Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 67

Archive for May, 2009

tama na sobra na!

Friday, May 22nd, 2009

Minsan may mga bagay na mahirap ko nang itama, mahirap ko nang ituwid. Kaya mas hinaharap ko na lang yong consequence na pwede kong kasugapain na parang superman lang ang laban. Ayoko kasi paniwalain ang sarili ko na pwede pang gawing tama ang mali dahil hindi tama yun naniniwala kasi ako na magkaiba yong gawing tama ang mali kesa sa itama ang mali, mas mapapalagay ako sa huli. Kahit anong pilit kong itama, nandun na yun. Sabi ng titser ko sa music nun ‘hindi lahat ng pinanghahawakan mong tama ay sa tingin mo ay tama. Madalas ang alam mong tama ay mali sa iba, parte yon ng individual differences ng tao.’

‘hindi ko alam paano kung wala sa likod ko, pakiramdam ko lahat ng gagawin ko ay mali, ang masama pa wala ka sa likod ko para itama yun’-emong lapis na walang pambura.

Minsan kenailangan kong magkamali para malaman ang tama, naisip ko. Minsan hindi ko namamalayan na nagkakamali pala ako kahit ang alam ko yon ang tama. Alam ko yun ang tama hindi pala.

‘ganyan ka naman talaga e kelangan mo lang ako pag nagkamali ka, pag may mga bagay kang alam mong taliwas sa tama’-backspace

oo alam ko mali yong sya pa rin ang iniisip ko kahit tapos na ang lahat, anong magagawa ko kung yun lang ang alam ng isip ko na tama para sa puso kong nagkamali. Alam ko namang masakit e sa tuwing inaalala sya, bawat sandali may kirot pero mali bang magmahal ng alam kong tama? Kung ang pagmamahal ng sobra sobra ay mali, mas pipiliin kong magkamali habambuhay kesa sa magmahal ng tama pero kulang naman sa alam kong nasa tama.

‘ilang beses mo na akong ginamit, pero bakit ganun hindi mo pa rin sya maalis sa isipan mo’-ctrl alt delete

PBA0902s7166

Kapitan Sino Book Review

Tuesday, May 19th, 2009

‘ano ba ang inaakala mong bayani? Yung mga nasa komiks na sumasabak sa panganib na hindi totoo? Nagliligtas sa mga taong walang buhay? Gumagawa ng mga bagay na di naman nangyari? Hindi namamatay at hindi nawawalan?’ tatay ni rogelio

Hindi sya yong super hero na highfalutin ang aura tulad nila superman, batman, captain america, o maging si dora the explorer, di rin sya pwedeng arkilahin tulad ni mang jose, at lalong lalo na hindi sya kamukha ni zsa zsa zaturnah. Siya si Kapitan Sino na bida dito sa ikapitong libro ni Bob Ong. Simpleng super hero na may angking abilidad sa dagitab o kuryente. Kool kung ituring ng kanyang bespren na si Bok-bok. Ipinanganak na mahirap kasama ang magulang na sina mang ernesto at aling hasmin na kasalukuyang naninirahan sa Pelaez.Matutunghayan mo sa librong ito kung panu iligtas ni Kapitan Sino sa katauhan ni Rogelio Manglicmot ang Pelaez. Syur akong magugustuhan mo ang bawat conflict na sinagupa ni Kapitan Sino, kung panu nya kalabanin ang mga masasamang loob, kung bakit Kapitan Sino ang naging pangalan nya, kung anu ang relasyon nya kay tessa, kay ET,kung ano ang papel ni bok-bok at kung panu sya nabuking bilang super hero ng Pelaez. Descriptiv ang pagkakagawa ni Bob Ong, malalasahan mo pa rin ang kwela kahit ang genre ay novela na may thrill.Backtrack din ang naging tema ng kuwento kasi may mga bagay na nabanggit ay ganap na umusbong nung dekada 80, o maging panahon ng rehimeng marcus.Napansin kong may malaking kinalaman ang katauhan ni kapitan sino sa bawat pilipino ngayon, maging ang mga taga-pelaez bilang mamamayang pilipino. Natural na natural lang ang pagkakakuwento, madaling malasahan ang linamnam at uulit ka pa sa sarap. Kung medyo batabata ka pa, may mga salitang di mo maintindihan, hindi kasi umangkop yun sa iyong henerasyon ngayon pero kung itatanong mo kay nanay o tatay siguradong mabibigyan ka ng sagot. Dabis pa rin talaga si bob ong kung magsulat.

kapitan sino ni bob ong… malapit na kitang magapi!

