di ko alam yong pinagsasabi nila in short di ko maintindihan. At pakialam ko pa kung alin ang tama sa nakabubulahaw o nakakabulahaw, basta yong koreanong kapitbahay namin maingay ‘pag lasing.

Ang turo ng titser kong kamukha ni krystala. Ang wika daw ay masistemang balangkas, binuo sa salitang tunog, pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit at nakabatay sa kultura ng mga gumagamit nito. Taglay nito ang magbago, kapangyarihan (ano kayang kapangyarihan pinagsasabi nito?) at kahirapang ipaliwanag. Sa madaling salita mahirap ipaliwanag ang wika, parang love maraming depenisyon pero mahirap ipaliwanag.

Ewan, kinowt lang ata niya yun mula kay Henry Gleason kasi sabi ni pareng Henry tungkol sa wika, ito’y masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit ng taong kabilang sa iisang kultura.

Anupa’t anupaman ang importante ginagamit ang wika sa pakikipagkomunikasyon. Ang komunikasyon ay maaring pasalita o pasulat. Ito ay pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang indibiduwal. Tapos tinanong ko yong titser kong kamukha talag ni krystala “e panu panu yong mga signs”. Akala ko matatalo ko na power nya, hindi pala, sumagot sya bilang pangontra sa tanong ko “ kung nakakita ka ng pader na may nakasulat na bubo! Bawal ang umihe deto, sa tingin mo maiintindihan ka ng pader? Kung sakaling naintindihan mo nga ang nakasulat? ‘di ba ang sabi ko pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang indibiduwal. Natahimik ako. Sa komunikasyon ang medyum na ginagamit ay wika. Kaya synonymous lang ang wika at komunikasyon parang alak at pulutan lang.

Ang sabi ni pareng wikipedia ang komunikasyon ay maaari din na intrapersonal o interpersonal. May mga ilang teoriya ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao. Ito ay isang sistemang pagkaiintindihan sa bawat taong nagkakaintindihan. Maaari na intensyonal o di intensyonal, interaktib, transaktib, maaari din na di pasalita o pasalita ito. Puwede rin intrapersonal o kaya’y interpersonal ang komunikasyon pantao.

“boom” ang tunog na ito ay nagtataglay na ng makahulugang mensahe, fonema ang tawag dito. “boom tarat-tarat” at morpema ang tawag dito, yunit ng isang wika na makahulugan. Fonoloji ang tawag sa taong nag-aaral sa tunog, linggwista ang taong nagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng wika at polyglot ang taong nagsasalita ng ibat-ibang wika.

Ngunit saan nga ba nagmula ang wika? Biblically speaking, noon pa man ay may wika na, tulad nung sa istorya ng tore ng babel. May iisang wika daw silang ginamit pero umambisyon sila para maabot daw Siya. Sabi na nga ba eh, uso na noon pa ang ambisyoso. Paglaon nalaman Niya, ayun bigla Siyang nagmagic kaya umiba na yong wikang ginamit nila, hindi na sila nagkaintindihan. Ayun naiwang nakatiwangwang yong tore katulad ng mga proyekto ng gobyerno dito sa Pilipinas pag kinulang daw ng pundo.

Alm mo ba may mga teorya ang wika? Nariyan ang teoryang ding-dong na may kaugnayan sa tunog na kalikasan, teoryang bow-wow mula sa ingay ng hayop, teoryang yum-yum na may kaugnayan sa pagkumpas, teoryang sing-song na di-matawarang awit, teoryang yoheyo na may kaugnayan sa matinding pwersa, at teoryang taara-boom-de-ay o ritwal na may kinalaman ang pagkumpas ng dila. Kung sino ang may pakana ng lahat ng nito? ‘di ko po alam, basta tinuro lang sa akin yan.

Maaaring tama o mali ang pinagsasabi ko dito, at iyon ang patunay na ang wika ay may disadvantage din. Minsan namimislead tayo, nagkukulang ng impormasyon o sadyang hindi malinaw ang pagpapaliwanag… parang yong dalawang lasing na nagpatayan… hindi nagkaintindihan.

At dahil dyan gumagamit tayo ng lingua franca, ito’y kumon na dayalektong ginagamit sa pakikipagtalastasan ng dalawa o higit pa na magkaiba ang medyum na ginagamit.

Ilocano: kumusta ka na ay?

Bisaya: mabute lang naman.

Ilocano: kumain ka na ba?

