Karanasan ko sa bagyong Ondoy
Kelan lang nasalanta ang halos buong metro manila sa bagyong ondoy, ngayon eto na naman ang bagyong pepeng, kalunos-lunos ang inabot ng mga kababayan binaha nang halos lampas-tao maging ang mga kotseng parang laruan lang kung lumutang sa tubig. Nahabag ako.
Pero ayokong magpakaemo sa mga nangyari, mas gugustuhin kong isipin na makababangon din sila, o kami kasi tulad nila nabaha din ako. Ayokong ikuwento yong nangyari sa akin nung sabado pero kung pipilitin mo ako sige ikukwento ko sa ‘yo.
Alas nuebe ng umaga Sept 26 2009 nang mapansin kong malakas ang ulan, nasa opisina na ako nun. Nung una kasi di ko masyadong pinapansin besi kasi ako di ko pa nga alam na bagyo na pala, so yun tuloy tuloy lang ang trabaho, accept ng calls, encode ng transactions, merge ng mga transaction sa isang system, lagyan ng tag, accept ng local calls, asikasuhin ang costumer complains, at kumakain ng breakfast habang ginagawa ang lahat nang ito.
Nasa 21st floor ang opis namin, pero nung tumingin na ako sa bintana e halos parang may usok yun pala ay ulan na sobrang kapal kasama ng malalakas na hangin. Pero binalewala ko pa rin kasi alam kong safe ako, may pagkain e.
Nung binuksan ko ang facebook account dun na ako nagulat kasi andaming updates na kesyo baha na raw sa ganito, na kesyo kelangan na raw ng rescue, na kesyo mag-ingat daw sa baha, akala ko nga qowts lang yun pala seryoso na.
Dun na ako nagsimulang magpanic, kinontak ko ang dalawa kong malditang kapatid para tanungin kung okey lang sila ang kaso di ko sila makontak ayun mas lalo akong nagpanic.Tinawagan ko nanay ko, okey naman daw sila pero di ko pinaalam muna na malakas ang hangin at ulan baka kasi mag-alala.
Magaalas diyes na ata nun nang makatanggap ako ng text mula kay kengkay, ang sabi nya stranded daw sya sa pasig. Ayun nagpanic na naman ako ganun na ba kagrabe para maistranded nang dahil sa baha. Okey naman daw sya pero unti-onting tumataas ang tubig-baha. Panic mode ako.
Di ko maayos ang trabaho ko nun. May mga tumatawag na sa akin overseas kung ano na daw ang kalagayan ng metro manila, napapanood daw kasi nila sa tv. Wala akong maisagot kasi di ko pa alam kung doomsday na nga ba o ano. Nagstream ako sa gma 7 sa pamamagitan ng internet. Ayun dun ko nalaman na tumatahak ang bagyong ondoy pilipinas dawit ang metro manila. Panic mode ulit
Tinext ko na nun ang ilan sa mga prends ko, si otep, si jelo, si richard, si anne, si bernard, si kengkay, si jomar, si jayson, si marj, ang kaso sa lahat nang nabanggit dalawa lang sa kanila ang nagreply, di ko alam kung prend nga nila ako o pampadami lang sa punbok ng kanila telepono. Nagaalala kasi ako, di ko alam kung ano nang nangyayari sa kanila kung nag-eenjoy na ba sila sa baha o ano, kasi kung nag-eenjoy silang maligo sa baha panigurado maiinggit ako, sobra.
Tumawag ako sa landlord ko para kumustahin ang bahay na tinutuluyan ko, kampante ako nung una. Pero nung nalaman kong hanggang tuhod na pala ang tubig sa labas, mas nagpanic ulit ako. Umabot na raw ang tubig sa apartment kaya ang pinagawa ko ay sirain na lang ang kandado tapos itaas ang pwede pang mailigtas, nagawa naman nyang itaas ang pc, tv,dvd mga magazines at box ng mga damit ko, yong closet, ref, at kutson ko basang basa na.
Patuloy pa rin akong nakatutok sa tv thru inernet, hangang sa pinapalabas na sa tv yong sobrang kabahaan sa metro manila, landslide, ang taas ng tubig, mga kotseng lumulutang at lalo na ang mga taong nag-iiyakan. Dun na ako nagsimulang manlumo sa nakikita ko, andaming humihingi ng tulong.
