Matagal ko nang hindi naupdate tong blog ko. Besi-besihan lang.Sori naman.
So anong meron? Wala lang. Umuwi lang naman ako sa probinsya namin noong November 3 na. Late na para sa undas pero wala akong choice kasi may duty ako ng wan at tu. At may mga personal na bagay na kelangan kong resolbahin.
Okey payn.
Noong bata ako ‘pag magbeberdey ako ang palaging handa ni Nanay ay pansit, sopas, puto, kakanin at tinapay.Sa aking tanda nasa edad por ako noon ng maghanda kami ng nyan. Ang daming handa.Ang daming dumalo.
Tuwang-tuwa naman ako kasi ang daming pumupunta sa bahay namin para makikain pero ni isa sa kanila walang dalang regalo, kung meron man limang pisong papel pero ang sobrang saya ko na nun. Hindi ko talaga alam ang essence ng berdey ko noon, basta tuwang-tuwa lang ako kasi maraming batang pumupunta sa bahay kasama ng mama nilag may dala ding tsika sa mga kapwa nanay. Basta madaming tao, may nag-iinuman, may nagtotong-its, may kumakain, at kwentuhan. May mga batang nagtatakbuhan, iyakan, hampasan, awayan at payabangan, mga tipikal na eksena sa probinsya.
Pag berdey ko ako yong may bagong damit at laruan, ibinibili ako lagi ni Nanay. So ako yong naiiba sa lahat, pag may batang di ko gusto nilalait ko, at iniyayabang ko yong bago kong laruan kasama ng mumurahing lobo. Tapos aasarin ko kahit mas malaki sa akin hindi ako pwedeng patulan kasi berdey ko. Nagpapakasalbahe ako. Tatawagin ko lahat ng bata, papipilahin tapos bibigyan ng kendi pero bago nila makuha ang kapirasong kendi susundin muna nila ipapagawa ko, nariyan yong tumuwad, paglambitinin sa puno at mag-squat. At pag nakikita ko sila sa ganoon tuwang-tuwa ako maski sila. Ang bad ko noong araw. Feeling ko kasi rich kami pero mali ang iniisip mo. Basta pag berdey ko gusto ko nasa sa akin yong buong atensyon… in-short KSP ako which is true.
Pero sa lahat ng berdey ko ngayon ko lang narealized na di ako nagkaroon ng keyk kahit yong mumurahin lang. Ewan ko. Wala siguro sa kultura o tinatawag na tradisyon ng lipi ko. Pero palaging may biko, atlis keyk na rin yon. At palaging meron din yong tinatawag na atang sa ilokano, ito yong alay para sa mga yumaong mahal sa buhay,kung anong handa dapat ganuun din yong atang kasama ng kandila, dasal at dalawang nilagang itlog. Masama daw kasi pag di nag-alay, mamalasin daw at magkakasakit yong may berdey.
Naalala ko pa, may isang berdey ako kasama ko si erpats, nanonood kami ng sine. Bonding moments. Pero hindi sa pagitan namin kundi sa isang babae. Iniwan lang naman ako ng magaling kong tatay sa parke para maglaro at may bibilihin lang daw sya sandali, pero kitang-kita ko sa isang sulok may kausap syang babae. Noong umuwi na kami isinumbong ko sya sa nanay ko, na may katagpo sya. Ayun nagliparan lang naman ng kaldero’t kawali sa bahay. Nag-away sila. Ang palusot ni tatay tindera lang daw yun, sabi ko naman “bakit nakalipistik?”. Hindi valid reason pero pinaniwalaan ng husto ni Ina.
Meron isang berdey ko naman, hayskul ata ako noon hindi naalala ni tatay yong berdey ko. Mas inuna pa nyang makipag-inuman sa barkada kesa sa handa ko. Pinili ko na lang na wag maghanda, oke lang kako kay nanay. Pero sa loob-loob ko ang sakit ng feeling pag yong inaasahan mong babati sa ‘yo e kakalimutan lang kapalit ng inuman sa kanto.Unbearable pala ang sakit.
Magmula noong maghayskul ako pinipilit kong wag na lang maghanda si nanay. sayang lang din kasi ang pera. Malimit kong sabihin naipunin na lang para sa noche buena. Sa totoo lang nahihiya ako pag berdey ko, nariyan yong tutuksuhin ka sa school na magpakain ka naman at madalas kong sagutin ng saan? sa buwaya o sa aso?.
Hayskul din ako ng pinayagan akong makipag-inuman tuwing berdey ko. Nasa sa akin daw yong responsibilidad ng isang manginginum payo ni tatay, o di ba parang nagpapasa lang ng trono nya. Pero kahit may basbas na akong uminom kelan man di ko ginawang prebelihiyo yon at hindi inabuso (islayt lang).
Pagtungtong ko ng kolehiyo, ganun pa rin, hindi na ako nagpapanda kundi ako na mismo yong tini-treat ng mgakaibigan ko. Ang saya! libre na may spin-of-the-bottle pa. Muli di ko inabuso kundi ako yong inabuso, joke!
Napagtanto ko sa loob ng 22 taon ng aking buhay, andami na palang nangyari. Umiyak sa school. Nagsumbong sa nanay. Sumugod si nanay. Umakyat sa entablado ng maka-ilang beses. Nakaroon ng maraming medalya. Nagkacrush. Naging crush. Umibig. Nabigo. Gumastos. Nagkaroon ng maraming kaibigan. Inaway. Nang-away. Nanuntok. Nasuntok. Sinuntok. Natutong magmura, magyabang at muling magmura. Natakot sa titser noong highschool. Palaaway sa titser. Muling umakyat sa entablado. Sumayaw sa school activities, at ikinakahiya ko ang mga araw na yon. Nagsalita sa harapan ng maraming tao. Napabilang sa school pub. Nakisali sa mga contest.Nalate. Binilad sa araw.Naging officer sa COQC. Naadik sa anime. Natutong magmahal sa maling tao at sa maling pagkakataon. Nasaktan. Umiyak pero hindi nagsumbong kay nanay. Muling nagmahal ng labis, at muling umiyak. Nagkaroon ng cellphone. Natutong mag-internet. Natutong mag G-blogs. Natutong maghack. Grumadweyt ng hayskul na may parangal. Nagsimulang magsummer job. Natutong mag-enrol ng mag-isa. Nagkaroon ng friendster, myspace at YM. Nagkaroon ng blogs. Muling nagmahal, muling nasaktan tatanga-taga kasi. Nanggago at ginagago.Naging iskolar. Naging aktibista Naging makata.Hindi nag-aral ng mabuti. Bumagsak. Nadisappoint. Nafrustrate. Hindi na tinapos ang pag-aaral.Nagtrabaho bilang service crew. Nag-inarte at nag-apply bilang callcenter agent.Muling nag-inarte.Humanap ng ibang trabaho. Nagyosi. Natutong magstarbucks at naadik sa kape. Naoperahan sa appendix. Gumaling. Nakalilimot na ng sobra. Muling nagtatrabaho at ngayon heto na sya…

Dakilang gago at ang may utak sa likod ng blog na to.
Pls lang wag nyo akong batiin ng hapee berdey nagiging salbahe po ako.