’sinelas
Sinelas. Ganyan ko bigkasin ang tsinelas nung bata pa lang ako. Sa edad kong bente-uno na malapit na ring magbente dos marami na ring akong naging sinelas. Ang hinding hindi ko malilimutang sinelas ko nung bata ako ay ang ramboo, uso kasi yun. Paboritong kong kulay nun ay ang asul, kahit mabigat sya sa paa pero gustong gusto ko pa rin. Ginagawa kasi namin itong pambato sa larong tatsing-sinelas o kaya’y sa tumbang preso. Minsan gamit din namin sa pakikipagsapakan.
Nagkaroon din ako ng spartan, ordinaryong sinelas, tommy hilfiger na peke, beach walk, islander, havaianas, pekeng havaianas, banana peel, havana, at marami pang iba pero mas komportable talaga ang paa ko sa mumurahing sinelas o yong ordinaryong sinelas lang. My foot is created for cheap slippers pero mas naniniwala ako sa kasabihang its easier to put slippers than to carpet the whole world.
Sinelas. Isa sa mga bagay na kinatatakutan ko nung bata pa ako, ito kasi ang naging saksi sa mga parusang inabot ko, parusang nagpaiyak sa akin nang lubos at higit sa lahat ito ang gamit ni nanay pampalo sa pwet kong matambok.
Sa tuwing papaluin ako ni nanay nun ay tinatago ko ang sinelas kong ramboo at spartan kung alam mo lang kung ganu kasakit gawing pamalo ito sa pwet. Mabigat at makapal ang dalawang sinelas na nabanggit kasing kapal at kasing tigas ng kalyo ni nanay. Hayblad si nanay pag nagagalit, kaya pag namalo parang tigreng may almuranas lang, nagha-hyperventilate e masyado. Nakatatakot.
Isang uri ng pagdidisiplina sa aming magkakapatid nun ay ang paluin ng sinelas, madalas akong mapalo kasi pasaway ako.Naalala ko, grade 1 ata ako nun nang sinabuyan ko ng tubig sa mukha yong kapatid kong sumunod sa akin na ubod ng kamalditahan sa mundo, di ko na maalala kung bakit pero iyak sya ng iyak nun, nataranta ako, tinakpan ko ang bibig nya kasama ilong nya yun pala di na sya nakakahinga. Sinumbong nya ako sa nanay ko na mega-cry to the highest unbearable level as in ngawa.
Pinalo ako nun nang sobra sobra, muntikan na akong maglayas at pumunta sa school namin para magtago, kaso madilim na nun baka hanapin ako. Nagalit sa ginawa ko si nanay, sabi nya pag uulitin ko pa raw yon latigo na ang aabutin ko. Lupet no?
Mula nun binawas bawasan ko na ang kapilyuhan ko, naging maingat na ako kasi alam ko na pag may kapalpakan ako sinelas ang aabutin ko. Hindi mawawala sa bahay namin nun ang isang pirasong sinelas, laging nasa itaas ‘yon ng aparador namin katabi ng sinturon ni tatay. Kung may isang bagay na gusto kong itapon nun yon ay ang sinelas sa itaas ng aparador namin.
Walang favoritism sa amin, pag pumalpak yong malditang kapatid kong sumunod sa akin ay pinapalo din. Siguro ang alam nya masaya akong pinapalo sya habang ako nasa isang sulok na nakatingin sa kanya, mali sya kasi sa bawat palo ni nanay may isang butil ng luha sa sulok ng aking mata. Pero kelangang gawin yon ni nanay, rule yon ng aming bahay.
Disciplinarian si nanay, subalit nung maliit pa lang ako sinabi nya sa akin na mamamalo daw sya kasi mahal nya kaming mga anak nya, di ko pa naiintindihan nun kung bakit. Ang tanging alam ko masakit ang palo. Meron pa nga, pagkatapos nya akong paluin pumupunta sya sa kwarto, naririnig ko ang hikbi nya na alam kong umiiyak din sya, nung mga oras na yon di ko lang alam kung bakit pero mas nagi-guilty lang ako.
Sinelas din ang naging kakampi ko nang minsan habulin ako ng aso, syurbol kong tinamaan sa ulo para matakot pero nagkamali ako mas lalong nagalit ang bagong panganak na aso ng aming kapitbahay, tumakbo ako at hinabol na muntikan pang mahulog ang short ko, sya nga pala ang sinelas ding yon ang ginamit sa pagpalo sa akin dahil kakulitan ko.
Malaki ang naging role ng sinelas sa paghubog ng isang Mar Castillo ngayon, may mga bagay na bumuo sa isipan ko na nagbibigay ng signal kung tama ba ito o mali, siguro wais lang talaga si nanay kasi mas pinaniniwalaan nya ang operant conditioning ni B.F Skinner kung saan nakapaloob ang pagbibigay ng parusa (punishment) para maiwasang maulit ang isang bagay na di tama.
Sa totoo lang malaki ang utang na loob ko sa sinelas na ginamit pampalo sa akin, nagkaroon kasi sa puso ko ang takot na gumawa ng di tama sa kapwa, sa lipunang ginagalawan ko at mali sa mata ng kinikilalang kong Diyos. Nagkaroon ako ng limitasyon sa sarili ko.