Alas tres ng hapon, kinakabahan pa rin ako at mas lalong kinabahan kasi patapos na ang shift ko wala pa rin ang susunod n shift. Nung una talaga ayokong ma-extend kasi inaalala ko yong bahay ko. Kumusta naman yun parang hello bahay ko dito muna ako ha.
Habang nakatutok ako sa streaming e nakabukas din ang facebook ko para kumalap ng updates at magbigay ng updates. Nakachat ko si jasonhamster na basang basa na daw sya kasi sinugod nya ang ulan, at iba kong cyber prends din na unti-unting binabaha na raw sila pero bago daw sila lumikas e kelangan nya munang i-havest ang farm nya, adik di ba?
Hanggang sa nabasa ko ang updates ni kuya bernard na cancelled daw ang saranggola blog awards, nalungkot talaga ako, pero naisip ko para ito sa kapakanan ng mas nakararami.
Nung di dumating ang dapat sanay sumunod na shift sa aming dawnshift (ako, si ate nora, at ate vilma o di ba parang celebrity lang?) e napilitan kaming maextend. Pero bago pa man magsimula ang bagong shift e binalak na naming kumain.
Tinatawagan ko pa rin ang dalawa kong kapatid kasi nag-aalala ako sa kanila, sa ngayon di kasi nila kapiling ang aming ama’t ina. Wala pa ring sumasagot, mas lalo akong naasar nung marinig ko ang ringback tune ng kapatid kong yong kanta ni rihanna na umbrella, na parang may connivance sa nangyayari.
Nagpatuloy ang shift namin hangang nighshift, mula dawnshift (kami yun) hanggang midshift tapos naging nighshift na. Wala na akong lakas nang mga oras na yun, pagod na ang mata ko maging ang katawan ko. Pero kelangan kong ipagpatuloy ang trabaho ko di dahil sa kontratang pinirmahan ko kundi para sa serbisyong maibibigay ko.
At mula nighshift nagpatuloy pa yon hangang sa dawsshift, parang cycle lang. Walang ligo-ligo, walang tulog-tulog, di makapag-isip ng maayos dahil sa puyat, at di makakain kasi hanggang sa mga oras na yon inaalala ko pa rin ang dalawa kong malditang kapatid.
Nakauwi na ako ng bahay mga pasado alas kuwatro na ng hapon, at syempre siguradong baha ang dinaanan ko. Di ako agad nakatulog kasi mas inuna ko pang asikasuhin yong bahay kesa sa sarili ko, at syempre ang farmville ko.
Pero bago ko ipikit ang mata ko para matulog sumambit muna ako ng konting dasal, dasal na nagpapasalamat sa Kaniya. Nagpapasalamat at yun lang ang inabot ko.
Saka ko na ikukuwento ang mga kwento ko nung bata pa ako pag bumabaha.
PS: sya nga pala baka may konting panahon ka, maaari mong iboto ang blog na to dito http://www.philippineblogawards.com.ph/2009/10/01/vote-now-for-the-2009-bloggers-choice-special-award/ sundin mo lang ang instruction, masaya na ako.
Tags: bagyong ondoy, dawnshift, friendship, nominee philippine blog awards, philippine blog awards 2009, pinoy, votes

October 3rd, 2009 at 3:56 am
may magandang ibinigay sayo ang Ondoy kahit papaano…OT ka Mars..daming OT,hehehe
eh anong nangyari sa dalawang maldita mong mga sisterloo?
[Reply]
October 3rd, 2009 at 8:56 am
at!!!!!! sino yung maditang kapatid mo aber????
[Reply]
October 3rd, 2009 at 10:02 am
letse talaga si ondoy!naubusan ako ng brip. hehe.
congrats sa lahat ng finalist!sana manalo tayong lahat. apir!hehe
[Reply]
October 3rd, 2009 at 3:53 pm
aw may masaklap ka rin pa lang experience mhar.
buti na lang safe ka nakauwi at ang inuwian mong bahay ay bahay pa rin..
tama si ate pokwang, nasan pala mga maldita mong kapatid!
hehe
buti itong si Peping di SUper typhoon.
