Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 27

hu me?

<”">: Pangalan?

ako:  Mar po.

<”">: Tigasan?

ako:  madalas po.

<”">: hindi yun!

ako:   ahh Pasig po, minsan umuuwi po akong Tarlac.

<”">: San Dun?

ako:   Sa ano po…umm sa an-

<”">:  o sya di bale! ilang taon ka na?!?

ako:  19 po.

<”">: sinungaling! yong totoo!

ako:  21 po.

<”">:  yong totoong-totoo!

ako: 22 po.

<”">:  ilan kayong magkakapatid?

ako:  tatlo po.

<”">: panganay?

ako:  opo.

<”">: Ano tinapos mo?

ako:  bato po.

<”">: bulseyet! di yun!

<”">: anong tinapos mong kurso, gagu!

ako:  wala po.

<”">: marunong kang magbasa?

ako:  medyo po.

<”">: e magsulat?

ako:  opo.

<”">: magluto?

ako: ng ano po?

<”">: pagkain. tanga!

ako: opo.

<”">:  mahilig kang magsulat?

ako:  opo.

<”">: saan?

ako:  minsan sa papel, minsan sa bus po, minsan sa blog pero madalas sa pader po.

<”">: tingin mo tama yun?

ako:  alin po?

<”">: magsulat.

ako:  opo.

<”">: bakit?

ako: para may basahin ang mga babasa.

<”">: anong trabaho mo?

ako: madami po.

<”">: so mayaman ka?

ako: hindi po.

—-

<”">:  anong hilig mo sa buhay.

ako:  magpayaman po.

<”">: dahil sa?

ako: gusto kong makatulong sa Makati Business club po.

<”">: sa tingin mo matalino ka?

ako: hindi po.

<”">:  bakit hindi?

ako:  kasi po wala pong anumang bagay na magiging basihan kung paano mo susukatin ang katalinuhan ng isang nilalang, kung meron man ginawa lang yun para sabihing matalino sila, maniwala ka.

<”">: bakit kita paniniwalaan?

ako:  katulad ng di pagsang-ayun nyo ay isang basihan na nagkakaiba tayo ng paniniwala– ibig sabihin maaaring magkasalungat din ang paniniwala natin kung sino ang matalino sa hindi, sa guapo sa hindi, magkaiba ang sinasabi ng ating utak, magkaiba ang ating utak.

<”">: para san ang I.Q?

ako:  para san ang E.Q?

<”">: para san ang critical thinking?

ako:  e para san naman ang metacognitive thinking?

<”">: uulitin ko, sa tingin mo matalino ka?

ako: hindi.

<”">: bakit?

ako: kahit sabihin kung oo, kung hindi ang sinasabi ng utak mo—wala rin silbi ang magiging sagot ko.

<”">: gusto kita bata. nanonood ka ba dati ng sineskwela at mathinik?

ako: opo. batibot alam nyo?

<”">: hindi.

ako: *ngisi*

<”">: teka matuloy tayo. bakit ka nandito?

ako: di ko po alam.

<”">: kala ko ba matalino ka?

ako: wala po akong sinabi.

<”">: anong sports mo?

ako: jakston po.

<”">: seryoso???

ako: hindi po.

<”">: e ano?

ako: kung matatawag na sports po ang pagiging masayahin, malamang champion na po ako.

<”">: so sports mo ang tumawa.

ako: hahahahahaha

<”">: *iling* tsk.tsk.tsk.

<”">: baliw ka ba?

ako: blanko.

<”">: BALIW KA BA??!?

ako: blanko.

<”">: okey, anong kinakareer mo?

ako: marami po.

<”">: tulad ng?

ako: umm…ano po…umm makipagkapwa-tao.

<”">: career ba yun?

ako: sa tingin nyo po?

<”">: e anong ginagawa mo?

ako: magbilang ng TAO, pero madalas konti lang po nabibilang ko, mas marami pong pakitang-tao.

<”">: ayaw mo ba sa kanila?

ako: super.

<”">: plastik ka ba?

ako: TAO po ako.

<”">: e sinong lumikha sa yo?

ako: Siya.

<”">: sinong Sya?

ako: yong Diyos ko.

<”">: diyos-diyosan mo? naniniwala ka ba dun?

ako: oo sa Kaniya.

<”">: di mo nga sya nakikita panu mo nasabing existing sya?

<”">: to see is to believe di ba?

ako: minsan di kelangan ng mata para makita ang bagay na pinanghahawakan, kundi puso para maramdaman.