Ngayon malayo na sa akin si nanay at tatay, isang bagay lang ang namimiss ko habang tumatanda ako, ang sinelas na humubog sa aking pagkatao.
Thanks to: google image for the picture.
Tags: batang makulit, beachwalk, google image, havaianas, kapatid kong maldita, mar castillo, nanay kong haybald, ramboo, spartan, tsinelas

October 8th, 2009 at 8:29 am
naks. mhar..ayos to ah. napaemo pa ako habang binabasa.
galing ng pagbibigay buhay mo sa tsinelas ah. parang bestpren. hehe
alam mo ang tsinelas, madaming naging papel ito sa buhay bata. minsan ito ang ginagamit na pangdesiplina, minsan gamit natin sa paglalaro ng paway, tumbang preso at kung anu ano pa–pamato. isama na natin ang SAYONASE.
[Reply]
admin Reply:
October 13th, 2009 at 10:36 am
salamat eli.
tama ka , madaming nagiging papel ang sinelas, minsan pamalo sa ipis din ‘to. hahaha…ano yong sayonase?
[Reply]
taympers Reply:
October 13th, 2009 at 1:40 pm
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:21 pm
hindi ito emo, subtle lang ang humor kaya napagkakamalang emo, ehehe..
salamat kuya eli. teka ano yong sayonase? laro ba yon?
[Reply]
October 8th, 2009 at 10:18 am
base pala!
sana sa akin ka nalang kumuha ng picture ng sinelas. hehe
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:22 pm
meron ka ba? next time na lang, umm sinturon naman. ahaha
[Reply]
October 8th, 2009 at 11:49 am
oi bronze medal!
parang bumabalik ako sa paborito kong psych1 subject pag nakikita ko ung sina skinner etc. LOL
agree ako sa paghubog ng pagkatao mo gamit ang tsinelas. Pero mahuhubog ka, kung sa kaloob looban mo ay tatanggapin mong mali talaga ang nagawa mo at you deserved the spanking. May mga bata kasi ngayon na masama agad ang loob pag nabuntal ng magulang eh..
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:28 pm
peborit mo din pala ang psyc1, ako nalimutan ko na. hehe.
yep. i agree on that.dapat ang mga kabataan ngayon ay marunong tumanggap ng pagkakamali.
salamat sa dalaw. (hospital???)
[Reply]
October 8th, 2009 at 3:58 pm
mabuti, naiexplain sa inyo ng nanay nyo kung bakit ginagawa ang pagpalo.
sa natatandaan ko, isang beses lang ako napalo ng nanay ko. sabay sabay pa kaming 3 magkakapatid non.
sobra iyak ko hindi dahil nasaktan ko kungdi dahil hindi umiiyak ang dalawa kong kapatid na lalaki. kinuha ko lahat ng sakit nila. haha.
Si Skinner. waha. baka mapasobra ang sasabihin ko ‘pag nagsimula ako. Medyo may personal kasi kaming alitan nyan eh. hehe. Ano ang tunay na pangalan ni Skinner? haha.
Search mo si Murray Bowen. Maganda ang theory nya regarding sa family. hehe.
Anyway, maganda ang metaphorical entry na to. kahit sumakit ang nanlalabo kong mata. hehe.
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:30 pm
o ayan di na ako supplado sa blog, marunong na akong magrepply ng comments. hahaha….
bakit isang beses ka lang napalo? its ampir! hahaha.
i havent searched murray yet, will loook for it though.thanks
thanks.thanks.
[Reply]
October 9th, 2009 at 3:25 am
lika dito at ako ang magbibigay sayo ng namimiss mo..ahahaha
mahilig din ako sa sanilat..komportable kasi sa paa..kahit na madaling maalikabukan ang paa pag naka tsinelas eh wala akong pakialam..presko eh!
[Reply]
admin Reply:
October 13th, 2009 at 10:38 am
hahaha… ayokong paluin mo no. masakit ka mamalo.
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:32 pm
ayoko nga! ambad mo ate!hahaha
teka may alikabook pa rin ba dyan sa italya?
[Reply]
October 10th, 2009 at 1:45 am
hah! ito pala ang bahay mo… asahan mo, mang gugulo ako dito lagi hahahaha…..
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:33 pm
in what way? lol
[Reply]
October 10th, 2009 at 8:06 am
ISTEPIN!!!
NYAHAHAHA!
Add mo ko sa facebook. di kita mahanap eh. elop_pole@yahoo.com.
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:33 pm
done.
[Reply]
October 10th, 2009 at 8:07 am
inadd na rin kita sa link ko. WOSSHHHOOO!
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:35 pm
thanks.
[Reply]
October 10th, 2009 at 8:44 am
Pabisita ako. Ang ganda ng istorya ni kaibigang sinelas…pang sports na…pamalo pa..hehe. Hinubog din ako ng sinelas ni Nanay at sinturon ni Tatay habang nagiging pasaway. Mission accomplish ang aming magulang sa aming apat na magkakapatid na lalaki.