[Reply]
October 3rd, 2009 at 9:48 pm
kahit nasa zamboanga ako, dinali din ako ni ondoy mhar. iniwan pa ako ng souvenir…hehe
[Reply]
October 3rd, 2009 at 10:54 pm
uulitin ko na naman ang kwento ko.
sa totoo lang, wala akong kamalay malay na may bagyo. nagulat na lang ako.. grave yard shift kase ako ng mga panahon na yan.. as usual, natulog ako ng umaga at nagising ng tanghali.. ayun, nag internet pa ako pero ang kuya ko at ang mama ko pala ay nandun na sa labas at gumugawa ng paraan dahil binaha na ang mga boarders namin..
tumulong na rin ako.. pagpasok ko sa isang bahay, sinigawan nila ako.. akala siguro magnanakaw ako, pero hindi.. sumigaw sila dahil electrocuted na ang tubig baha sa loob ng bahay.. biruin mo yun, pero nakatapak na ako sa tubig. nakalubog na ang tuhod ko.. buti na lang yung kapitbahay namin, tinanggal na ang positive at negative wire.. ayun.. buhay pa ang akso.
ibang officemates ko nga hindi pa rin pumapasok.. nalaman ko rin na maraming namatay na bata dahil sa electrocution. hindi kase napatay ng meralco kaagad ang kuryente.
nagbrownout din sa amin.. hindi ko talaga alam na may ganyan ng mga malulubhangng pangyayari na nagaganap. nung nagka kuryente, dun ko lang nalaman ang nangyari sa pasig, marikina at sa ibang lugar.. okay pa pala dito sa area namin.. umapaw kase yung ilog malapit sa area namin kaya ayun..
a 100-year storm. minsan lang kada isandaan taon na bagyo.
[Reply]
October 3rd, 2009 at 11:16 pm
awts, dapat pala before June na established yung blog. awts.
[Reply]
October 4th, 2009 at 4:55 am
naboto na po kita… pakicheck na lang sa blog ko kung tama ang ginawa ko… lol…
title ng post ko kung san naroon ung vote ko… Tuloy Ang Laban ng Buhay!…
anumang bagyo at baha ang dumaan sa atin… tuloy lang ang laban…
[Reply]
October 4th, 2009 at 5:32 am
Nakakalungkot nga ang pangyayaring nagdaan.
Kay daming naapektuhan.
Mainam na rin siguro at tumigil ka sa pinagtrabahuan mo.
Dahil kung hindi baka na “stranded” ka din sa pag-uwi mo.
May OT ka pa
Ingat palagi.
[Reply]
October 4th, 2009 at 7:17 am
kakatuwa naman si ax. nabasa ko na yang kwento niya sa ibang blog, hehehe dinala din dito. ok talaga itong si ax ah! napapangiti niya ako ngayon.
[Reply]
October 4th, 2009 at 9:18 am
patumbling muna dito mhar!!!
WOOOOH!!!!!!!!!!!!!!
[Reply]
October 4th, 2009 at 1:42 pm
Buti nalang hindi kami nasalanta.
Congrats sa nomination! yay!
[Reply]
October 4th, 2009 at 4:21 pm
Malditang kapatid natawa aq dun.Hehe. Pero atliz concern ka. YeEheE! MakakaBang0n din ang lahat ng nasalanta. Lets puT God in the center of our lifE. And he will do the rest.
Btw adD my twitTEr toO if u have.. And fb. SeE yah!
[Reply]
October 4th, 2009 at 8:49 pm
kamusta ka naman dyan mar? ayos ba? hehe. salamat sa pagbisita sa blog ko! nagulat ako, ikaw pa yung unang nagbalita saking nominated yung blog ko sa pba. hehe
[Reply]
October 4th, 2009 at 9:15 pm
kasalanan ng ringback tune na Umbrella ang ulan na ‘to! LOL
[Reply]
October 10th, 2009 at 10:37 am
grabe nagduty ka ng tuloy tuloy?waaaa buti nakakasagot ka pa ng matino sa clients nyo haha
at napatawa mo naman ako kahit mejo sad un laman ng entry about ondoy,nice!I like your blog na!
[Reply]