Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 76

bahaybahayan

 

Isa sa mga paborito naming laruin noon ng kapatid at mga pinsan ko ang bahaybahayan. Bale yong kapatid kong babae ang mas mahilig sa larong to, gustong gusto nyang laruin to kasi gustong gusto nya ring iparis sya sa crush nyang kapitbahay namin, ganun lagi ang siste. O di ba ang agang naglandi?

Ginagawa namin to madalas sa likod ng bahay namin, may puno kasi dun ng mangga at nakabalandrang papag so madali na lang gawing bahay yun. Ang ginagawa namin kumukuha kami ng mga sako ng palay at pinagdi-dikitdikit namin gamit ang mga ipit sa sampayan ni nanay. Parang iskwater lang ang labas namin pero masaya.

Madalas ang papel ko sa bahaybahayan ay may-ari ng tindahan malapit sa bahay ng kapatid ko, ang pera namin nun ay papel din na sinulatan lang ng desired amount. Ako yong laging takbuhan nya pag nawawalan sya kuno ng mantika, asukal, kape, sabon at asin. Lahat ng bibilihin o uutangin nya meron ako, utang kasi minsan sobrang laki ng pera nya biruin mo sa kapiranggot na papel nakasulat ONE MELLION! josko ano kaya yon parang lokohan lang?

“ang laki naman ng pera mo, mali pa spelling” reklamo ko.

“yaan mo na, ganyan talaga pag mayaman kagagaling ko lang kasi ng banko nagwidrow ako ng pera ko” banat naman ng magaling kong kapatid.

Si nonong sya yong crush ng kapatid ko, sya din ang instant kapitbahay ng kapatid ko, minsan pa nga ako pa ang paaalisin ng magaling kong kapatid sa area at ipapademolish yong bahaybahayan ko. Minsan naman si Nonong yong kasakasama ko sa tindahan, bale ang mga paninda ko ay yong mga pinagbalatan ng kendi, pompoms na ang laman kung hindi dahon ay damo, chippy walang laman minsan nilalanggam pa, at ilan pang tsitseryang punumpuno ng MSG. Tapos yong dalawa kong pinsan kung hindi magkumpare sa inuman e mga driver kuno ng ewan kung anong bus company, mahilig silang magkunwakunwariang may sasakyan. Pinagdikit-dikit na upuan oks na sa kanila.

Lima lang kami madalas magkalaro, pwera na lang kung may dadayo pang ibang bata. Ginagawa namin to pag tanghaling tapat kasi tulog ang mga nanay namin sa oras ng siesta taym.Atsaka walang mang-iistorbo sa amin.

Yong kapatid ko naman sosyalera lagi ang papel nun, kunwari sya daw yong pinakamayaman sa aming lugar, na ang business daw nya ang magbenta ng pabango galing abroad, may pagawaan ng Louis Vitton na bag, may sariling kotse, may mga amigang nasa ibang bansa at kung kumain dapat kelangan kompleto ang kubyertos nya kahit gamit nyang baso ay lata ng sardinas na napulot lang naman kung saan saan.

Ako iba naman ang trip ko, pag lutu-lutuan totoong apoy talaga, gusto ko makita kung paano maluto yong sinangag na salagubang, inihaw na bulate, at pansit-pansitang damo. Minsan muntikan nang masunog ang bahaybahayan naming dahil sa kagagawan ko, syempre negligence–iwanan ba namang may niluluto habang nagsasaranggola. Nagalit sa amin ang lolo namin nun, kulang na lang ibitin kami patiwarik. Aliw na aliw kami nun sa paglalaro nito minsan halos buong araw namin ito kung laruin.

Sulit na sulit ang paghihirap namin kung panu buoin ang bahaybahayan sa hatid na ligaya sa aming murang isipan.Walang maarte (pwere yong kapatid ko) lahat okey na okey sa larong to.

Ang ayaw lang naming sa bahaybahayan e pag umuulan o kaya’y malakas ang hangin, ang hirap mag-ayos ng bahay at syempre pinapagalitan kami pag umuulan habang nasa labas ng bahay. Masungit ang nanay namin alam mo ba.

Ang ayaw ko sa bahaybahayan ay pag nag-aaway na kayo ng kapitbahay mo, kahit ano pwedeng ibato sa yo lalo na yang malditang kapatid ko. O kaya pag ayaw na namin ng mga pinsan ko tapos gusto pang maglaro ng kapatid ko, magsusumbong sya sa nanay ko na kesyo daw hindi sya kinakalaro, hindi sya bati at inaaway namin. Babaliktarin ang senaryo. Kaasar di ba? Aarte yun sa nanay ko, paiiralin ang kapilyahan, ito namang nanay ko madaling maniwala, madaling mabilog ang ulo. Asar.

