Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 67

Archive for October, 2009

Signs na magka-generation tayo mula mismo kay taympers

Wednesday, October 28th, 2009

Super Mario/Bomber Man/Battle City.

Malamang sa malamang naabutan mo ang larong ito na nilalaro pa sa family computer. Nag-aaway pa kaming magpipinsan  kung sino ang unang maglalaro, minsan imbis na yong  kalaban ang sasapakin e kami kami na lang nagsasapakan.Ang nakakasar pa nyan yong isang joystick e sira kaya hintayan talaga ang drama, dati pumayag ako kada-game  over lintek namputs may cheat palang wan handred laybs ayon namuti lang naman ang mata ko sa kahihintay habang ang pinsan kong wais ay enjoy na enjoy sa paglalaro. Pag nagsasawa na kami kay mario e yong Bomber Man naman ang nilalaro namin,  BAMBIR MAN talaga ang bigkas namin, matigas sa dila. Dyan ko nasusubok kung ganu ako  katanga kasi nilalagyan ko ng bomba yong dadaanan ko saka ako matataranta na saktong  sasabog naman yong bomba na parang suicide bomber lang ang ginagampanan ko sa laro. Battle City, maliban sa Super Mario itong larong ito ang isa  rin s mga paborito  ko, gagawa  ka kasi ng kampo mo tapos para kayong tanga na nagpapasabugan ang cruel at napakaviolente pero naeenjoy naman namin.

Bear brand.

Gaya ng nauna ko nang naiikwento, lumaki ako sa gatas na bear brand. Masarap syang  iulam pramis lalo na sa bahaw na kanin na may asukal at milo.Wala nang  sasaya pa  nung bata ako pag ganun ang inuulam ko. Labbit.

Haw Haw Milk candy/Butterballs,Kendi Mint, Lips, White rabbit

Sigurado akong naadik ka rin sa mga kending ito,at naging dahilan ng pananakit ng ipin  mo at dahilan para mabungian ka.Madalas yan ang mga pasalubong sa amin ng lola namin,dahil nga sa marami kaming magpipinsan parang kandidato lang sa halalan kung mamigay ang lola namin, dapat lahat nakapila bawal ang pasaway.Tatlong taon ako ng una kong malunok ang butterballs na bumara sa lalamunan ko, buti na lang may pagkamutant ako kaya nasolusyunan agad.At isa sa mga may kagagawan kung bakit mapula ang lips ng iyong  seatmate  sa  school ay dahil sa  kending lips.

Bangkang  papel

Mataas ang level of imagination naming magpipinsan; ako, si Marvin at si Marlon. Gagawa kami ng maraming bangkang papel, may cruiships, superferry at sa akin  palaging sulpicio lines. Saka namin lalaruin sa ibabaw ng kama na-iimagine naming dagat tapos para umalon eh ginagalaw namin yong bedsheet para kunyari tidal wave ang drama, palaging ang sulpicio lines ang natataob at lumulubog ewan  ko ba. Pagkatapos   naming maglaro saka namin  itatago ang mga bangkang papel sa  likod ng aparador na pag nakita naman ng tita namin ay magbubunganga o kaya isusumbong kami sa nanay namin.

Saranggola

Magaling akong gumawa nyan. Tatlong taon ako nang una kaming magpalipad ng saranggola ng tatay ko,gawa yon sa dyaryong Abante uso pa noon ang Xerex  column, pinalipad namin sa likod ng bahay, noon ko din unang naramdaman  ang   dissappointment kasi napatid ang pisi at sumabit sa punong-kakahuyan.Gumawa ulit si  tatay ng bagong saranggola pero hindi na kasing tayug nang nauna, natakot na kasi  akong mawala pa ang saranggolang yon.Ngunit di nakaligtas ang saranggolang  bago kay tagpi, dahil  kinaumagahan isa na itong  pira-pirasong papel sa likod ng bahay na parang pinagtripan lang ng adik.

MGA PROGRAMANG  PANG-TV:

Unahin natin sa Si Mary at Ang lihim na Hardin, wala nang tatalo sa morale ng kwento nito, pinalabas yan sa Channel 2 dati tuwing alas-diyes ng umaga. Kwento ito ng isang batang may lihim na hardin… sya si Mary na sabug-sabog ang buhok patunay na hindi pa uso ang hair rebonding o hair spa noon,may naging kaibigan sya tulad nina Camilia, Robin  at  Dickon. Maganda ang kwento umiikot ito sa buhay ni Mary at ang lihim na hardin. Actually yong hardin na yon ay hardin pa ng kanyang ina noong nabubuhay. Ang  natutunan ko: friendships, acceptance, forgiveness and trustworthy.

Sinong  hindi makakaala  sa Ang Tv Na na kahit korni ng mga jokes e tawa pa rin ako ng   tawa pero mas natatawa kasi ako sa facial expression nila ‘NYEEEE’. 9 years old ata ako noon nang maadik ako sa Ang Tv Na noon ko rin naappreciate ang ganda ni Camille Pratts kesa kay Jolina Magdangal pero ngayon hindi na. Mga natutunan ko;  maging  pilosopo at naboost ang sense of humor ko.

Bananas and pajamas.

Kahit pambata ang dating nya pero kinalolokohan pa rin naming magpipinsan, ang showing nito ay isa sa umaga at isa sa hapon pero sandali lang naman ang showing noon.Paborito ko si Morgan.Ayoko kay Lulu malandi.

Blue Blink.

Grade 4 ako noon at tuwing hapon kung ipalabas ito, kwento ito ng  batang si Kakeru at ni blink yong blue na unicorn. Niligtas kasi ni Kakeru si blink minsan  kaya bilang kapalit ay naging magkaibigan ang dalawa, may power si blink kaya kung in-trouble si Kakeru mabilis pa sa alas kuwatro kung tumulong si blink.Kung  hindi nga lang unicorn si blink iisipin kong brokeback mountain ang kanilangdrama.Hindi ko napatapos kasi  nung araw na ending nito ay may pasok na kami at nataong exam pa namin, buti na lang may isa  akong klasmeyt na hindi pumasok at napanood  (pinanood) ang ending nito, passe daw ang ending kasi panaginip lang ang lahat  hindi  ko alam kung totoo ba yon  o  nangti-trip lang adik kasi yong klasmeyt  kong yon.