Bisaya: tapus na!

Sa kanilang pag-uusap ang kanilang lingua franca ay tagalog. Magkaiba sila ng kinagisnang dayalekto pero ginamitan nila ng kumon na dayalekto para magkaintindihan. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ang tagalog ay lingua franca.

Gamitin ang WIKA sa pangungusap?

1. Haay naku gabi na,WIKA na. joke lang. Pero ito, nagbubuklod-buklod ang isang pamayanan gamit ang wika.

batang BATIBOT ka ba?

Wednesday, March 25th, 2009

Batibot – Batibot Theme Song
Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla (2x)

Dali, sundan natin
Ang ngiti ng araw
Doon sa Batibot (2x)

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla (2x)Music by:
LOUIE OCAMPO
Lyrics by:
RENE O. VILLANUEVA
Arrangement by:
MEL VILLENA

Yan yong theme song ng batibot. Ni-google ko pa yan kasi di ko na memorized yong buong kanta, Laking batang batibot ako, oo aminado akong parte ng henerasyon ko ang batibot, at hindi ko malilimutan ang mga araw na nakaharap ako sa t.v upang panoorin ang batibot. Kung ngayon ay cartoon network at nickelodeon ang paborito ng mga bata kami noon ay batibot. Nasa tatlong gulang na ako nun nang una kong natatandaang nanonood ako ng batibot kasama ng mga pinsan ko, siguro 1989 o 1990 na yun (bawal i-compute kong ilang taon na ako, magiging kamukha ni pong pagong) basta naimpluwensyahan lang akong manood at ang alam ko nasa panig na ng ABS-CBN noon ang batibot kasi ang kwento sa akin ng nakatatandang pinsn ko ang unang ere daw nun ay sa ibang channel RPN 9 YATA. Ang batibot ay Filipino version ng sesame street.

sino ang makakalimot kay kuya bodjie na da best kung magkwento na parang kausap lang ang viewer,kay ate sienna na studyante na kasakasama din minsan ni kuya bodjie magkwento, gusto ko ditto yong get-up nya kewl ika nga, kay kuya Mario na parang si Mario lang ang drama sa Mario Bros., kay ate isay na makulet din kung magkwento sa mga bata, kay kuya cheng na dyipney driver ang get-up. Isama mo na rin yong mga Muppets na curious na curios ako nun kung buhay nga ba sila kanina ko lang nalaman na hindi pala; sila ay sina pong pagong, kiko matsing, manang bola, kapitan basa, koko kwik-kwak (sya yong pumalit nung ‘nagbakasyon’ si kiko matsing at pong pagong), sitsiritsit, alibangbang, noli de kasyo, toto peg, irma daldal sama mo na ang chuwariwap back up dancers nya, direk, ningning, gingging, di ko na sinali yong mga batang cast na palaging pinapaalalahanang magpakabait at kumain ng gulay, kung may kulang man dagdag nyo na lang.

ito na siguro ang naging morning ritual naming mga magpipinsan nun ang panoorin ang batibot pero bago pa man humarap sa t.v e kelangan muna naming maligo upang presko kaming nanonood, kaya may malaking kinalaman ang batibot kumbakit ako natotong maligo ng madalian.

Aliw na aliw ako nun sa kwento ni kuya bodjie at ni ate sienna, kinapupulutan talaga ng aral at may sense talaga. Kumbaga sa tinapay, binigyan ka ng lola mo ng isang tinapay pero may palaman naman at keso pang mozzarella. Gusto ko dun yong portion na alin ang naiiba na mamimili ka kung san dun yong kakaiba o hindi kabilang sa grupo. Gusto ko din yong hulaan bles ni manang bola na mas malaki pa ata yong bolang kristal kesa sa ulo nya at ang porma wag ka talbog si madam auring pagdating sa mga bling bling.

Naasar ako nun pag hindi ko napapanood ang batibot, hindi kompleto ang araw ko. Naging routine ko na kasi na panoorin ito bago maglaro ulit sa bakuran, sa pagkakalam ko nagsisimula ito bandang 9:30 o 10 ng umaga pagkatapos ng programa deretso kami agada sa naudlot na laro upang ipagpatuloy muli ito, at kung ako yong taya tulad sa larong taguan pong, e aayaw na ako at ipagpapatuloy na lamang manood ng tv hanggang mananghalian.