Pero sa larong bahaybahayan may mga bagay akong natutunan. Natutunan ko kung ano ang kaibahan ng tunay na pakikibaka sa buhay kesa sa paglalaro lang, natutunan ko kung pano magtimpi, kung pano matiyagang ayusin ang isang bagay, kung pano tumakas sa dapat sanay oras ng pamamahinga ng bata para lumaki (daw), kung panu magkamali ngunit ayusin ito sa tama, at kung pano maging kuya para sa lahat.

Ang kaibahan lang ng bahaybahayan namin nun ay maaring walang nanay o tatay, mga inosenteng isipan at walang bahid nang anumang malisya, sa larong yan napagtanto ko na ang buhay pala mahirap pag walang magulang kelangang gumabay nang naaayon sa tama.

photo credits: http://www.craftwoodlumber.com/cedarshed.html

 

Tags: , , , , ,

21 Responses to “bahaybahayan”

  1. bloom Says:

    NYAHAHAHAHAHA! ang maldita nga ng kapatid! hahahaha.

    [Reply]

  2. Mr. Nonsense Says:

    u can tell how children are raised by observing how they play house. makikita mo kung sino ang malambing at sino ang mahilit mamalo. we also learn how to parent by how we are raised.

    [Reply]

  3. eloiski Says:

    wahahaha. naglalaro din ako nyan dati… kaso sa loob kami ng bahay…kung hindi sa kwarto namin… sa kwarto ng pinsan ko… tapos ayun yung mga kumot yun daw yaong bubong… wag ka may pinto pinto din kaming nalalaman… tapos kapag biglang dumating ang mga nakatatanda… alis alis ayos ayos kami agad… hahaha!
    tapos ayun napupunit minsan ang kumot… ng laki na nga ng butas ng kumot kong yun eh.. pero lab na lab ko pa rin gamitin… ewan ko ba… hakhak!
    yung lutullutuan… minsan gumagamit ako ng totoong apoy… yung stove ba… dun ako nagluluto pero kasama ko naman insan ko… hahahah! mga dahon tapos may toothpaste pa kming nilagy eh tapos may ano pa eh pamatay ng daga… hahaha! niluto namin yun… tapos ayun pinakain namin sa pakalat kalat na aso… ayun hindi ko na siya nakita poreber enn eber… hahahaha!
    tae! napahaba ito ah… parang isang post na… amp!

    btw kuya! ang cute cute cute cute ng header mo! hahahaha!

    [Reply]

  4. J.Kulisap Says:

    Kami nagluluto ng alikabok na nilagyan namin ng ihi namin, lata din ng sardinas ang lutuan. Tapos pag kakainin na, kunyari nguya,nguya, klakla,klakla,yummmy.

    May lugar sa Africa, ang mga tao pinapatulan ng kainin ang sinaligsig na alikabok.

    [Reply]

  5. Eli Says:

    Mhar, alam mo habang binabasa ko to feeling ko naglalaro din ako.bumalik sa akin yong mga kalaro ko nun.bahaybahayan din.nagluluto lutuan, may tindahan din.pera ang sa amin may kaiba.siguro dala ng mga pelikulang napapanuod namin nun sa b&w na tv ng kapitbahay namin.
    Alm mo ba kung anong meron sa laro namin?may mga goons.aba nanghoholdap ng tindahan at may dalang barilbarilan na gawa sa kahoy (ung iba nga bsta pinutol lang na sanga).at syempre kpg nangholdap ang mga bad lilitaw kmi ni nanding.ung bespren ko nun.kami ang tagapagtanggol ng mga naaapi.at syempre kpg nagbabaril barilan na, lito lapid ang moves ko para di tamaan ng bala.haha.ginagaya ko dn kng panu sya bumaril at tumalon.oh ha.hehe uy nun lng un ha.nung mgkaisip ako, ayaw ko na cya panoorin.
    Balik tau sa laro, aftr ng bahay bhayan at holdap holdapan, nanunungkit kami ng kamatsili maghahati hati tpos kanya kanyang kain na!