Cedie ang Munting Prinsipe

Grade 3 naman ako nang mahook ako sa palabas na ‘to.Tuwing umaga ito kung ipalabas. Kwento ito ng  isang batang lalaki na nagngangalang Cedie, napunta sa new york at tumira sa  bahay ng kanyang lolo na isang Conde.Ipinaalaga sya ng kanyang ina na isang  mahirap dahil hindi na kayang tustusan  ang  pangangailangan ni  Cedie.  Malungkot ang  kwento para kasing tanga si Cedie at ignorante sa mga bagay na hindi nya nakalakihan. But in all fairness melodrama ang dating nito at may malaking morale impact sa mga kabataan kaya nga nagawan ito ng movie ng ABS-CBN.

The Trapp Family Singers

Adapated ito sa sounds of music na isang classical movie wala akong masyadong maikwento sa cartoon na to parehas  lang kasi sya sa nasabing movie. Kayo na lang ang  bahalang magkwento.

Peter Pan

Actually naikwento na ito ng nanay ko noong bata pa ako, pero pinapanood  ko pa rin noong tuwing hapon.Elementary  ako noon, at imbis a unahing gawin ang asaynment e mas inuuna pa naming manoood nito  habang kumakain ng  meryendang bilo-bilo o kaya minatamis na saging at banana  que. Pagkatapos naming manood  saka namin iiwanan  yong  mga pinagkainan deretso para maglaro.Ganun lagi ang routine.

Gimik

Naabutan mo  ito  panigurado  kiabibilangan  ito nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, G. Toengi, Rico Yan, Patrick Garcia, Diether Ocampo, Jolina Magdangal, Rica Peralejo, Mylene Dizon, Bojo Molina, Dominic Ochoa, Kaye Abad, Kristopher Peralta, Paula Peralejo, John Lloyd Cruz, LJ Moreno and Marvin Agustin. Kilig na kilig ka asarang diet at Rica.Pero mas sweet sina claudine at rico para  sa  ‘yo.

G-mik

At kung naabutan mo ang  Gimik syempre  may younger version din ito, nandito ang  G-mik na kinabibilangan ng ubod gandang si Camille Prats kapatid  nya dito si John Prats. Sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino ang magkalove team.Andun din si  Stefano Mori, Mico Samson, Heart Evangelista, Janus del Prado at Danilo Barrios.Ang  pagkakaalala ko tuwing sabado ng  hapon ito pinapalabas.

Magandang Gabi Bayan

All time  peborit  namin ito including my lolo and lola, fan ata  sila ni Noli de Castro. Kaming magppipinsan naman hit  na hit  ang MGB pag  malapit na ang undas kasi nagfefeature sila  ng nakakatakot na mga kwento tungkol  sa  tikbalang, multo, multong  bakla, multong kabayo,  baklang kabayo, dwedende, engkanto, maligno  at lahat pa ng  nakakatakot.Hindi  mawawala sa  re-enactment  yong  matandang  bungal na palaging lumalabas  sa  mga  horror  flicks, madalas  nyang gampanan e  white lady o  kaya black lady, hindi  ko  alam ang pangalan  nya basta ang tawag namin sa kanya  ay manang  bungal.

‘Sang Linggo nAPO sila

Sikat na sikat pa noon ang APO HIKING SOCIETY kaya may variety show sila kasama sina Kuya Dick and Amy Perez, pinantapat sa Eat  Bulaga pero  di rin  tumagal nang husto. Hindi ko madalas mapanood ‘to dahil una malamang tulog  ako, pangalawa naglalaro ako o pangatlo naglalaro ako habang tulog.

Eat Bulaga.

Need  i say more?  kahit anong  generation naabutan to maliban  sa mga ninunoo mong kalbo.

Payong  Kaibigan

Kung naaalala mo pa to, ito yong  show dati ni Jolina Magdangal na nagbibigay ng advices habang may hawak na payong o  kaya sa ilalim ng  payong, bata pa sya noon at kikay.

When You Say Nothing At All

For sure naman alam mo itong kantang ito na kinanta ni Ronan Keating, grade 6 ako noon nang sumikat ang kantang ito.Lahat ng estudyante napapahinto at sinasabayan ang kantang ito pag tumutugtog na.

Moffats

Sila yon magkakapatid at  tatlo  sa  kanila ay kambal na singer. Sorry pero hindi ko type ang  kanta nila.Grade 5 akonoon nang lumaganap  ang kasikatan nila bukod  sa alam kong magkakapatid sila e wala na akong alam na kanta nila.

…If life is so short
Why don’t you let me love you
Before we run out of time If love is so strong
Why won’t you take the chance
Before our time has gone
If life is so short, if life is so short
Love is a word that explains how I feel for you
And when you’re in my arms, all my dreams come true
And when you’re not around
You can’t hardly see
These tears that I’m crying now are for you to be with me

Itik-itik

Bukod sa Macarena, Shalala  at Dr. Jones e malamang nasayaw mo din itong chicken  dance  o kilala bilang itik-itik dance.I swear nagdulot sa akin ito ng post-traumatic   syndrome noong kinder ako kasi naman pinagsayaw kami ng titser ko noon kasi may  program—linggo ng wika ata pero ayaw na ayaw ko kasi nga may stage fright ako.  Noong una pa man nahihiya na  ako, pero dahil sa isusumbong daw ako ng titser ko sa nanay ko e napilitan  ako.Nung oras na ng  performance nakita  ko sa gilid yong crush ko tumatawa sa costume namin, hiyang-hiya talaga ako sa kanya lalo na sa sarili ko.Hindi ko naenjoy ang sayaw bukod sa nahuhuli  ang steps ko nagmumukha akong tanga sa gitna ng stage na pinalilibutan ng mga mapang-asar na bata at mapanghusgang magulang.Nagpapicture kami ng nanay ko pagkatapos ng nakawiwindang na palabas suot ko pa noon ang costume na feathers-feathers sya nakasmile ako nakasimangot. Mula  noon di na ako nagpakita sa crush ko.