Kwela kantahin nang sabay sabay yong tinapang bangus, batis, alin ang naiba, gulay, kung hindi pwede, kandirit, bangkang papel at marami pang iba. Kulang na lang e maghawak-hawak kamay akmig magpipinsan habang kumakanta, pero pagkakatanda ko merong ganung moments kami ng pins ko. (hahaha) Hindi ako patatalo nun kahit bulol pa ako magsalita e talagang susuko si Mariah Carey sa aking pagkanta. Ang bata nga na naman.

Sa batibot marami akong natutunan,mga kwento, bugtong, tula, kung paano kumain ng gulay at bakit kelangang kumain ng gulay, awit, sayaw at higit sa lahat ang mga aral na kinapulutan ko ng aral na magpahanggang sa ngayon nasa kukote ko pa rin bilang bahagi ng karne na laman ng aking bungo.

Nahinto man sa pag-eere ang batibot, “nagbakasyon” man sina pong pagong at kiko matsing, at mistulang wala na ang studio ng batibot pero ang mga aral at pangaral nito para sa mga batang batibot ay buhay para sa marami.Hindi man ito naabutan ng mga batang henerasyon ngayon nawa’y isang daan na rin yun para ituro sa kanila ang mga bagay na natutunan namin sa batibot.

Ang batibot ay naging institusyon na rin yan ng mga batang Pilipino,noon at magpahanggang sa ngayon. Madami akong natutunan sa programang ito, di ko maitatangging isa ako sa naadik dito pero kelanman hindi ako naging fan nito (ngisi).

Batang batibot ka ba? Kung oo kantahin ang bangkang papel ng limang beses, kung hindi naman manatiling manahimik na lamang.

Narito ang ilang tanong pre-requisite para makakuha ng U.S visa.

1. napansin mo bang hindi gumagalaw ang isang kamay ni kiko matsing?
2. ipaliwanag kung bakit mas pinili mo ang batibot kesa sa sesame, walang kopyahan. Itinuro yan ni kuya bodjie.
3. ano ang naramdaman mo nung nalaman mong wala na si kiko at pong pagong sa batibot? Bitter ba?
4. ipaliwanag kung paano makatutulong ang batibot sa global financial crisis.
5. sa tingin mo kumusta na kaya ang career ngayon nina kiko matsing at pong pagong.
6. pumirma ka din ba sa isang milyon lagda nung binabawi na sina pong pagong at kiko matsing ng kanilang orihinal na produser?
7. ilan ang daliri ni pong pagong? Ginagamit din kaya nya ito sa pangungulangot?
8. anu-ano ang mga natutunan mo? I-email mo ang mga ito sa pensucks@gmail.com
9. naliligo ka din ba bago manood ng batibot?
10. matapos mong gawin ang quiz na ‘to, punitin mo agad at wag ipapabasa sa iba, istayl ni bob ong ito kaya bawal natin gayahin.

“Don’t focus on what you have lost but what remains, don’t focus on the pain but on how it is shaping your character, don’t focus on the failure but on the great lesson you have ever learned.”
- sabi ng mani vendor isang certified avid viewer ng batibot.

langit lupa IMPYERNO…

Tuesday, March 24th, 2009

Summer na, mainit o maalinsangan na ang panahon dito sa Pinas, walang dudang tataas na naman ang bill ko nito sa kuryente. Bulsiyet naman.
Tagaktak ang pawis ko habang pauwi na kanina mula sa ofis, para akong umebs ng halos isang tabo ng fofo (sorry for the graphical description), parang bukal ng tubig ang aking noo dahil sa pawis buti sana kung manamis-namis pero lasang ewan, pwee.
wala akong aircon dito sa lunggang tinutuluyan ko, magastos kasi masyado at di ko kelangan ng pampalamig gamit ang isang makinang gumagamit ng daan daang watts sa pagkonsumo ng kuryente dahil hindi yun makakatulong sa init ng aking katawan kugn ako’y nag-iinit at higit sa lahat ang aking ulo (taas) kung dumating na ang bayaran ng kuryente, wala talaga akong aircon period.At di ko binalak magkaroon nun sa ngayon period ulit. Sapat na yong dalawang elektricfan para mahanginan ako kahit pa parang blower na ang buga ng hangin nito.
Bigla ko lang naisip kung meron din ba kayang sauna bath sa langit. Kasi kung meron man hindi ba kaya parang impyerno na rin ang dating nun? E sa impyerno may aircon din ba kaya? Gaano kaya kainit pag summer sa impyerno, meron din ba kaya silang fire extinguisher? Kung meron man aprubado kaya ito ng fire department?