    [Reply]

  6. Eli Says:

    Dagdag pa.hehe madalas naming nanaynanayan nun yung kapatid kong bunso.ayaw nya maglaro nun kpag di cya ang nanaynanayan.may manika din cya ung kapag inihiga pipikit at kpag itinayo didilat.sobrang sakitin nga ng manika na yun e.pero ok naman kc gumagaling cya kapag pinapainom ng gamot na dinikdik na dahon ng ampalaya.

    [Reply]

  7. Ax Says:

    Dati pag nagbabahay bahayan, yung kapitbahay namin lagi yung driver. Wala lang. Nilalaro din namin yan dati. Kumpleto pa ng gamit at appliances. Ayun, napapagalitan yung mga kalaro ko dahil hinarbat na naman nila yung mga gamit nila sa bahay! awts.

    [Reply]

  8. Jepoy Says:

    Sobrang natawa ako at nag enjoy… Nice blog add kita sa blogroll ko dahil magaling ka. Magagaling lang kasi ang nasa blog roll ko (Gumaganown?!)

    [Reply]

  9. neoli Says:

    i thought i was one of your “paboritong kalaro.”
    how come we’ve never played bahay-bahayan before?

    …i wish someone would invent bahay-bahayan foods for the kids to “cook”. dati kc dahon lang na kung anu-ano niluluto namin sa tubig.

    [Reply]

  10. jasonhamster Says:

    wow taympers komplete details ha

    hahaha

    yan pala nakahiligan mong laro..

    ayos yan masaya..

    naalala ko nung bata kami

    kasama mga pinsan ko
    nag gagawa kami ng bahay sa mga

    POMs ng SOfa
    o kaya folding bed tapos laagyan ng kumot sa taas.

    ako lagi ang anak kasi maliit ako
    hahaha

    tapos nagalit sila nung lagyan ko ng electric fan yung bahay namin ayun
    nagkawindang windang silang lahat hahaha

    [Reply]

  11. otep Says:

    o taympers muna may sasabihin ako lols.

    naaalala ko yung naglalaro kami ng kahit ano na may kinalaman sa pera-perahan, gamit namin yung balat ng kendi.

    kung ano ang kulay ng balat, katumbas din iyon ng halaga sa kulay din ng totoong pera.

    oha.

    doon ko nga nalaman ang pagkakaiba ng purple sa violet. Nyahahhaha

    P1000.00 yun :)

    [Reply]

  12. The Lady in Green Ruffles Says:

    at taympers..napakaganda nito kaya humanda ka sa napakahaba kong komento..ahehe

    [Reply]

  13. The Lady in Green Ruffles Says:

    Paborito ko ring laruin ang bahay-bahayan noong mga bata pa kami(pero bata pa rin naman ako ngayon e..hehe)Ang kaibahan lang e, wala akong nilalandi noon, kasi naman puro kamag-anak namin ang nakapalibot sa bahay namin. Ayos ung kapatid mo.Hehe.Natural lang yan sa mga bata.Siguro kagagawan na rin natin yang mga mas nakatatanda sa kanila.Hehehe.

    Sa may likod bahay din namin ito ginagawa. Tapos, ung mga lumang mantel sa aming mesa ang ginagawa naming dingding, bubong at sahig..hehe..

    Ganon din ang mga pera namin..o kayay dahon na may sulat, balat ng sigarilyo na medyo may kabahuan at mga tansans.un ung coins namin. Nakakaloka naman ung kapatid mo, 1 mellion talaga..alam na kagad nya un..samantalang kami dati, hanggang isangdaan lang ata ang alam..ahehe

    Napakaclassic ng kwento mong ito. Ayos ang name ng character na crush ng kapatid mo. Nonong. panalo! Ganun din ang bus namin..o jip lang ata ung samin..hehe..pero ung balat ng kendi namin e pinupulot namin hindi para itapon sa basurahan kung hindi para ipakita sa Nanay ko para ipabili sa kanya. Seryoso. ganun talaga ako noong bata ako. Hindi kasi ako sanay na magpunta sa tindahan kaya sa kanya ko ipinapabili. At dahil hindi pa rin ako marunong magbasa noon.

    Tama. katanghaliang tapat kaya naman galit na galit ang mga Nanay natin. Palageng sinasabi na matulog sa tanghali para lumaki. Kasi paglaki daw natin, hindi na natin magagawa pang matulog sa tanghali.

    Bongga talaga yung kapatid mo..alam na ang Louis Vuitton..ahaha

    Pareho tayo..gustong gusto ko din ang nagluluto noon sa totoong apoy. nabaligtad lang nung lumaki na ako..hindi ko na kasi nahiligan magluto ngayon..hehe. Ang gusto ko lang ngayon e kumain.