Monday, May 18th, 2009

Malapit na kitang magapi, kala mo ba. Sa hirap ba naman ng paghahanap ko sa ‘yo palalagpasin ko pa ba ang pagkakataon. Matagal din kitang hinanap, ngayon lang kita nakita. Bwisit ka! lahat ng bookstore ginalugad ko nang dahil lang sa ‘yo. Ngayon oras mo na, si bob ong na lang ang makakapagpasya.
katuloy… Tumawag ako kanina sa powerbook megamall kung meron pa silang stock nito. Sabi ng nakausap ko, meron pa pero last na po. Pinareserved ko muna at sinabing kukunin ko mamayang 4pm. Nakuha ko naman at reserved talaga. Nabili ko lang ito sa 175.00 at aking ipinagtaka ay wala itong vat tax.bakit kaya? Pero swerte na rin kasi last na yong nabili ko sa 500 stocks nila this week. Panu ko nalaman? Tinanong ko lang naman yong costumer service assistant kung ilang yun stock nila, sabi mula nung may 15 e nasa 400 daw iba pa yong mga nahiram sa ibang branch din ng powerbook…mga nasa 500 daw siguro lahat. Isang malakas na yeepee lang ako!

political ad

Thursday, May 14th, 2009

Malapit na ang 2010 eleksyon, may nabasa kasi ako sa dyaryo na isa sa mga stratehiya ng mga pulitikong tatakbo ay ang blog…yes you heard it right…as in blogging espesyali ang mga micro-blog tulad ng plurk, twitter, facebook at ilang pang social networking site. Ano naman kayang paraan ng pagkampanya ng mga hunghang sa mga yan? Ganito kaya?

sa facebook: from a man in blue who aspires to be a president… of newly constructed wet market.

1. “anak itabi mo, nasa palengke na tayo”
2. “anak itabi mo, ihing-ihi na ako”
3. “anak itabi mo, nawawala na ata tayo”
4. “anak itabi mo, bahay na kaya ito ng syota ko?”
5. “anak itabi mo, may guapong papa sa kanto”

twitter: same person, same polo shirt, same color, same shit!
1. “anak itabi mo, di ko masikmura palengke nyo”
2. “anak itabi mo, eat bulaga ito”
3. “anak itabi mo, papuntang wowowee kaya ito?
4. “anak itabi mo, hinahabol na tayo ng aso”
5. “anak itabi mo, may MMDA sa dulo”

plurk: same person, same face, same scene…

1. “anak itabi mo, amoy palengke itong katabi ko.”
2. “anak itabi mo, nandyan na ang sundo kong pajero”
3. “anak itabi mo, magjejeep na lang ako”
4. “anak itabi mo, sumasakit na likod at tuhod ko”
5. “anak itabi mo, grabe pala ang trapik dito”

from an old man who seem to be having struggle with e.d bur ofcourse still aspiring to serve people (daw)

sa plurk:
1. MAKATI ang maligo sa ilog pasig.

sa twitter:
2. iwasan ang mga prosti para di ka MAKATI.

sa facebook:
3. potang ina nyo, iboto nyo ako kundi mawawalan kayo ng benefit card nyo!

from a man who aims fair clash (duh) and still desires for presidency. (duh ulit)

sa twitter:
1. patas na laban para sa lahat…echoz!
2. patas na laban pero marami na akong ninakawan.

sa facebook:
1. see my hair grows terrific… ping (bullet)
2. patas na laban hindi alam ni juan.

sa plurk:
1. follow me at plurk www.plurk.com/pingpingpingping
2. para sa mga panot at kalbo iboto nyo ako! may regalo ako sa inyo!
3. patas na laban echoz…echoz…lang.

the rest…kayo na mag-isip ng mga pambabara nyo.

PS.

host: spell philippine politics.

bata: S-U-C-K-S!!!!

sige lang kahit nataTAG-TAG na ako…

Friday, May 8th, 2009

Okey payn, since close naman kami ni ‘anakngpating’ at feeling ko e kapitbahay ko lang syang na kung makapagbigay ng tag e parang nagbibigay ng ulam lang kaya eto papatulan ko na ang tag nya…

8 things I’m looking forward to..

sana makapunta ako sa coron palawan this year.
sana tumaas na sweldo ko.
nikon d40 or nikon d60 .
sana bumait pa ako lalo.
makabili ng bagong libro ni bob ong.
gusto kong mameet si bob ong.
sana magkaroon kahit konting pagbabago para sa mahal kong pililipinas.
tantanan na ako ng malas.

