Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 67

Archive for February, 2010

noong bata ka inisip mo rin bang ikaw si superman?

Tuesday, February 23rd, 2010

napagtanto ko, na hindi pala sa lahat ng oras nagiging superman ang isang bata, minsan kelangan nilang madisiplina para matutunan ang bagay na dapat matutunan ng isang tunay na superman.

napagtanto ko, kelangan mong isipin na ikaw si superman, atleast sa puntong yon nagkakaroon ka ng kompiyansa sa sarili mo na kaya mo ang isang bagay na mahirap gawin.

napagtanto ko, walang masama sa mangarap, ang masama ay ang mangarap ng masama. Hindi ka iisang ikaw kung hindi sya iisang sya.

napagtanto ko, na ang kabataan ay isang investment ninuman. Bigyan mo ng pagkain, pag-aaruga, edukasyon, tulong sikolohikal at isipirituwal, kalayaan, gabay at higit sa lahat disiplina ang magiging puhunan nya upang syang maging  isang tunay na ’superman’.

napagtanto ko, wala sa rangya ng buhay o bulto ng yaman ang posibilidad na maging isang mabuting tao ang isang indibidwal, kundi higit pa man nasa ugat ng isang sama-sama at buong pamilyang maayos.

napagtanto ko, sa puntong kelangan ng tulong ng isang bata, higitninupaman…pamilya ang unang  tutulong sa kanya.Walang maayos na pamilya kung walang respeto sa isat-isa. Wala ang inaakala mong ’superman’ kung walang tibay ang pamilya at pagsasamahan.

Minsan, noong bata ka, inisip mo rin bang ikaw si superman?

qoute

Wednesday, February 17th, 2010

Boiled peanuts were the ceremonious gift.

-tatang mani

balik-tanaw

Sunday, February 14th, 2010

Naalala mo kung paano ka utuin ng nanay mo para pakainin noong bata ka? Minsan napapalo ka pa. E naalala mo pa ba kung paano ka patulugin? Kung paano mo takasan si nanay. Naalala mo pa ba kung paano ka kumain ng sitserya? Kung paano ka makipaglaro sa kapitbahay nyo? Kung paano ka maburog at mataya, kung paano ka manalo, matalo, maasar o mapikon. Kung bakit ka inaabot ng hapon sa pakikipaglaro sa labas, tapos pagdating mo kakain na lang kayo ng hapunan minsan tinatamad ka pang maligo kaya amoy araw o amoy pawis kang matulog.

Wala na atang mas aastig pa sa ating childhood memoirs.

Nasa apat na taon ako noon nang maranasan ko kung anong sarap ang makakamit sa pagtakas sa pagtulog sa tanghali. Exciting at antaas ng level sa thrill.  Grade six ako noon nang hinahanap hanap ko na ang pagtulog sa tanghali panghapon kasi ako noon. Naisip ko, parte pala ng isang batang lumalaki ang pagtulog sa tanghalo. Hindi man literal na lumalaki ang isang bata sa pagtulog pero parte ito ng kanyang kabataan at paglaki.

paybminits

Tuesday, February 9th, 2010

Mabilisan lang ‘to. As in. Parang lang to nung bata tayo na pag tinatawag ni mama o papa e sasabihing…sandali lang, paybminits.

Anong meron ang paybminits? Gaano to kaefectivo sa siyam-siyam o mabilis pa sa alas kuwatro. Utang na loob hindi ko alam. Basta ang alam ko…

…”ay nahulog ang marshmallow ko!”

“okey lang, wala pang paybminits.”

Paniwalang paniwala ako noon na pag nahulog ang kinakain okey lang na damputin basta wala pang paybminits. Pag sumobra na raw doon e marumi na. Kabaliwan? Hindi ko alam. Basta masarap kumain.