Kumaw

Isa ata sa folklore ng pinoy ang  kumaw, mabisang panakot  sa mga bata.  Totoong nakakatakot  dahil  pag mag-isa  ka  lang  daw sa kalsada e may dadampot  na  lang  sa yo, tatakpan ang mata,  lalagyan  ng  masking tape ang bibig,  tatalian ang  kamay at  paa, isasako saka pupugutan ng ulo, tapos yong dugo  kukunin  daw saka ipapatulo  sa  bagong tulay para daw tumibay. Sinong batang  hindi matatakot  sa ganyan? Nauso ang  kumaw  sa  amin noon pero walang  napatunayan  lahat  hoax lang.Pero kung  totoo man, hindi sya biro,masakit  mapugutan ng ulo. Pero mabisang  panakot din ito ng nanay ko sa akin, super effective until now takot pa rin ako.

Kisses

Hindi ito yong kiss na halik, hindi rin  ito yong tsokolate, kung naaalala mo pa kung paano ka nauto noong bata ka ito yong maliliit na parang gel o gum na mabango,  nilalagay sa bulak at nnilalagyan ng  pulbo.Bakit? para daw manganak, paniwalang-paniwala  kami  noon kaya doon  nauubos ang  baon naming magpipinsan.Sa ngayon palaisipan  pa rin sa akin kung ano  ang  silbi ng kisses sa elemetary  pupils.

Slumbook

Hinding hindi ito mawawala  sa eskwelahan, pagandahan, mas makulay mas mabenta. Tapos sa parteng Whos is your crush  minsan may mga makikita ka doong sagot;  God, Mr. Blue,  Ms. Pink Bubble, meron  ding  6-8 number  of letter ng name ng crushes, o  kaya meron ding mga initials ng crush nila eksampol MJC, tuwang tuwa ka naman pag nakikita mo doon  ang pangalan mo saka kayo tutuksuhin tapos yong nagkakacrush sa  iyo e mapipikon saka iiyak tapos yong mga hinayupak mong klasmeyt  isusumbong sa titser na umiyak si ganito ganire ang magiging labas e kasalanan mo pa, napaka unjustice. Sa question naman na Who is your love nangungunang  sagot parents, pangalawa si God  pero may mga klasmeyt ka talagang makakapal ang mukha, isusulat talaga nila ang buong pangalan ng love nila ALL CAPS at BOLD pa, tapos yong ibang klasmeyt mo maiintriga saka naman  tutuksuhin yong ‘Love’daw ni ganito, maaasar yong may pangalan sa  kapirasng papel kasi yong patay na patay sa kanya e sya yong  pinakapangit sa klase.May maasar at magagalit hangang sa nagkaaway-away na, pati sikreto ng bawat isa nagkabulgaran na kulang  na lang  pati sikreto ng kanilang ina. Away  kung away, pero kinabukasan  bati na.

Panatang  Makabayan

Naabutan mo ang  lumang bersyon nito.Kasama ito sa mga ritwal sa flag ceremony tuwing 7 hangang 7:30 ng umaga.

Ano may ihihirit ka pa ba?

Adapted: SIGNS NA MAGKA-GENERATION TAYO

Friday, October 23rd, 2009

SIGNS NA MAGKA-GENERATION TAYO
FEB 21, ‘09 2:11 AM
FOR EVERYONE
(Hango sa isang text message na galing kay Nato. Natuwa kasi ako kasi tinamaan ako.) Dinagdagan ko na rin at magdagdag ka na rin kung may maisip ka pa.

Kailan ka pinanganak? Kung mga late ’80s or early ’90s, magka-generation tayo. Pero mas magandang indication, kapag alam mo ang mga tungkol dito…

1. Kilala mo si Masked Rider Black, Shaider, at Ultraman. Si Bioman pa!

Alam mo pa ba kung paano sila nagta-transform? Dito ko rin ata nakita yung nakikipag-usap gamit ang relo. Haha. Yung kapatid ko noon, nagpapanggap na Masked Rider. Kumuha ng bra sa aparador tapos itinali niya sa mata niya!!! (Kasi di ba mukhang bubuyog si Masked Rider…) HAHAHA at naging Masked Rider BRA na siya.

2. Nangarap kang maging isang Power Ranger.

Dati ako gusto kong maging si Yellow Ranger kasi lahat ng ibang kalaro ko gustong maging Pink Ranger. Pati mga lalaki. HAHA Yung Power Rangers version nga pala na napanood mo, magshota si Red at Pink Ranger na echos pa kay White Ranger eventually. TAMA? Ang pangalan ni Pink Ranger ayKimberly. Si White Ranger si Tommy. Hahaha…

3. At one point of your life, nagperform ka or nakap aanood ka sa isang school program ng mga taong sumasayaw sa tugtog ng Backstreet Boys, N’Sync, at Britney Spears.
Ako may albums ako ng Backstreet Boys at ang favorite ko noon ay si Nick Carter. Ang first CD na binili ko ay ang CD ni Aaron Carter. Before that, cassette tapes pa lang ang gamit ko.

4. Kumakain ka (at alam mo kung ano ang) Humpy Dumpy at Tomi.

Ah, medyo hindi totoo ata sa lahat to. Pero kabilang ako dito. Kung matatandaan ninyo, nauso rin nun yung mga “tablet candy”. Mighty Mouse… Ring a bell?

5. Nakapaglaro ka ng 10-20 (Chinese Garter) at Langit-Lupa.

Pero sa tingin ko matanda na ‘yung Langit-Lupa e. Ang sa tin gin kong nagsimula talaga sa generation natin, yung larong Double Cell. Di ba? Haha. Yung isang version niyan, ang tawagCharge. Yung Tex at Pog di ko alam kung kailan nag-simula e. Baka sa ’80s-’90s din. Sabi ng Nanay ko ang laruan daw nila na Pog-like ang rules e goma pa. RUBBER BANDS daw talaga. Kung kinokolekta mo ang Tex(t?), dati dawsila goma.