heto ang biglaang naisipang kwento…

“sunog!” malakas na sigaw ng isang demonyo, bilang babala rin sa iba pang demonyo na abala sa paglalaro sa Playstation 3. Agad namang naalarma ang lahat maging si Lucifer na abala din sa panonood ng twilight.
Kinuha agad ng isang demonyo ang fire extinguisher sa isang sulok para puksain ang kumakalat na apoy sa lounge area. Huli na nang malaman nila di ito madadaan lang sa fire extinguisher, dahil sa lakas ng liyab ng apoy agad nagkagulo.
“oh my god!” tanging sambit lang ni Lucifer nang Makita ang laki ng apoy. Nagkakalasan na ang pulutong ng mga demonyo, nagkakagulo. May sumisigaw, may gumagawa ng paraan, may nagtatakbuhan, yong iba may kausap sa telepono—humihingi ata ng tulong sa 911, yong iba naman parang wala lang, may nagdadasal, habang ang ilan ay abala pa rin sa paglalaro ng PS3 na parang wala lang… kibit balikat lang.
Agad niligpit ni Lucifer ang gamit nya, kinuha ang bagong labas na Asus Eeepc notebook laptop, titanium thumbdrive na naglalaman ng mahahalagang datus ng mga taong nasa impyerno, starbucks tumbler, iphone at ang librong angels and demons ni Dan Brown. Tumungo sa bandang likod ng kanyang ofis at agad tumungo sa fire exit.
Halos wala ng tao,ay mali demonyo pala sa lounge, nasa labas na ng building at sinasaksihan na lamang ng ilan ang paglamon sa kung tawaging flame building. Kabado ang ilang staff ni Lucifer, hindi pa rin kasi sya nakalalabas. Usok na halos ang bumabalot sa paligid, nanjan na rin ang media na magcocover para sa balita, meron na ring mga epal na ka=umakaway sa likod ng reporter habang live na kinocover ang nagyayari, parating na ang bombero pero dahil sa crowded na ang impyerno at mistulang squatter area na ito, hindi agad makasiksik ang fire truck sa mga masisikip na iskinita dagdag pa dyan ang ilang usyosero.
“josko!” sigaw ng ilang demonyo, may nagdadasal, may mangiyak-ngiyak at may nagsisigawan lang na parang umaattend lang sa concert ng eraserheads.
Ilang minuto pay may nakita silang sungay, matulis, mahaba, matigas, maitim, at malaki (hay naku dinedemonyo ka ngayon kung iba nasa isip mo) mausok dun pero aninag mong may tao, ay mali may nilalang dun. Di nga nagkamali ang ilan, si Lucifer nga na palabas sa isang pintuan.
“buhay si bossing! buhay si bosing” sigaw ng ilan. Sakto namang parating ang bombero at agad umaksyon upang puksain ang apoy. Masaya ang lahat nang makitang buhay si luifer. Nagdiwang at nagawa pa nilang sumayaw ng dayang-dayang.
Napuksa din sa wakas ang sunog pero ang dagok at trauma na naiwan nito para sa lahat ay mukhang malubha lalo na kay Lucifer. Perstaym kasi itong mangayari sa impyerno dahil sa kapabayaan ng isang demonyong naglaro ng apoy. Traumatic scenario ang nangyari para kay Lucifer. Takot daw kasi syang masunog ng buhay di tulad ng kanyang mga bilanggo… patay na.
Mula noon naging maingat na ang lahat. Nagkaroon na rin ng mas maraming fire exit kung sakaling mang magkasunog ulit ay hindi siksikan ang labasan. May seminar na rin tuwing fire prevention month. Naging aral yun para kay Lucifer at sa kanyang mga kampon. Di na raw mauulit yun; sana nga…sana.
X0×0
langit-lupa-impyerno.