Minsan habang masaya kaming naghaharutan ng nanay ko nahulog sa tinidor ko yong nakatusok na banana que. Buti na lang hindi sa lupa kundi sa sahig lang naman ng bahay. Sa buong buhay ko yon ang perstaym kong makakain ng banana que, kaya imbes na natuwa ako sa nanay ko kasi sya ang nakasagi sa pobreng banana que e nalungkot ako. Gumawa agad ng aksyon ang wais kong nanay…imbes na bumili ng bago e sinabing “damputin mo na wala pang pabminits.” Dinampot ko naman, saka ako sinabihan… masarap pa rin naman di ba?

Minsan nagkasakit ako, kung alam mo yong aspelet na gamot pambata yon ang madalas ipainom sa akin ng nanay ko. Dahil sa kalikutan ko natabig ko yong gamot at nahulog sa lupa. Pupulutin ko sana para inumin kaso biglang umeksena si nanay… “wag mong pulutin, marumi na yan.” Nagulat ako syempre, sa banana que okey lang, sa gamot hindi. Sabi nya di raw applicable dun yong payminits kaya uminom na lang daw ako ng bago, isa pa hindi raw magandang uminom ng aspelet na may lupa lupa na.

So ano nga bang meron ang paybminits?

Minsan nabored ako. Inisip ko kung anong meron sa paybminits. Out of the blue jungle maaaring scientifically recognized ang naisip kong theory. Sabi ng titser ko noong highschool maraming nagkalat na pathogens sa paligid ng tao. At may kanya kanya silang binubuong organization parang meeting di avance. At sa bawat grupong yun may kanya kanya rin silang papel na ginagampanan sa environment lalo na sa kanilang habitat. So, kung aksidente kong nahulog yong kapirasong tinapay doon sa kinaroroonan ng…ummm…sabihin na lang natin na germs at ito ay isang stimuli sa kanila hindi malayong magkaroon ng commotion at magkakagulo sila, yong iba magugulat, yong iba matatakot, yong iba magpe-pray, yong iba parang wala lang, halu-halong emosyon na magaganap. Edi magkakahiwa-hiwalay sila ngayon at lalayuan yong nahulog na tinapay syempre dahil natatakot sila kasi bago sa paningin nila yong tinapay na may niyog sa loob. At sa loob ng pangyayaring yun doon papasok ang PAYBMINITS.

Paybminits lang ang palugit, at paybminits lang dapat nadampot mo na yong pagkain otherwise magmumukha itong feeding program ng kumakandidato sa eleksyon–dudumugin at pagkakaguluhan.

Nagets mo? Sana. Kasi kung hindi sisiguraduhin kong di ka na aabot ng paybminits. At sigurado akong nabasa mo ang entry na to ng wala pang paybminits.

tsing!

pritong tilapya

Thursday, February 4th, 2010

Pebrero na pero halos mabibilang lang sa daliri ang naipost ko nitong january, ni di ko man lang naipost ang new years resolution ko. tinamad kasi talaga ako, nawalan ako ng ganang mag-blog at sa tingin ko e  lahat naman ng bloggers e nakararanas ng ganun (siguro).

Ano ang paborito mong ulam, lalo noong bata ka pa? Ako pritong tilapya tapos yong sawsawan e kamatis o kaya calamansi na may toyo, solb! Noong bata ako yon ang madalas kung ipabili sa mama ko, kahit hindi kumakain ang mama ko ng isdang taba lalo na ang tilapya madalas nya akong ipagprito nito kahit yong kamatis na lang yong inuulam nya e masaya na syang nakikita nya akong kumakain ng magana at kahit na napuputakan sya ng mantika.

Peborit ko tong ulam na ‘to at all times. Masarap kasi. Kaya pag umuuwi ako sa probinsya namin ipinahahanda ko tong ulam na ‘to at dahil dun mas napaparami ang kain ko.

Kung papiliin ako kung cellphone o pritong tilapya sa peborit kong ulam pa rin ako.I cant ask for more kung ito na ang ulam na nakalapag sa hapag-kainan. Ikaw anong paboritong ulam mo?