Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 67

maldita kong sister

DSC00729

Isang taon lang ang agwat ng aking sumunod na kapatid sa akin, kaya isa rin sya sa mga partner in crime ko pagdating sa kalokohan nung bata pa kami.Yaman nga lamang at mas maldita at mas maitim ang ugali nya kesa sa akin, saksakan  kasi yun ng kamalditahan at kasungitan sa mundo.

Nung bata kami, apat na taon ata ako nun at sya naman ay nasa tatlong taong gulang…pag iniiwan kami ng nanay namin upang mamalengke e tinatakasan kami mahilig daw kasi kaming magtuturo kaya madalas kaming maiwan sa lolo o kaya sa tita namin.May ugali yong kapatid kong yun na pag iniwan nang hindi nagpapaalam si nanay ay ngumangawa  at umiiyak ng ubod nang lakas, tapos hihiga sa kung saan nya gugustuhin sabay maktol  at iyak na parang kinakatay na baboy ,spoiled brat ang gaga.Tapos ang masama pa may sakit yun pag sobrang iyak na e hindi na nakakahinga, syempre bilang mas nakatatandang   kapatid nya pag ganung drama na ang binitiwan nya natataranta ako,tumatakbo ako sa kabilang bahay para ipaalam kay tita na ganun nga ang nangyayari sa kanya, sakto  namang pag dating ng aking tita sa bahay ay tapos na syang umiyak minsan na naglalaro pa, o di ba nuknukan ng kamalditahan.

Meron pa nun iniwan kami sandali ng nanay namin para bumili lang daw ng ulam sa kapitbahay namin, e may lagnat sya, ayun sinumpong ng deliryo kung anu-ano ang nakikita na kesyo daw may matandang babae sa tabi ko na may kasamang batang lalaki na parang nagmamakaawa daw na parang humihingi ng gamot.Tinanong ko bakit gamot ang kelangan hindi pagkain sagot ng magaling kong kapatid kasi daw may sugat sa ulo  yong bata.Sino bang hindi matatakot sa pinagsasabi nya, di ko alam kung nangtitrip o   talagang nasobrahan lang ng gamot sa ubo.Buti na lang dumating si nanay agad.

Pag maglalaro kami nun nung bata kami,lalo na yong peborit nyang bahaybahayan.Pag gusto ko nang umayaw uunahan nya ako sa nanay namin para magsumbong na kesyo  daw di  ko sya inaalagaan, na kesyo daw di ko sya kalaro,mga ganung drama ba, e hellooo naman halos kalahating araw  na  kaming naglalaro ng bahaybahayan at ang palaging papel ko sa buhay nya ay driver kung hindi driver kapitbahay na nagtitinda.

Uso nun ang bangs sa mga batang babae, kung naabutan mo yong panahong yon e  hanganga hanga ka rin siguro sa bangs ni Camille Prats sa Sarah Ang Munting Princesa.Yong kapatid ko kasi idol na idol si Camille nung bata, ultimo bangs ginagaya. Natutuwa lang kasi ako sa bangs ng kapatid ko, OC ang drama nya pag ginugupitan sya gusto pantay na pantay, kung kelangan  daw ng ruler para lang maging  pantay e gamitan daw kaya ayun tumatambling ang matres ng pobreng baklang naggugupit sa kanya.

Pag bagong gising yun nung bata kami dapat nakahanda na yong gatas nya sa lamesa,   ayaw na ayaw nya yong gatas na mainit yong tipong hihipan pa nya. Asarna asar sya dun.  At kung  matulog yun kelangan may dalawang unan sa magkabilang side nya feeling  daw nya kasi sya si snow white, tinanong ko minsan baka si sleeping beauty, sinagot lang  ako ng bakit si snoow white ba walang karapatang matutulog? Impaktita talaga malay ko bang  peborit nya si snow white kesa kay sleeping beauty.