Kung sa mga larong pa-girl, alam mo siguro yung M.A.S.H. at F.L.A.M.E.S. na ginawa pa ni Jolina sa movie na guess what… FLAMES! Siyempre. Haha.

6. Alam mo ang universal school song na “Uwian Na”.

Kasama ‘to dun sa message pero di ko lang sure kung di pa naimbento yung song na ‘yun before our generation. Pero ang saya, naging nostalgic ang dating sa akin niyan. Kasi kinakanta namin dati ‘yan.

Uwian na, uwian na!

Or the more formal…

Paalam na sa inyo
Paalam na sa inyo
Bukas babalik
Bukas babalik!

Hahaha. Nakakamiss ang kabataan.

7. Nagsayaw ka ng/ Alam mo ang Macarena at Mr. Boombastic.Ako alam ko yung steps ng Macarena. Ewan ko sa ‘yo, kung idedeny mo. Haha.

8. Nagsimula kang maglaro ng Tamagotchi. Kung minalas ka pa, na-confiscate ang Tamagotchi mo.Ako I never owned a Tamagotchi pero natatandaan ko ang craze na ‘yun nung elementary. Di ako naglaro nun kasi nung Grade 4 ako, nagkaroon kami ng Game Boy Color sa bahay at nauso na rin ang paglalaro ng Pokemon. Natatandaan ko nung nag-summer camp ako nung grade 5, tinawag pa kami ni Dardsie na mukhang Pokemon kasi kapag di kami kumakanta at nag-aaral ng piyesa, naglalaro kami ng Pokemon sa Game Boy. Kakosa ko ‘yung si Dardsie nun e kasi di kami girly, naglalaro kami ng Pokemon. Pati Pokemon cards naglalaro kami! Hahaha

9. Alam mo ang ibig sabihin ng “time first” na kahit alam mong may “time out”, taympers ka pa rin ng taympers.Di ko rin alam kung sa era natin nagsimula ang taympers. Pero ang sureako, hanggang ngayon, ginagamit pa ‘yan ng mga taga-elementary. Kasi tinanong ko yung elementary ko na kapatid, alam niya pa ‘to. Marami rin sa list na ‘to alam niya pero marami na talagang hindi.

10. Alam mo na importante ang “Period. No erase!”

Haha, nakakamiss ‘to. Alam mo rin siguro ang gamit ng sagot na “Sa kabaligtaran!” kapag tinutukso ka ng kaklase mo or ikaw mismo ang nanunukso.Ilalaban kong sa generation natin nagsimula ang “WEH?” at “WEH!” (Yes, magkaiba ‘yun. Hahaha) at kahit sa Clueless nagsimula ang “Whatever!” e sa atin talaga nagsimula yung actions ng W, dinagdagan pa ng M at L for “major loser”. Dinagdagan pa ng “as if you were cool!”.

11. Kahit bata ka nagsasabi ka ng “X-Pak” (with matching actions) na nagsimula sa “Suck It!” (with matching actions).

Grabe, kapag iniisip ko, ang sama pala nung mga panahon na ‘yun. Ginagawa ng mga tao ‘yun kahit sa high school pa nila malalaman na nakakahiya pala ang pinagsasasabi nila. Hahaha. Eto ‘yung malupit. Si Christel Mendoza, tumatayo pa sa taas ng mesa para gawin yung gestures niyan. Pati si Myka. AYAN BUKINGAN NAAAAA!!!

12. At ang favorite ko sa lahat… “VIRUS!!!” Haha the best talaga to hahaaa… Sa mga panahon na ‘yun, usually, ayaw pa madikit ng boys sa girls at ng girls sa boys. Sa US, ang belief ng girls, may cooties ang boys (kuto). Dito, kapag nadikit ka, may virus ka! HAHAHA

At puwedeng ipasa ang virus para mawala sa ‘yo! Pero ang panlaban diyan ay ang immunity sign na “PEACE!” Haha nakakatuwa kasi kaya mong labanan ang virus sa pamamagitan ng Peace sign.Ganun din ang panlaban sa “PENDONG, PEACE KALBO!” at “PENDONG, KOTSENG KUBA!” Haha. Nakakatawa noon kasi ang sasakyan namin ay kotseng kuba. Naka-old school Beetle kami kapag ihinahatid ako sa school at for some freaking reason pinapinturahan pa ng Tatay ko ng metallic dark green yung kotse, pinangatawanan pang pagong siya. Red dati ‘yun e. Nung ibinenta ng Tatay ko ‘yun, P8,000 lang niya ibinenta. HAHA. Di naalagaan e. Di rin naman yung Tatay ko ang unang may-ari nun.

Ano napaisip-isip ka? Nakakatuwa kaya. Hahaha. Ibig sabihin kapag naka-relate ka, matanda ka na!!! Haha.

You know what, sa tingin ko mga ka-generation ko rin ang nagkaroon ng Harry Potter Childhood. Di ba? Haha. It’s part of your childhood kung ka-generation kita. Pero di kasi lahat nagbabasa nun e. Ayos lang, isipin mo na lang, magka-age kami ni Daniel Radcliffe at lumabas ang first movie, nakatapos na ako hanggang book 3 ata kung di ako nagkakamali. Lahat ng Harry Potter merchandise na makita ko na abot sa pera ko binibili ko noon. KABISADO ko pa yung mga lines sa first movie!!! Hahaha. Dati kaya kong sabayan yung sinasabi nila. Anyway. Wala lang.

Sana na-enjoy mo yung listahan. HAHA
http://kepiko.multiply.com/journal/item/227/Signs_na_Magka-Generation_Tayo,

maldita kong sister

Wednesday, October 21st, 2009

DSC00729

Isang taon lang ang agwat ng aking sumunod na kapatid sa akin, kaya isa rin sya sa mga partner in crime ko pagdating sa kalokohan nung bata pa kami.Yaman nga lamang at mas maldita at mas maitim ang ugali nya kesa sa akin, saksakan  kasi yun ng kamalditahan at kasungitan sa mundo.