Siguro naman alam mo ‘tong laruin, simpleng habulan lang to pero nilagyan ng konting twist. May taya siyempre at may hahabulin para maging taya naman. Pero bago ka mahuli ng taya kelangan mong makahanap ng pagtutungtungan mo bilang langit mo, wag sa lupa mahuhuli ka tanga.
Pero bago pa man ang habulan kelangan merong ritual na gawin… “langit.lupa.impyerno.im..im..impyerno. saksak puso tulo ang dugo.Patay.Buahy. A-alis ka na dyan.” Kung madaya ka at may gusto kang paalisin na agad bibilisan mo ang pagtuturo paikot at sabay turo sa kanya, at kung ubod ka talaga ng daya babagalan mo naman kung alam mong saktong hihinto sa gusto mo maging taya. Magic hand trick ika nga. Yan lang naman ang ritual tapos kung sino yong huli sya yong taya… madalas naming laruin yan ngmga pinsan ko, yan din ang salarin kumbakit magpahanggang sa ngayon e may peklat pa rin ang tuhod ko.
Sa larong ito kelangan mo ng matibay na paa para makatakbo ng mabilis, dedikasyon, mabisang komunikasyon, patience, at pag-asa. At never be pikon.Kelangan din pala ng panyo o tuwalya pampunas ng pawis, tubig kasi uuhawin ka, at kung maduga ka pamatong sa paa bilang langit mo.Pero bawal yan sa larong to.
Sinong bata noon ang hindi naenjoy ang larong to? sino? Nilalaro nga namin to ng nanay ko, kung hahabulin nya ako ng pamalo, uunahan ko na sya…tutungtong ako sa langit kasi sya ang taya, iwas palo o di ba?
Ang saya maging bata. Walang problemang mabigat, pinakamabigat na siguro yong kung paano ka makakabawi sa laro kinabuksan, gabi pa lang pinagiisipan nang mabuti ang taktika. At yong kung paano ka makakabawi sa laro kinabuksan, gabi pa lang pinagiisipan nang mabuti ang taktika. At yong kung paano ka iiwas sa bully ng mga batang mas astig kesa sa ‘yo.
e teka si lucifer ba at ang mga demonyo naglalaro din kaya ng langit-lupa-impyerno?

PBA09s0op49o

patoytoy

Friday, March 20th, 2009

Isa sa mga pangarap ko noong bata ako ay magkaroon ng de-remote na kotse-kotsehan pero naging pangarap na lang talaga yun lately lang ako nagkaroon mumurahin pa, laking tuwa ko noon nang magkaroon ako, bumalik ako sa pagkabata…patalun-talon habang naglalaway dahil sa bagong laruan.

 

Di ko kasi naranasan noong bata ako magkaroon ng ganitong laruan,yong pwedeng paandarin na walang kordong nakakabit sa laruan kundi isang dangkal na alambre lang bilang antenna nong laruan. Sabi ko nga hanggang pangarap lang to nung bata ako, ayaw akong ibili dahil mahal pa nun ang kanitong klaseng laruan at isa pa baka mapagdiskitahan ko butingtingin kasi mahilig akong magbutingting nung bata pa ako, curios ako palagi kung panu umaandar o gumagana ang isang bagay.

 

Noong bata pa ako tama na yong laruang jeep na hinihila para umandar ang kasakasama ko, mga ganun palagi ang laruang natatanggap ko,mura lang kasi. Pero talagang mababaw nga siguro kaligayahan ng mga bata, kasi masaya na ako pag ganun natatanggap ko, pandagdag yabang na rin kasi sa mga kalaro.

 

Pero impernes nilalaro ko din nun ang homemade toy na ginawa sa basyo ng pulbo, naaalala ko Johnson & Johnson yun na pulbo simple lang yong style ng basyo,ang proseso bubutasan sa magkabilang bahagi tapos lalagyan naman ng gomang gulong na gawa sa lumang tsinelas. Oha o di ba napakacreative ng mga bata nun, kung pwede nga lang yong used condom e gawin ding lobo.

 

Simple lang ang buhay nun, walang masyadong game console, ang naabutan ko lang nun ay ang family computer. Walang psp, xbox, walang gameboy advance, walang wii, walang ds lite, walang ps1, ps2, ps3, ps4 ay mali hangang ps3 lang pala muna, at wala yang mga cellphone na yan. Sa amin nun may ulam lang okey na ang buong araw,payak ang buhay, simplng pamumuhay, walang masyadong rangya liban sa casino ni ama, sa lacoste bag collection ni ina, sa photograpy hobby ni lola at kayak hobby naman ni lolo at ako naman sa matchbox collection ko. Maniwala tanga. Syempre ilusyon ko lang mga yan, pautot lang ba, dakilang ambisyoso kaya ako nung bata ako.