8 things I wish I could do…

to be an author someday (hanep ang tayog tsong!)
to fly.
to live happily ever after.
to mock.
to blog 24/7.
to dance.
to be a backpacker.

8 shows I watch…

spongebob.
i witness.
reporters notebook.
talentadong pinoy.
spongebob.
spongebob.
24 oras.
spongebob.

Write 10 things/persons/animals/at kung-ano ano pa that you hate and/or your petpeeves.

10. Palaka. yong sa english ay toad. utang na loob wag na wag mong ilalapit sa akin yan dahil puputaktihin ka lang ng mura at tadyak mula sa akin. Noong ngang nag-aaral pa lang ako at kinukuha ang major na gen.sci eh napilitan akong manghuli ng palaka, syempre deny-to-death effect kunyaring hindi takot, habang gumagalugad sa tabi-tabi para pagekspiremintuhan at i-dissect, yong kasama ko hindi alam na takot ako so hinagis lang naman sa akin yong palaka swak na swak sa tshirt kong bago, ayun… kumaripas lang naman ako ng takbo na parang tanga sa college department namin. so nung nalaman na nang mga klasmeyt kong dementor sa akin ang palaka e palagi na nila akong niloloko. Napilit ko naman ang sarili kong magdissect ng palaka pero plastikan lang, kunya-kunyaring di takot pero lubog na lubog na sa takot. Naging phobia ko na kasi yun mula nung bata ako, madalas ipanakot sa akin ng tatay ko. Pero infairness naman naka 1.7 ako sa biology class ko.

2. ayoko ng sigarilyo. mahina ang baga ko, lalo na amg immune system ko,kahit may taglay itong vitamin c pero kulang yun para maprotesyonan ako. Kaya pag may naninigarilyo sa loobng jeep e pinagsasabihan ko, karapatan nyong manigarilyo pero piliin nyo kung saan gagawin ito, dahil di lahat ng tao adik sa usok ng sigarilyo.

3. ayoko ng mga taong hydroEpalus. Uber kung magpaepal, magpapansin. utang na loob kung gagawin mong hobby ang magpaepal siguro kumain ka na lang ng sampong kutsarang bitsin matutuwa pa ako.

4. ayoko ng ampalaya. mapait.ampalaya. period.

5. ayoko ng usok ng posporo yong kapapatay lang. Basta nandidiri ako. Ewan ba kung bakit mula noong bata ako pinandidirihan ko na ito.

6. ayokong magblog ng wala busog ako, inaantok kasi ako. So instead may mapiga akong ideya sa utak ko e naitutulog ko.

7. ayokong kumain ng pancit canton na sobrang lata. Kung malata din lang e di sana nag cup noodles na lang ako.

8. ayoko ng pasahero sa fx na uber kung maginarte, akala mo kung sinong maganda tadtad naman ng tigyawat ang mukha. Tulad kanina yong babaeng nakasakay ko sa fx mula pasig rotonda papuntang megamall-tektite, kung nababasa mo man ito…hoy ikaw na babaeng nakauniform ng parang pangtitser, kung umasta ka parang may ari ka ng fx ah. Nasagi ko lang naman ang bitbit mong ewan kung makapagdabog ka kala mo isa ka ng donya. At sa iyo mo pa talaga itinutok ang aircon sa iyo, kulang na lang ingudngud mo ang mukha mo. Kunsabagay masyado atang makapal ang mukh mo kaya madaling mainitan ito. Buti na lang at maganda ang araw ko kanina kundi itataas ko din ang kilay ko ng todo-todo.

9. sa megamall: “sir… ma’am…may credit card na po ba kayo?” pamilyar ba yan sa iyo? oo yan din yong mga makikita mo sa megamall na nagaalokng creditcard. Ayoko yong isa sa kanila, yong lalaking madalas kong makita na nakasapatos na may takong… pag sinabi mo kasing wala, saka kukulitin pa lalo, na kesyo daw ganito, na kesyo daw ganyan,mababa lang ang inerestblah blah blah, pero pag sinabi mo namang meron na sabay alok ng kamay at ikocongratulate ka nila na para bang nanalo ka ng lotto, saka ka bibirahan na baka daw gusto mo pang magdagdag ng isa pang credit card. blah blah blah. feeling nila e close kayo. pero pag hindi mo naman pinansin e magmumuwistra silang di sila mareach at bubulong pa ng ang yabang naman nito. Eh anong gagawin ko? iiwasan kayo? e dun ang daanan ko. Minsan pinagtripan ko yong lalaking yun… bago pa man sya makalapit sa akin at makapagsalita e sinabi ko din ang pebirot nilang linya “sir…ma’am may credit card na po ba kayo?” ayun napa-smayl lang ang loko.