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:38 pm
salamat po sa bisita.
job well done foor your nanay and tatay.
[Reply]
October 10th, 2009 at 10:28 am
finally narating ko din ang blog mo after blogs that i visit endorsing u for their votes,i got curious,so here i am hehe.
ako din madalas mapalo ng nanay ko,minsan tatay ko pag nahuhuli may paper dolls ako imbes na bola!LOLLLLLLLLL
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:39 pm
natawa naman ako sa paperdolls. ahahaha
salamat sa pagbisita.
[Reply]
October 11th, 2009 at 1:25 am
hi taympers! try ko nga ulet kung papasok na tong comment ko. matagal na ko dumadaan dito pero sa anti-spam page ako napupunta. parang yung IP address ko raw e restricted or something.
try lang, baka gumana na.
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:40 pm
o ayan gumana na di ba? galing no? ahahaha..
idol salamat sa bisita.
[Reply]
October 11th, 2009 at 1:37 am
ngak, gumana na! *kamot ulo*
anyway *kaway kaway* nakakarelate ako kasi sinelas din ang sandata ng nanay ko nung bata ako. ang tatay ko naman yung sinturon (minsan lang pero may impact!) pero hanggang ngayon di ako kumbinsido sa ganong pamamaraan ng disiplina. pwede namang positive reinforcement… wehehehe! as if!
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:41 pm
di ako masyadong kumbinsido sa positive reinforcement na yan.
[Reply]
October 11th, 2009 at 1:51 am
teka taympers lang.
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:43 pm
ok go.
[Reply]
October 11th, 2009 at 6:08 am
sinelas daw……
hahaha. ganyan din ako magbigkas ng tsinelas noon…
at ramboo din ang favorite ko noon pang tumbang preso.
ngayon islander na.
reply: di ba uso nun ang ramboo, kasi pamato sya sa tatsing-sinelas. haha.. thanks sa dalaw mo -taympers
[Reply]
October 13th, 2009 at 10:59 am
hmmmm kami tsinelas at sinturon pang disiplina samen nng bata.
na teary eyed naman ako nung mabasa kong umiiyak si nanay mo sa kwarto nya pagkatapos kayong paluin..
samin naman pagkatapos ng paluan session, hindi matatapos ang araw na lalapitan kami ni daddy para sabihan kami ng mahinahon at mauuwi sa yakap at kiss.
[Reply]
October 13th, 2009 at 7:37 pm
oist…. sama ako pag nagpakulot ka ng pilik mata…
oo magpapakulot ka ng pilik mata dahil naka boots ako pag namamalengke ahahahahahaha
[Reply]
October 14th, 2009 at 5:35 am
Ang galing naman ng sinelas niyo. Di lang pang sports pampalo pa hehe.
—
To Otep ang Mhar
Pasensiya na mga parekoi at di na ako nakaboto. Sana wag niyong ipagtampo. Naguluhan kasi ako kung sino ang iboboto ko. Kaya ang nangyari wala akong naiboto. Pasensiya na ulit.
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:53 pm
ok lang, wag kang mag-alala.
salamat sa bisita.
[Reply]
October 14th, 2009 at 8:37 am
Mang Kulas! Ang aking tsinelas!
[Reply]
October 14th, 2009 at 8:48 am
Bwisit ang mga plugins mo
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:20 pm
nagulat ako, after ng 12 hours kong di maglog-in dito okey na pala ang site ko, yehey ang saya ko. salamat bossing fonse! bwisit ba mga plug-ins ko? sige next time filtered na bago ko iupload sa ftp hehehe. thanks ulit.
[Reply]
October 14th, 2009 at 1:26 pm
Interesting and informative. But will you write about this one more?
[Reply]
admin Reply:
October 14th, 2009 at 8:44 pm
will find out.thanks.
[Reply]
November 5th, 2009 at 10:22 am
haha.. very heartwarming naman nyn, umiyak din si mudra hehe,
totoo man yun eh, di gztong sktan tayo ng mga mudra natin, gzto lng nila tayung paluin yun nga lang nasa2ktan tyo hehe peo sa totoo, mas gugustuhin ko ng mapalo ng mapalo ng SINELAS at sandok at sinturon at hanger at batuhin ng bote ng dede NG pamangkin ko, pati na din ng walis tambo at walis tinting o dos por dos (sige sali na natin, zubrang skt nyan ha!) kesa namn dedma ka lng ng mudra mo khit nu png katarantduhan gawin mu sa lyf, peang walang paki? db db db? haha
PAGPALO: its their genuine way of teaching their children kea i believe na pag pinalo ka ng mudra mu love na love ka nya kea i know love na love ako ng mudra ko twing binibato nya skin yung bote ng dede ng pamangkin ko (magaling naman akong umiwas eh haha, kxo one tym sapul ako sa noo huhu skt nun ha! binukol ako haha, peo afterwrds nilgyan ng yelo ni mudra, touch naman ako dun haha)
kea to all: feel proud! pinapalo keo! hehe
NMIZ KO TO! HEHE
[Reply]