Nung bata kami, apat na taon ata ako nun at sya naman ay nasa tatlong taong gulang…pag iniiwan kami ng nanay namin upang mamalengke e tinatakasan kami mahilig daw kasi kaming magtuturo kaya madalas kaming maiwan sa lolo o kaya sa tita namin.May ugali yong kapatid kong yun na pag iniwan nang hindi nagpapaalam si nanay ay ngumangawa  at umiiyak ng ubod nang lakas, tapos hihiga sa kung saan nya gugustuhin sabay maktol  at iyak na parang kinakatay na baboy ,spoiled brat ang gaga.Tapos ang masama pa may sakit yun pag sobrang iyak na e hindi na nakakahinga, syempre bilang mas nakatatandang   kapatid nya pag ganung drama na ang binitiwan nya natataranta ako,tumatakbo ako sa kabilang bahay para ipaalam kay tita na ganun nga ang nangyayari sa kanya, sakto  namang pag dating ng aking tita sa bahay ay tapos na syang umiyak minsan na naglalaro pa, o di ba nuknukan ng kamalditahan.

Meron pa nun iniwan kami sandali ng nanay namin para bumili lang daw ng ulam sa kapitbahay namin, e may lagnat sya, ayun sinumpong ng deliryo kung anu-ano ang nakikita na kesyo daw may matandang babae sa tabi ko na may kasamang batang lalaki na parang nagmamakaawa daw na parang humihingi ng gamot.Tinanong ko bakit gamot ang kelangan hindi pagkain sagot ng magaling kong kapatid kasi daw may sugat sa ulo  yong bata.Sino bang hindi matatakot sa pinagsasabi nya, di ko alam kung nangtitrip o   talagang nasobrahan lang ng gamot sa ubo.Buti na lang dumating si nanay agad.

Pag maglalaro kami nun nung bata kami,lalo na yong peborit nyang bahaybahayan.Pag gusto ko nang umayaw uunahan nya ako sa nanay namin para magsumbong na kesyo  daw di  ko sya inaalagaan, na kesyo daw di ko sya kalaro,mga ganung drama ba, e hellooo naman halos kalahating araw  na  kaming naglalaro ng bahaybahayan at ang palaging papel ko sa buhay nya ay driver kung hindi driver kapitbahay na nagtitinda.

Uso nun ang bangs sa mga batang babae, kung naabutan mo yong panahong yon e  hanganga hanga ka rin siguro sa bangs ni Camille Prats sa Sarah Ang Munting Princesa.Yong kapatid ko kasi idol na idol si Camille nung bata, ultimo bangs ginagaya. Natutuwa lang kasi ako sa bangs ng kapatid ko, OC ang drama nya pag ginugupitan sya gusto pantay na pantay, kung kelangan  daw ng ruler para lang maging  pantay e gamitan daw kaya ayun tumatambling ang matres ng pobreng baklang naggugupit sa kanya.

Pag bagong gising yun nung bata kami dapat nakahanda na yong gatas nya sa lamesa,   ayaw na ayaw nya yong gatas na mainit yong tipong hihipan pa nya. Asarna asar sya dun.  At kung  matulog yun kelangan may dalawang unan sa magkabilang side nya feeling  daw nya kasi sya si snow white, tinanong ko minsan baka si sleeping beauty, sinagot lang  ako ng bakit si snoow white ba walang karapatang matutulog? Impaktita talaga malay ko bang  peborit nya si snow white kesa kay sleeping beauty.

Minsan nakitulog yun sa bahay ng ante  ko, iniistoryahan daw ang magaling kong kapatid  tungkol sa kwento ni rapunzel.Nasanay kasi kaming kunukwentuhan ni nanay nang kung anu-ano bago matulog–kulang  na lang  tsismis pero bad daw yun. Nung sumonod na  gabi na kahit ilang beses ko nang narinig yong kwento ni pagong at matsing e pinakukuwento ko pa rin sa nanay ko makatulog lang ako,ang kaso gusto ng  impaktita  kong  kapatid yong  kwento ni rapunzel.Eh  saktong di alam ng nanay ko pero  pinipilit   pa rin sya ng kapatid ko hangang sa naasar ang dragon at namalo ng dalawang bata na sanay tulog na nang mga oras na yon.Maarte kasi masyado ayon pati ako damay  sa palo.

DSC00397

Pero kahit ubod yun ng kamalditahan at kasungitan mahal na mahal ko yong  kapatid kong yun, kahit na minsan naranasan ko kung panu injeksyunan ng kuko sa mukha at masabunutan sa buhol gamit ang tyani. Napakadakila nya di ba?

Ngayon dalaga na sya, ibang-iba na rin ang ugali nya kesa nung bata pa sya.May sarili na syang pananaw sa buhay, sa mundo at sa lipunang ginagalawan  nya.Hindi na sya yong  dating childish at childlike kung mag-isip.Matured na rin sya pagdating sa bawat  desisyong kinakaharap nya.Sa ngayon malayo sya sa akin kasama ang bunso naming kapatid. Ako namumuhay nang mag-isa upang  suportahan sila at tulungan.

Sya nga pala ang  picture na  inyong  nakikita ay hindi picture ng kapatid  ko hiniram ko  lang yan kay utakmunggo dahil pag nakikita  ko ang picture ni bru ganyang ganyan ang hitsura ng kapatid konoon. Hindi pa kasi masyadong uso ang letrato nun kaya pagtiisan  nyo na lang muna. O sya  hangang dito na lang muna basahin  ko lang ang text  nya.

KUYA MUSTA KA JAN? INGAT K N LNG LAGI. LAST  TXT Q NA  2 PALOADAN  MO NGA ME KAHIT ALL-TXT20 LNG MUNA. W8 Q  HA. TNX

aknawlejment: salamat sa pictures ate mungs. salamat  sa redhorse  beer kaya ko nabuo ang  entry na ito. at sa  baygon katol na  hinithit ko.

miss na miss kita

Wednesday, October 14th, 2009

Miss na Miss Kita

Isa sa mga kantang tumataktak sa isipan ko nung bata pa lang ako ay ang kantang napapakinggan mo ngayon,hit na hit yang kantang yan noon lalo na sa aming magpipinsan di naman kasi ito mahirap memoryahin paulit-ulit lang na “o giliw ko miss na miss kita”.