 

ang tumbang preso; kwento ng batang binilanggo

Friday, March 13th, 2009

Habang binabagtas ni berto ang maingay na daan ng kalye ton,  masaya nyang pinagmamasdan ang mga pawisang naglalarong bata sa gitna ng kalye. Naghahabulan na animoy nakawala sa kulungan.

 

Masayang binabato ng bawat isa ang isang lata ng sardinas na wala nang laman gamit kanilang sariling tsinelas; may Ramboo, Spartan, Nikon, Islander, ordinaryong di-ipit, at ang isang sosyalerang baklita gamit ang kanyang pink havaianas, habang may isang taya naman na nagbabantay sa latang ‘di napapatumba. Sumaglit muna si berto sa kinakainang karinderya upang bumili ng maligamgam na palamig ni aling vekla, swak sa kanyang baong hopiang amoy amag na.

 

Plak. Tumumba ang lata, sabay takbuhan ng mga batang naglalaro tungo sa kani-kaniyang nabatong tsinelas upang kunin ito at bilang muling pambato. Asar na ang batang taya, kilala ni berto yun, si pepay, anak ng kaniyang pinsan pero di nya ito tinatawag na pamangkin mahabang kwento kumbakit at ano ang naging dahilan.

 

Muling natumba ang lata, muling nagtakbuhan ang mga bata, muling nanghuli ang taya. Pero pinuputakti ata ng malas si pepay, dahil wala syang mahuli kahit isa man lang sa kanila. Nakasimangot ang kawawang bata ngunit patulo pa rin sa pagiging taya, to da hayis level ang sportsmanship ng bata. Pursigidong may mahuli si pepay para pumalit naman sa kanya bilang taya sa laro.

 

Makulimlim na ang kalye, natatakpan na kasi ng mataas bubong ni mang kardo ang bahaging pinaglalaruan ng mga bata.

 

Patuloy pa rin  sa paglalaro ang mga bata, mukhang balisa na ang taya, tinatawag na kasi syang burot pero di pa rin sya patatalo, malakas nga talaga ang kompyansa ng batang ito.

 

Habang nagpapahinga si berto sa di kalayuan, tanaw nya si pepay na kanina pa taya. Medyo napangiti sya, sa loob-loob nya kasi inis na si pepay di man yun halata sa mukha ng bata pero kilala nya ang bata na madaling mainis at maiirita.

 

“berto? San ka na nga ba ulit nagtatrabaho?” tanong ni aling vekla. “ sa pabrika po ng sigarilyo ate” tugon nya. “e kumusta naman sina mare?” “umuwi po ng bikol, aasikasuhin daw yong lupang iniwan sa amin ng lolo” sagot ni berto. “o, e yong gerpren mo, di ba may gerpren ka na? ano na ulit pangalan nun? Gine nga ba?” muling usisa ng tsimosang tindera.” Ah wala na po kami matagal na, atsaka jenny po hindi gine, wag nyo na pong alaming kung bakit ang masasabi ko lang po ay hindi lahat ng pagkakataon totoo ang pag-ibig, maraming nagaakalang pag-big daw ang nararamdaman nila pero para sa akin infatuation lang yun at ito ang malalim na depinisyon ng libog… ” inis nang sumagot si berto. “naku iho talagang ganyang ang buhay, minsan sawi minsan hindi pero madalas madaling lang magsawa tao” tugon ni aling vekla na abalang namang inaayos ang buhok. “ malas lang talaga ako ate, sabi nga ni Schopenhauer ‘the popular fiction, the story must ended when after interminable vicissitudes, the hero and heroine are happily wedded, for if the narrative continued, the reality of repeated misfortune would eventually prove, that life must be some kind of mistakes and that it is a sin to be born’ mahilig lang talaga putaktihin ng malas ang buhay ng tao. Talagang ganun po talaga, the reality of life is sadness.” Si berto.  “ o sya maiwan muna kita, diko rin kasi maitindihan pinagsasabi mo bata ka, ihahatid ko lang itong espesyal palamig kay mang bengbeng” sabi ni aling vekla habang inaayos ang dalawang supot ng yelo na paglalagyan ng espesyal (daw) nitong maligamgam na palamig.

 

“burot ka na!” sigaw ng isang bata sa di kalayuan. “di ako burot, mahuhuli ko din kayo. “ wala! Burot ka na! aminin mo na kasi!” sabat pa ng isa. Tanaw ni berto ang mga pangayayari habang sinisipsip ang natitirang palamig. Maya-maya pay isang malakas na BOOOOHHGGHH! ang kanyang narinig, tumilapon ang lata. Malakas. Napahinto sandali ang mga bata as in sandali lang talaga. Pagkay isang malakas na PLLLAAAKK ang kanyang narinig, di lang narinig kundi nakita nyang dumapo ang kaliwang kamay ng baklita sa pisngi ni pepay, may komosyon.