    Tama ka. Isang buong araw..Minsan kakagising pa lang at may muta pa..Kapag nakitang gising na rin ang mga kalaro. kaya palageng napapgalitan lalo na kapag walang pasok. Dapat daw ay nag-aaral na lang kami.

    Sang-ayon ako. Pero natatawa ako ngayon kasi naiimagine ko pa ung itsura ko noon. Ung pagpapakahirap na ikabit ung bubong at dingding. Tapos masisira lang din kapag humangin.hehe

    Ay, hindi ko alam na masungit ang nanay mo..hehe..pero lahat naman ata ng nanay e masungit..pero sila pa rin ung pinakamasarap maglambing..

    Wala naman akong experience na ganun..kasi madalas mas nauuna ung kapatid ko na umayaw sa laro kasi mas gusto nyang manood ng cartoons..

    Hehe, pasensya ka na sa comment ko. Natuwa lang talaga ako kaya naishare ko na rin ang aking kwento. Pwede mo namang ireject ito. Ang mahalaga ay naibahagi ko ang kwento ko sa pahina mo. Salamat!

    [Reply]

  14. livingstain Says:

    alam mo tawa ako ng tawa sa umpisa pa lang ng sulat mo,isipin mo natapos ko yun…

    magaling, tama ang pagkakasulat, yan kasi ang mga gustuhan ko, yung tipong kailangan mo muna akong pasayahin sa umpisa tsaka babanatan ng mga aral sa hulihan… sa ganoong pagkakataon magkakasundo tayo, at dahil jan idol na kita…..

    apir tayperz!

    [Reply]

  15. karoger Says:

    haay. habang binabasa ko yung kwento, namiss kong maging bata. ang sarap maging bata. walang iniisip. walang pinoporblema. kung may aaway man sayo, may magulang ka na masusumbungan mo. ngayon ne MEDYO matanda na ako, narealize ko na ang sarap maging bata. sana ako na lang si Henry dun sa The Time traveller’s Wife. :(

    [Reply]

  16. jasonhamster Says:

    wawawawa

    magandang hapon

    patumbling muna d2 sa bahay bahayan mo taympers!

    HAHAHAHHAA

    teka pabili nga po ng toyo at suka.
    eto po bayad

    (hugot ng dahon ng mannga sa bulsa)

    sukli ko po?

    [Reply]

  17. bluguy Says:

    kami ng kapatid ko barko-barkohan….weird noh…eh wala namng dagat…kasi madalas na kama namin kami naglalaro…hehehhe…nagbablik na ako sa ere….at last! nice meetin u bro!

    [Reply]

  18. Vajarl Says:

    at’Ang agang naglandi’. Haha. Parang ako lang. Joklang. Hehe.

    Halos ganyan din ang experience ko nung bata ako. At kung sino sino pa nakakalaro ko dahil 8 years ang tanda sakin ng kapatid ko. Mga kalaro ko mga pinsan ko, mga hindi ko pinsan, mga pinsan kong nasa probinsya, at mga pinsan ko ulet. Minsan titsertitseran pa nga. Ang weird lang, ngayong matatanda (?) na kame saka kame hindi nakakapag usap. Actually karamihan sa kanila sa area lang namin nakatira, kapitbahay ang iba. Pero kahit nakakasalubong sa daan hanggang smile lang kame.

    What older people fail to teach us when we were younger are things that will be more important when we grow older. Like dealing with other people, with people who were with you all the time when you were younger and yet you seem to be strangers now that you are all grown ups. We get a lesson out of it anyways, relationships sacrificed. Or not.

    Ewww at Salagubang na pagkain. Haha. Mga lalake kong pinsan ganyan mga trip, quiet nalang ako. Hehe.

    [Reply]

  19. d1sc0mb0bul8zXyr0 Says:

    nice one

    lifetime lessons reflected from a child’s game.

    sana lahat ng tao, di lang mga bata

    nakakapagreflect ng ganyan para sana yung

    world today and tomorrow will be much much better

    than what it is now and yesterday.

    >taympers, keep up the good work!mensaheng pangkaibigan<

    :D

    [Reply]

  20. BeдьмoчкA Says:

    Обалдеть просто! Все, блин, об этом знают, кроме меня :)

    [Reply]

  21. Link Laboratory « i invented courage medicine Says:

    [...] Bahay bahayan | Taympers [...]

Leave a Reply