Madalas naming kantahin yan pag nagpapahinga kami sa ilalim ng puno ng mangga, may duyan kasi dun tapos habang dumuduyan e kumakanta,walang pakialam kong sintunado o basag ang boses,ganun ata pag bata talaga–makapal ang mukha pagdating sa kantahan.

Minsan nagaaway-away pa kaming magpipinsan kung alin o sino ang tama sa sintunado.Madalas ako yong inaaway kasi ako yong sintunado sa kanila.Kaya minsan habang kinakanta nila’to ako namang si gago e lilituhin sila,kakanta ako ng ibang kanta tulad ng bahay-kubo o kaya ay ako ay may lubo,ayon para makapang-asar at makappanggago lang.hahaha.

Pag tumugtog na ‘to sa radyo,sabay-sabay kaming kumakanta maging yong ankel kong nakatatanda, ang alam ko ni-record pa nga ito ng ante ko sa casette tape tapos every morning habang naglilinis ng bahay nila e kinakanta nya ‘to with matching microphone made of walis tambo.Ansaya di ba?

Natatandaan ko ginawan pa yan ng pelikula, kinder ako nun,si Robin Padilla ang bida.Napanood ko pati,naartehan ako sa babaeng bida,sigaw ng sigaw,masakit sa tenga.

Nostalgic lang sa akin ‘tong kantang to kasi habang sakay ako ng fx kanina pauwi e biglang pinatugtog ni manoong driver kaya naalala ko to at kaya nagawan ko ng blog entry.

’sinelas

Wednesday, October 7th, 2009

Sinelas. Ganyan ko bigkasin ang tsinelas nung bata pa lang ako. Sa edad kong bente-uno na malapit na ring magbente dos marami na ring akong naging sinelas. Ang hinding hindi ko malilimutang sinelas ko nung bata ako ay ang ramboo, uso kasi yun. Paboritong kong kulay nun ay ang asul, kahit mabigat sya sa paa pero gustong gusto ko pa rin. Ginagawa kasi namin itong pambato sa larong tatsing-sinelas o kaya’y sa tumbang preso. Minsan gamit din namin sa pakikipagsapakan.

Nagkaroon din ako ng spartan, ordinaryong sinelas, tommy hilfiger na peke, beach walk, islander, havaianas, pekeng havaianas, banana peel, havana, at marami pang iba pero mas komportable talaga ang paa ko sa mumurahing sinelas o yong ordinaryong sinelas lang. My foot is created for cheap slippers pero mas naniniwala ako sa kasabihang its easier to put slippers than to carpet the whole world.

Sinelas. Isa sa mga bagay na kinatatakutan ko nung bata pa ako, ito kasi ang naging saksi sa mga parusang inabot ko, parusang nagpaiyak sa akin nang lubos at higit sa lahat ito ang gamit ni nanay pampalo sa pwet kong matambok.

Sa tuwing papaluin ako ni nanay nun ay tinatago ko ang sinelas kong ramboo at spartan kung alam mo lang kung ganu kasakit gawing pamalo ito sa pwet. Mabigat at makapal ang dalawang sinelas na nabanggit kasing kapal at kasing tigas ng kalyo ni nanay. Hayblad si nanay pag nagagalit, kaya pag namalo parang tigreng may almuranas lang, nagha-hyperventilate e masyado. Nakatatakot.

Isang uri ng pagdidisiplina sa aming magkakapatid nun ay ang paluin ng sinelas, madalas akong mapalo kasi pasaway ako.Naalala ko, grade 1 ata ako nun nang sinabuyan ko ng tubig sa mukha yong kapatid kong sumunod sa akin na ubod ng kamalditahan sa mundo, di ko na maalala kung bakit pero iyak sya ng iyak nun, nataranta ako, tinakpan ko ang bibig nya kasama ilong nya yun pala di na sya nakakahinga. Sinumbong nya ako sa nanay ko na mega-cry to the highest unbearable level as in ngawa.

Pinalo ako nun nang sobra sobra, muntikan na akong maglayas at pumunta sa school namin para magtago, kaso madilim na nun baka hanapin ako. Nagalit sa ginawa ko si nanay, sabi nya pag uulitin ko pa raw yon latigo na ang aabutin ko. Lupet no?

Mula nun binawas bawasan ko na ang kapilyuhan ko, naging maingat na ako kasi alam ko na pag may kapalpakan ako sinelas ang aabutin ko. Hindi mawawala sa bahay namin nun ang isang pirasong sinelas, laging nasa itaas ‘yon ng aparador namin katabi ng sinturon ni tatay. Kung may isang bagay na gusto kong itapon nun yon ay ang sinelas sa itaas ng aparador namin.

Walang favoritism sa amin, pag pumalpak yong malditang kapatid kong sumunod sa akin ay pinapalo din. Siguro ang alam nya masaya akong pinapalo sya habang ako nasa isang sulok na nakatingin sa kanya, mali sya kasi sa bawat palo ni nanay may isang butil ng luha sa sulok ng aking mata. Pero kelangang gawin yon ni nanay, rule yon ng aming bahay.

Disciplinarian si nanay, subalit nung maliit pa lang ako sinabi nya sa akin na mamamalo daw sya kasi mahal nya kaming mga anak nya, di ko pa naiintindihan nun kung bakit. Ang tanging alam ko masakit ang palo. Meron pa nga, pagkatapos nya akong paluin pumupunta sya sa kwarto, naririnig ko ang hikbi nya na alam kong umiiyak din sya, nung mga oras na yon di ko lang alam kung bakit pero mas nagi-guilty lang ako.

Sinelas din ang naging kakampi ko nang minsan habulin ako ng aso, syurbol kong tinamaan sa ulo para matakot pero nagkamali ako mas lalong nagalit ang bagong panganak na aso ng aming kapitbahay, tumakbo ako at hinabol na muntikan pang mahulog ang short ko, sya nga pala ang sinelas ding yon ang ginamit sa pagpalo sa akin dahil kakulitan ko.