10. ayoko ng lamok. oo lalo na pag kasagsagan ng tulog ko. tapos may lalapit sa tenga ko. ang sarap litsunin talaga ng lamok na yun at tirisin ng pagkapinongpino Basta naaasar ako pag ang lamok na ang lumalapit sa akin, ang sarap uminomng baygon para yong mga kakagat sa akin e deretso nang mamamatay, kaso ako una atang bibigay pa ganun. Lalo na pag nagbblog ako…ayaw na ayaw kong nasasagian ako ng lamok…kasi naihihinto ko ang entry ko habang nagbblog ako, bwisit na…

-end tag here-

Manny pacquiao champion, hatton the loser! nye nye nye…

Monday, May 4th, 2009

Linggo. araw ng laban ni manny pacquiao vs ricky hatton. may pasok ako. Iniisip ko na ang paraan kung panu ko mapapanood ng live ang bakbakan na pinamagatang east versus west. Buti na lang naging mabait sa akin si pareng google at nagbigay ng free live streaming sites, may napasok na akong site www.justin.tv nagsearch ako kung may live streaming ang hbo, swerte! daig ko pa nanalo ng piso madamin active streaming ng laban, as in live na live. So namili lang ako, may napili na ako at okey ang quality, mabilis at hindi putol-putol. Bawal sa company namin magbukas ng ibang website na walang kinalaman sa trabaho, pero nung oras na yun nademonyo ako lalo, bahala na may bisor naman isa pa konti lang ang transaction at konti lang din ang mga tumatawag na clients busy din siguro sa panonood ng laban, bahala na as in bahala na mapagalitan mapanood lang ang laban. Hindi naman talaga ako fan ni manny pacquiao gusto ko lang matunghayan kung paano patumbahin ni manny itong si hatton na wala rin palang binatbat.

Habang nanonood kami ng undercard fight pa, okey pa naman ang streaming pero nung malapit ang laban ni pacquiao e biglang nag-offline. kinabahan ako baka di ko mapanood ang laban ni hatton at pacquiao, nagumpisa ng nagkagulo, nagumpisa ng magreklamo yong nakikinood sa pc ko kala mo nagbayad sila sa pay-per-view nila. minessage ko agad ang frend ko sa ym kung may alam silang channel pa, kaso sila din daw nag-offline, unti-unti ng nag message din mga frends ko sa ym, so ayun…naghanap ulit ako ng channel kaso offline talaga, may nakita ako kaso walang sounds, hanggang sa nagmessage sa akin yong isang frend ko at binigay yong working channel, so ayun nakapanood pa rin kami ng bakbakang manny at ricky hatton.

Natunghayan ko pa rin kung paano patumbahin ni manny ang mayabang na hatton at kung paano napahiya ang kanyang coach na si mayweather sr. Gusto kong tawanan si hatton malapit sa mukha nya at sayawan ng panginsultong sayaw sa saliw ng kantang low-low-low-low hahaha. Kawawang hatton di man lang tumagal, mas pinagpawisan pa si manny sa pag-eenglish nya nung interview sya pagkatapos ng laro kesa dun sa mismong laro nila ni hatton. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nung naK.O ni manny si hatton, nakakapanindig-balahibo at parang uber proud ako bilang pilipino. Kaso kung gaano ako ka-proud bilang pilipino nung nanalo na si manny e kabaligtaran naman yun ng naramdaman ko nung kumanta si martin nieverra ng lupang hinirang, nakakahiya lang kasi binaboy nya yong kanta. Dapat kasi dun e hindi mabagal na papabilis at ibang tono, dapat pamartsya nya itong kantahin… hindi ba nya yun napag-aralan? hindi porket singer sya e pwede nya ng itaas ang isang tono ng lupang hinirang, sagrado yun dahil yun ang sagisag ng pagkapilipino natin. Sabi kasi ng konstitusyon e hindi pwedeng baguhin ang tono ng lupang hinirang, may karampatang parusa pag nilabag yun.

Anyway damages has been done, kwento sa akin ng kapatid ko na nanood daw sa gma7 sobrang dami daw ng commercial, mas matagal pa ang commercial kesa sa laban. Sucks!