<”">: di mo sya nakikita, panu mo nasabing nandyan sya sa puso mo?

ako: kaya meron tayong pandama bilang solusyon dyan sa tanong mo.

<”">: so naniniwala ka sa kanya?

ako: opo.

<”">: e sa akin?

ako: opo.

<”">: bakit?

ako: kelangan pa bang i-memorize yan?

<”">: may friendster ka?

ako: facebook po.

<”">: may friendster ka?

ako: facebook po.

<”">: MAY FRIIIIEEENDSTEEER KA?

ako: facebook po.

<”">: bakit ayaw mo sa frendster?

ako: cheap.

<”">: subra ka naman.

<”">: anong nagagawa ng internet sa yo?

ako: maging malibog po, magsinungaling at dumami ang prends ko po.

<”">: ano pa?

ako: ang ngumiti ng mag-isa.

<”">: sa tingin mo tama yun?

ako: hindi po binibili ang ngiti, so dapat lang po.

<”">: umiiyak ka ba?

ako: blanko.

<”">: umiiyak ka ba?

ako: blanko.

<”">: UMIIYAK KA BA?

ako: maliban sa pag-ihi san ba dapat mapunta ang excessed water na na-accumulate ng aking katawan?

<”">: so umiiyak ka nga?

ako: ayokong sabihing oo.

<”">: dahil?

ako: marami ang di maniniwala.

<”">: kasi?

ako: KASI ANG ALAM NILA PARATI AKOOOONG MASAAYAAA! PERO MALI SILA. TAO AKONG NASASAKTAN, TAO DIN AKONG UMIIYAK.

<”">: pride lang yan.

ako: kagagawan mo.

<”">: mapunta tayo sa schooling mo. college drop-out ka daw?

<”">: … totoo ba yon?

ako: hindi po.

<”">: nag-aral ka bang mabuti.

ako: opo.

<”">: kunsabagay iskolar ka ng bayan, tama ba ko?

ako: blanko.

<”">: e panu na lang ang future mo?

ako: masaya na ako.

<”">: kontento ka na ba dun?

ako: hindi.

<”">: kung isasanla mo yang kaluluwa mo para maging mayaman ka, papayag ka ba?

—–

ako: blanko.

<”">: kung magiging presidente ka ano plano mo?

ako: wala.

<”">: bakit?

ako: dati pa man mula nung kay emilio aguinaldo hanggang ngayon puro na sila plano, walang nagagawa, walang asenso.

<”">: e anong gusto mo?

ako: patayin ang mga makapangyarihan.

<”">: di pwede baka mamatay ang diyos-diyosan mo.

<”">: e kung ikaw na lang kaya ang kapalit para lang ang pilipinas ay umasenso.

ako: wag na, kulang ako, baka abonado ka pa.

<”">: sinong gusto mo?

ako: lahat ng aspiring president na tatakbo ngayong 2010 eleksyon.

<”">: sige payag ako, maliban kay erap na kinakapatid ko.

ako: bakit sya iniwan mo?

<”">: basta malalim ang aming pinagsamahan.

ako: kaw bahala.

<”">: o sya, hintayin mong may magbago sa loob ng animnapung segundo.

ako: e panu pag wala.

<”">: sorry, no return no exchange.

ako: ok go!

Tags: , , , ,

27 Responses to “hu me?”

  1. plaridel Says:

    puede itong skit sa tv, ah. malumanay ang hirit. maraming matatawa.

    [Reply]

  2. jasonhamster Says:

    wahhhhhh..

    wahhhhhh

    tama.

    pareho tayo sa internet..

    sobra…

    pano ba to mai-elaborate pa..

    hmmm

    [Reply]

  3. gemma comiso Says:

    tumatak sa akin ang dulo… sorry no return, no exchange!

    tnx for visiting my blog… added u in my list!

    have a nice day!

    [Reply]

  4. raft3r Says:

    nyahaha
    ang kulit pala dito
    masaya!
    salamat pala sa pagbisita

    [Reply]

  5. Mr. Nonsense Says:

    i love it…u got me on “tigasan..” magkapitbahay tayo ;)

    [Reply]

  6. taympers Says:

    @plaridel, skit sa tv? gasgas na po ata yan, ginaya ko lang stayl ni bob ong sa paboritong libro ni hudas pero may pagkakaiba naman, salamat sa komento.

    @jasonhamster, so ganun, malibog ka rin?

    @gemma, thanks for visiting, pengeng piso? lol.

    @raft3r, di ko mabigkas username mo, anyways sana malibang ka pa dito.salamat.