Malaki ang naging role ng sinelas sa paghubog ng isang Mar Castillo ngayon, may mga bagay na bumuo sa isipan ko na nagbibigay ng signal kung tama ba ito o mali, siguro wais lang talaga si nanay kasi mas pinaniniwalaan nya ang operant conditioning ni B.F Skinner kung saan nakapaloob ang pagbibigay ng parusa (punishment) para maiwasang maulit ang isang bagay na di tama.

Sa totoo lang malaki ang utang na loob ko sa sinelas na ginamit pampalo sa akin, nagkaroon kasi sa puso ko ang takot na gumawa ng di tama sa kapwa, sa lipunang ginagalawan ko at mali sa mata ng kinikilalang kong Diyos. Nagkaroon ako ng limitasyon sa sarili ko.

Ngayon malayo na sa akin si nanay at tatay, isang bagay lang ang namimiss ko habang tumatanda ako, ang sinelas na humubog sa aking pagkatao.

Thanks to: google image for the picture.

Philippine Blog Awards 2009

Monday, October 5th, 2009

sa mga nagbasa…

sa mga dumaan…

sa mga nakitawa…

sa mga nakialala…

sa mga umalala…

sa mga kaibigan…

sa mga totoong kaibigan…

sa mga bloggers

sa mga bloggers kuno…

sa mga guro…

sa mga estudyante…

at sa lahat nang napadpad sa site na ‘to.

Isa po sa mga nominees ng Philippine Blog Awards 2009 (bloggers choice category) ang site na ‘to. Ibig sabihin maaari nyong iboto ang blog na to na parang nangungulangot lang. Napakasimple lang.

Pers ang una mong gawin ay pag-isipan kung deserve nga ba talaga ng blog na ‘to ang mabilang sa bloggers choice ng Philippine Blog Awards, kung hindi okey lang di ko hawak ang panlasa mo, pero mas masarap ako kesa sa ‘yo.

sekand mong pangalawang gagawin, kung trip mo nga talagang iboto e gumawa ng maikling entry sa blog mo, kung tinatamad ka maaari mong sundin ito;

My Vote for the 2009 Bloggers’ Choice Award (National)

I vote for taympers
Bloggers’ Choice Award
2009 Philippine Blog Awards

Tird mong pangatlong gagawin isave mo ang ginawa mo, pag nasave na pag-isipan ulit kung tama ang gagawing kalokohan, nakasalalay sa desisyon mong ito kung karapatdapat nga ba akong manalo o hindi, kung desidido ka ngang talaga kunin mo yong link o permalink na tinatawag sa bagong entry mo.

eksampol:

http://bipolarsisa.wordpress.com/2009/10/03/taympers/

ganyan hitsura nun, siguro naman alam mo na. Pag nacopy mo na,i-paste mo sa permalink na box at fill-upan ang mga kinakailangan impormasyon. Piliin ang taympers.Kalimutan mo na ang magsout ng anderwer wag lang makakalimutang piliin ang taympers.

saka mo pindutin ang submit button.

Ito yong link kung saan ako kabilang Push button to eject booger to your face.

Ito naman yong link kung saan ka fifill-up push button to eject your boss.

Oh di ba madali lang?

Malaking karangalan po sa isang tulad ko ang mapabilang sa isang prestihiyosong parangal tulad nito, masayang masaya po ako nung nalaman kong isa ako sa mga nominees para akong nanalo ng lotto. Pero bago pa man ako lubusan naging masaya inisip ko muna kung may tsansa ba talaga akong manalo, sinabi mismo ng isip ko na di ko malalaman ang sagot kung di ko itatry. Ang mapabilang dito ay isang malaking karangalan na kaya okey lang sa ‘kin kung di manalo. Atlis may potential pala ang blog na ‘to.

Ito nga pala ang napili kong iboto:

I vote for otep
Bloggers’ Choice Award
2009 Philippine Blog Awards

bakit?

una. kahit ayoko nang mga emong posts e umuukilkil sa isipan ko ang mga ever-worth-remembering lines ng blog nya (’nu ulit mga yun?)

pangalawa, simpleng banat simple impak sa akin. mas ginaganahan akong magsulat pag may nababasa akong kaiba sa panlasa ko.

pangatlo, all of the above.

aknawleydment:

Maraming salamat sa mga bomoto sa akin, at boboto, sa Philippine Blog Awards, sa mga bumubuo nito, sa mga sumusuporta, sa lahat, sa mga blogger na ipinapagpatuloy ang pakikibahagi ng mga kwento’t kaalaman, at sa Kaniya na syang tunay na nagsusulat ng kwento nang aking buhay.Maraming salamat po.

Karanasan ko sa bagyong Ondoy

Friday, October 2nd, 2009

Kelan lang nasalanta ang halos buong metro manila sa bagyong ondoy, ngayon eto na naman ang bagyong pepeng, kalunos-lunos ang inabot ng mga kababayan binaha nang halos lampas-tao maging ang mga kotseng parang laruan lang kung lumutang sa tubig. Nahabag ako.

Pero ayokong magpakaemo sa mga nangyari, mas gugustuhin kong isipin na makababangon din sila, o kami kasi tulad nila nabaha din ako. Ayokong ikuwento yong nangyari sa akin nung sabado pero kung pipilitin mo ako sige ikukwento ko sa ‘yo.

Alas nuebe ng umaga Sept 26 2009 nang mapansin kong malakas ang ulan, nasa opisina na ako nun. Nung una kasi di ko masyadong pinapansin besi kasi ako di ko pa nga alam na bagyo na pala, so yun tuloy tuloy lang ang trabaho, accept ng calls, encode ng transactions, merge ng mga transaction sa isang system, lagyan ng tag, accept ng local calls, asikasuhin ang costumer complains, at kumakain ng breakfast habang ginagawa ang lahat nang ito.