 

“ akala mo ba ‘di ma-hurt ache yun?!? Habang haplos sa noo ng kawawang baklita, medyo may dugo pero ok lang, wala pa sa bituka ika nga. “e ikaw tong nang-aasar e!” pasigaw na sambit ni pepay habang hawak naman ang pisnging mamula-mula.

 

“ayos! Magandang eksena ito!’ bulong ni berto sa sarili habang kinakamot ang nangangating bagay na nasa pagitan ng kanyang hita.

 

“gagetch ka pala e! wiz kang makikipaglaro kung mapipikon ka! Chorvah ka talagang hitad ka” pasigaw na sabi ng baklitang bata.

“hoy heremio na may malaking tabinging ilong! Kung di mo ako pipikunin tuloy ang laban, fight for fight, fight to fight!” sigaw naman ni pepay.

 

“ah ganun, e kung sundutin ko kaya yang nose deretso sa esophagus mo? Ikaw tong dadayo kaw pa tong pikon at galit” tumitili na parang Mariah carey nang pagbigkas ng baklita.

 

“e kung ipalamon ko kaya itong lata ng sardinas sa bunganga mo para naman kahit papaano matupad ang kahilingan mo sa fairy gay mother mong duguin ka kahit sa bunganga man lang?”

 

Isang malakas na sipa ang nasaksihan ni berto, sipa mula sa kabayong baklita este sa mataray na baklita. FLEEKKK… may poise pa ring sumipa ang bata kahit galit na. e panu kasi hahawiin muna ang buhok sa tenga, tataas ang kilay at ititiklop ang labi sabay sipa.  Nakailag si pepay, maagap nyang nailagan ang malakabayong sipa. Para saan yong FLEEKKK? Wala, sound effect lang para kunyari makatutohanan.

 

Sa di kalayuan, nasasaksihan yon ni berto, di sya anghel para sumaklolo sa pamangkin, lalong di demonyo para sumulsol pa na sya namang ginagawa na ibang bata para uminit pa ang away sa pagitan nina pepay at heremeo… baklita na nga lang. May nagsasabing ‘hawakan mo nga sa tenga’, merong nagsusulsol na ‘sige pa nga isang sipa nga ung kaya mo pa.’

 

Sadyang matapang itong si pepay, di padadaig sa ibang bata tulad ng kanyang ama, di matapang pero mahilig makipag-away. Umaatikabong komosyon na ang nangyayari. May sigawan na, dumarami na rin ang mga meron, parang sabong sa pagitan ng dalawang baboy.

 

“iiyak na  yan! Magsusumbong na yan magsusumbong na yan sa nanay nyang mahilig magtong-its” pang-aasar pa lalo ni pepay. ‘bakit ako iiyak, baka ikaw, pa ang magsumbong sa nanay mong idol ang power puff girls” pangaasar din ng kabilang panig.

 

Aaktong muling sisipa si pepay nang biglang dumating si kulas—ang batang lider ng mga lider sa kalye ton, agad nagsikalasan ang mga bata, tumakbo sa kanya-kanyang lungga, maging ang dalawang nag-aaway kanina ay humarurot din ng takbo, parating kasi si kulas, ang siga sa lahat.

 

Napangiti si pedro. Halos nawala ang mga batang kanina pay maiingay,tumakbo sa kani-kanilang bahay. Tanaw ni pedro si Nicolas, butsog, mataba at maikli lang ang leeg, siga sya sa kalyeng ton dahil sa larong tumbang preso, at champion sya sa larong ito, sampung taon lang si kulas pero sa laki ng kanyang katawan ay kinatatakutan sya ng mga batang muta ng kalye ton. Kababata ni pedro si kulas pero di sila close. Di man lang kasi nabigyan ng pagkakataong si pedro na makalaro itong si kulas kahit man lang sa larong tumbang preso dahil maaga syang pinagtrabaho ni mang kardeng—tatay ni pepay. Ang malupit at hinayupak na pinsan ni pedro kung saan kasalukuyan syang nakikitira.

 

Palubog na ang araw, na sya namang oras ng pagtatrabaho ni pedro.