    @Mr.nonsense, tagasan ka ba?pasig din? weeeh???

    [Reply]

  7. bipolarsisa Says:

    waha. nalintikan na. binasa ko simula hanggang huli. mahusay. ‘pangpeyups!’ haha. matalinghaga. pag malungkot, donuts!

    [Reply]

  8. pinoyalaskador Says:

    ang kulet mo talaga mar! kakagigil ka!

    [Reply]

  9. Fr. Felmar Castrodes Fiel, svd Says:

    pa-add sa facebook…

    fielsvd@yahoo.com

    then check mo common friends natin…

    mga bloggers din yon…

    [Reply]

  10. hitokirihoshi_kawaii Says:

    kaloka ang mga sagot…wahhhh

    [Reply]

  11. lipadlaya Says:

    reminds me of bob ong’s black book,,, hehehe.

    Pwedeng me return di ba? dito sa blog mo?

    Pwede din po bang me exchange?

    http://lipadlaya.wordpress.com

    salamat po…

    [Reply]

  12. Ax Says:

    ayos! parang nagbasa ako ng “paboritong libro ni hudas.” nakakatuwa ka sa GEB. yung mga tanong mo, ang lalalim. malikot ang utak mo! nakakatuwa!

    [Reply]

  13. mahiwagang sibuyas Says:

    nakanampotpot. hindi ka na ma-reach.

    sa loob ng hindi mabilang na buwan, ngayon lang uli ako napangiti sa katarantaduhan ng utak mo. yan ang gusto ko sayo eh.

    haymishyow beri mats.

    [Reply]

  14. J.Kulisap Says:

    pano ba, mukhang naka-isa ka, nakakuha ka ng atensyon.

    Ibabalik ko, Keep it up- may dagdag lang- libugan mo lagi para mas maraming tigasan ang utak.

    [Reply]

  15. KUMAGCOW Says:

    Ayos sa chat hehe

    bisitahin mo naman ako ha salamat!

    [Reply]

  16. night crawler Says:

    haha. nakakatuwa naman mga posts mo.
    masayang araw sa ating lahat.
    bisita kayo sa bago kong blog/
    peace out :)

    [Reply]

  17. Mars Says:

    pasensya ka na, di ko natapos basahin, pero ang alam ko ang kwentuhan dito is nahahalintulad sa gamit at katangian ng maskara.

    [Reply]

  18. xprosaic Says:

    Ahahahahahha wala akong facebook… jijijijij friendster lang… kaya nga cheap ako eh… nyahahahahhaha

    [Reply]

  19. neoli Says:

    “….maging malibog po, magsinungaling at dumami ang prends ko po.”

    true.

    {panu ba yan, di ko alam magpaconyo eh sa comments section mo as u requested.)
    Masakit sa ulo basahin tong entry na to. Effective.

    [Reply]

  20. jasonhamster Says:

    hahahahahah natawa naman ako sa reply mo..

    hmmm

    OO

    hahahaaha

    loko to a

    padaan muna

    patumbling muna dito at pabuga ng apoy

    [Reply]

  21. The Lady in Green Ruffles Says:

    whew, haba..but it makes sense

    [Reply]

  22. mark Says:

    ako: maging malibog po, magsinungaling at dumami ang prends ko po.
    ——-

    so funnytoNg post na To… ahhehehe! napadaan lng Poh.. pwede exlink? ahehhe!

    [Reply]

  23. eli Says:

    galing mar. tawa ako ng tawa dito habang binabasa.
    pa’no mo naisip isulat to? alam ko na, kung panong hindi naisip ng iba. haha

    [Reply]

  24. Facebook Fan Check Virus Says:

    waaaaahhahaha
    nawala antok ko dun ah
    ang kulit ahehe
    bat nga ba nakikialam e cheap na daw ang Friendster
    ahehe

    [Reply]

  25. eloiski Says:

    hahahahahaha! natawa ako dito ah! as in hagalpak!
    lol!
    ang cute ng mga banat… simple pero rock… lakas ng tama!
    2 thumbs up!

    [Reply]

  26. deejay Says:

    ayaw ba talaga akong pakumentin?!? maygas! sana pumasok na to. *crosses fingers*

    taympers, this is hilarious! after the fourth line i was hooked. hehehe. :D gleng gleng! :D

    [Reply]

  27. lababo Says:

    late reply haha.
    kala ko nagbabasa ako ng maliit na libro kanina..
    will link you up bro! astig to.. salamat.

    [Reply]

Leave a Reply