Nasa 21st floor ang opis namin, pero nung tumingin na ako sa bintana e halos parang may usok yun pala ay ulan na sobrang kapal kasama ng malalakas na hangin. Pero binalewala ko pa rin kasi alam kong safe ako, may pagkain e.

Nung binuksan ko ang facebook account dun na ako nagulat kasi andaming updates na kesyo baha na raw sa ganito, na kesyo kelangan na raw ng rescue, na kesyo mag-ingat daw sa baha, akala ko nga qowts lang yun pala seryoso na.

Dun na ako nagsimulang magpanic, kinontak ko ang dalawa kong malditang kapatid para tanungin kung okey lang sila ang kaso di ko sila makontak ayun mas lalo akong nagpanic.Tinawagan ko nanay ko, okey naman daw sila pero di ko pinaalam muna na malakas ang hangin at ulan baka kasi mag-alala.

Magaalas diyes na ata nun nang makatanggap ako ng text mula kay kengkay, ang sabi nya stranded daw sya sa pasig. Ayun nagpanic na naman ako ganun na ba kagrabe para maistranded nang dahil sa baha. Okey naman daw sya pero unti-onting tumataas ang tubig-baha. Panic mode ako.

Di ko maayos ang trabaho ko nun. May mga tumatawag na sa akin overseas kung ano na daw ang kalagayan ng metro manila, napapanood daw kasi nila sa tv. Wala akong maisagot kasi di ko pa alam kung doomsday na nga ba o ano. Nagstream ako sa gma 7 sa pamamagitan ng internet. Ayun dun ko nalaman na tumatahak ang bagyong ondoy pilipinas dawit ang metro manila. Panic mode ulit

Tinext ko na nun ang ilan sa mga prends ko, si otep, si jelo, si richard, si anne, si bernard, si kengkay, si jomar, si jayson, si marj, ang kaso sa lahat nang nabanggit dalawa lang sa kanila ang nagreply, di ko alam kung prend nga nila ako o pampadami lang sa punbok ng kanila telepono. Nagaalala kasi ako, di ko alam kung ano nang nangyayari sa kanila kung nag-eenjoy na ba sila sa baha o ano, kasi kung nag-eenjoy silang maligo sa baha panigurado maiinggit ako, sobra.

Tumawag ako sa landlord ko para kumustahin ang bahay na tinutuluyan ko, kampante ako nung una. Pero nung nalaman kong hanggang tuhod na pala ang tubig sa labas, mas nagpanic ulit ako. Umabot na raw ang tubig sa apartment kaya ang pinagawa ko ay sirain na lang ang kandado tapos itaas ang pwede pang mailigtas, nagawa naman nyang itaas ang pc, tv,dvd mga magazines at box ng mga damit ko, yong closet, ref, at kutson ko basang basa na.

Patuloy pa rin akong nakatutok sa tv thru inernet, hangang sa pinapalabas na sa tv yong sobrang kabahaan sa metro manila, landslide, ang taas ng tubig, mga kotseng lumulutang at lalo na ang mga taong nag-iiyakan. Dun na ako nagsimulang manlumo sa nakikita ko, andaming humihingi ng tulong.

Alas tres ng hapon, kinakabahan pa rin ako at mas lalong kinabahan kasi patapos na ang shift ko wala pa rin ang susunod n shift. Nung una talaga ayokong ma-extend kasi inaalala ko yong bahay ko. Kumusta naman yun parang hello bahay ko dito muna ako ha.

Habang nakatutok ako sa streaming e nakabukas din ang facebook ko para kumalap ng updates at magbigay ng updates. Nakachat ko si jasonhamster na basang basa na daw sya kasi sinugod nya ang ulan, at iba kong cyber prends din na unti-unting binabaha na raw sila pero bago daw sila lumikas e kelangan nya munang i-havest ang farm nya, adik di ba?

Hanggang sa nabasa ko ang updates ni kuya bernard na cancelled daw ang saranggola blog awards, nalungkot talaga ako, pero naisip ko para ito sa kapakanan ng mas nakararami.

Nung di dumating ang dapat sanay sumunod na shift sa aming dawnshift (ako, si ate nora, at ate vilma o di ba parang celebrity lang?) e napilitan kaming maextend. Pero bago pa man magsimula ang bagong shift e binalak na naming kumain.

Tinatawagan ko pa rin ang dalawa kong kapatid kasi nag-aalala ako sa kanila, sa ngayon di kasi nila kapiling ang aming ama’t ina. Wala pa ring sumasagot, mas lalo akong naasar nung marinig ko ang ringback tune ng kapatid kong yong kanta ni rihanna na umbrella, na parang may connivance sa nangyayari.

Nagpatuloy ang shift namin hangang nighshift, mula dawnshift (kami yun) hanggang midshift tapos naging nighshift na. Wala na akong lakas nang mga oras na yun, pagod na ang mata ko maging ang katawan ko. Pero kelangan kong ipagpatuloy ang trabaho ko di dahil sa kontratang pinirmahan ko kundi para sa serbisyong maibibigay ko.

At mula nighshift nagpatuloy pa yon hangang sa dawsshift, parang cycle lang. Walang ligo-ligo, walang tulog-tulog, di makapag-isip ng maayos dahil sa puyat, at di makakain kasi hanggang sa mga oras na yon inaalala ko pa rin ang dalawa kong malditang kapatid.

Nakauwi na ako ng bahay mga pasado alas kuwatro na ng hapon, at syempre siguradong baha ang dinaanan ko. Di ako agad nakatulog kasi mas inuna ko pang asikasuhin yong bahay kesa sa sarili ko, at syempre ang farmville ko.

Pero bago ko ipikit ang mata ko para matulog sumambit muna ako ng konting dasal, dasal na nagpapasalamat sa Kaniya. Nagpapasalamat at yun lang ang inabot ko.

Saka ko na ikukuwento ang mga kwento ko nung bata pa ako pag bumabaha.

PS: sya nga pala baka may konting panahon ka, maaari mong iboto ang blog na to dito http://www.philippineblogawards.com.ph/2009/10/01/vote-now-for-the-2009-bloggers-choice-special-award/ sundin mo lang ang instruction, masaya na ako.