…and i blog, you blog.
Tuesday, August 25th, 2009
Simple lang magkaroon ng blog, pumili ka lang ng blog host pwede na. Pero yong i-maintain ang blog mo ay isa sa mga motivation mo para sa iyong sarili. Hindi madaling i-maintain ang blog yun ay kung alam mo kung ano ang dapat ilagay dun, maaari ito ay nangyari sa iyo sa araw na yun, opinion mo sa isang bagay, review sa nabiling produkto, lasa ng isang pagkain, tungkol sa fashion, lugar na napuntahan, makwelang kwento ng buhay mo at pwede din ang love story nyo ng boyprend mo.
Bago ka gumawa ng isang blog, isipin muna kung para saan ito, kung ano ang magiging papel sa blogosperyo. Kung hangad mo ay kumita ng pera dahil dito pagplanuhang mabuti, di yun ganun kadali at basta basta, kelangan ng matinding konsentrasyon at taktika. Kung gusto mo namang ibahagi ang mga lugar na napuntahan mo e okey lang walang masama dun. Kung hangad mo lang ay magkwento ng mga bagay mula sa sarili mo piliin mong mabuti ang informasyon kung paano mo sila ikaklasifikasyon, wag magbigay ng sobrang informasyon ng sarili mo di ito beauty contest. Isiping mabuti kung para saan ang blog mo, inshort bago ka pa gumawa ng entry alam mo na kung anong magiging tema ng blog mo. Di yung bara-bara masabing meron ka lang nito.
sa pagba-blog hindi sapat yong nakagawa ka lang isang entry, tapos na. Sa pagba-blog isipin mo kung paano mo mabibigyan ng epekto yong makakabasa ng pinost mo, maging kahit ang sarili mo. May impact , iyon ‘yun e.
Hindi porket may blog ka e kahit anong pwede mo nang isulat, responsibilidad ng bawat blogger ang bawat titik o letra na nababasa ng mga bumibista dito. Di porket blog mo yun pwede mo nang sabihin ang pwedeng makasama sa kapwa mo, huminahon ka may banyo para ilabas ang sobrang sama ng loob.
Matuto kang ilugar ang bawat patlang ng iyong sinasabi, sa pagbablog kasi para mo lang ding kinakausap yong ‘readers’ mo kaya dapat maging efektivo ka sa paglalahad ng iyong sinasabi. efektivong tagapagbigay ng aliw, tagapagbigay ng kwela, tagapagbigay ng informasyon at maging payo.
Hindi lahat ng oras blogger ka. totoo yan, di lahat ng oras nasa puso mo ang dedikasyong magkwento, magsulat, magbigay ng informasyon at taga-aliw…tao ka lang napapagod o sa madaling sabi tinatamad ka katulad din ng iba. Normal lang yun bahagi sa sirkulasyon ng blogsperyo na parang umuutot ka lang sa totoong mundo.
Magkwento ng ayun sa pangyayari, sequential. Laging isipin yong clarity, brevity, simplicity at humanity pagdating sa pagsusulat. Reviewhin bago ipost. Wag masyadong magkuwento sa sarili mo, kasi…una nag-aangat ka ng bangko, pangalawa gusto mong ipahamak ang sarili mo sa informasyong binibigay mo at pangatlo kinaiinisan ko ‘to.
Maging constructive wag maging destructive sa pagbuo ng iyong opinyon at kuro-kuro. Mas malamig sa mata ang magbasa nang umaayon sa pagkakabuo hindi sa pagkakasira. Be euphemistic in word-playing. Be natural, maintain authenticity.
Kung may nais kang sabihin isulat ito agad, mahirap balikan ang ideyang lumampas na sa iyong isipan. Mahirap nang ibalik at buoin ang mga ideya.
Maging sa pagsusulat, piliin ang tamang font at color sa blog mo. Wag masyadong matingkad at dapat may complexion parin sa tema ng blog mo. Pero mababang batayan na yun, ang importante sa lahat ay ang nilalman nito. Kung makulay ang blog mo, para sa akin ’sang red cross ka lang.
Kung adik at praning ka sa mga sintaks, grammar, tamang pagpili ng salita ok lang yun as long as nasusunod mo. Sa blogging kasi pwedeng formal at informal writing so kwits lang. Ang mahalaga nailabas mo ang gusto mong sabihin, yun lang.
Kung magba-blog ka dapat yong napapasaya ka nito di yong obligado kang gawin ito. Wag mong isipin dapat may makabasa nito, oks lang kung walang bababasa ng ginawa mo, kaya nga nadyan ka para basahin ang blog mo, siguro yun na rin ang isa sa mga rason kung bakit meron ang blog, nandyan ang sarili mo para basahin ang ginawa mo. Para aliwin ang sarili mo.
“hindi lahat ng blog maganda, may blog na masakit sa bangs at nakakawalang gana.”- taympers
PBA09or2r022