Minsan nakitulog yun sa bahay ng ante  ko, iniistoryahan daw ang magaling kong kapatid  tungkol sa kwento ni rapunzel.Nasanay kasi kaming kunukwentuhan ni nanay nang kung anu-ano bago matulog–kulang  na lang  tsismis pero bad daw yun. Nung sumonod na  gabi na kahit ilang beses ko nang narinig yong kwento ni pagong at matsing e pinakukuwento ko pa rin sa nanay ko makatulog lang ako,ang kaso gusto ng  impaktita  kong  kapatid yong  kwento ni rapunzel.Eh  saktong di alam ng nanay ko pero  pinipilit   pa rin sya ng kapatid ko hangang sa naasar ang dragon at namalo ng dalawang bata na sanay tulog na nang mga oras na yon.Maarte kasi masyado ayon pati ako damay  sa palo.

DSC00397

Pero kahit ubod yun ng kamalditahan at kasungitan mahal na mahal ko yong  kapatid kong yun, kahit na minsan naranasan ko kung panu injeksyunan ng kuko sa mukha at masabunutan sa buhol gamit ang tyani. Napakadakila nya di ba?

Ngayon dalaga na sya, ibang-iba na rin ang ugali nya kesa nung bata pa sya.May sarili na syang pananaw sa buhay, sa mundo at sa lipunang ginagalawan  nya.Hindi na sya yong  dating childish at childlike kung mag-isip.Matured na rin sya pagdating sa bawat  desisyong kinakaharap nya.Sa ngayon malayo sya sa akin kasama ang bunso naming kapatid. Ako namumuhay nang mag-isa upang  suportahan sila at tulungan.

Sya nga pala ang  picture na  inyong  nakikita ay hindi picture ng kapatid  ko hiniram ko  lang yan kay utakmunggo dahil pag nakikita  ko ang picture ni bru ganyang ganyan ang hitsura ng kapatid konoon. Hindi pa kasi masyadong uso ang letrato nun kaya pagtiisan  nyo na lang muna. O sya  hangang dito na lang muna basahin  ko lang ang text  nya.

KUYA MUSTA KA JAN? INGAT K N LNG LAGI. LAST  TXT Q NA  2 PALOADAN  MO NGA ME KAHIT ALL-TXT20 LNG MUNA. W8 Q  HA. TNX

aknawlejment: salamat sa pictures ate mungs. salamat  sa redhorse  beer kaya ko nabuo ang  entry na ito. at sa  baygon katol na  hinithit ko.

Tags: , , , , , , ,

24 Responses to “maldita kong sister”

  1. p0kw4ng Says:

    ahahahaha alam mo bang ang ikokoment ko sana eh karbon kopi ng anak ni bakla(UM) ang sis mo…ahahaha

    ang kulit ni bru talaga! at naiimagine ko yung bahay bahayan nong mga bata pa..slave ka pala nya,hihihi!

    [Reply]

    taympers Reply:

    ahaha.. oo nga makulit daw talaga si bru kasingkulit din siguro ng kapatid ko.hehe…

    oo.slave ako.haha

    [Reply]

  2. lababo Says:

    hawsweeeet! haha
    pards ganyan din ako sa kapatid ko.
    one time ibinuhol ko ang kamay at paa nya sa kama nya gamit yung manipis na kumot. Pero bago sya magising, tinganggal ko rin naman.
    Sobrang asar eh. Pero ngayong malalaki na kami (19 sya at 22 ako) eh okay na kami, ang tampuhan lang namin eh tahimik, pero hindi na ganun kadalas. mas okay na ngayon. (pwera lang yung panghihingi nya ng pera palagi hahaha)

    [Reply]

    taympers Reply:

    ah masarap gumanti pero nakakakonsensya minsan di ba? Mabuti naman at ganun na ang inyong turingan. kami din ganun na, minsan nagkakahiyaan pa.salamat sa bisita.

    [Reply]

  3. livingstain Says:

    im here im here, kita mo nabuksan ko na… bakit, ewan nagulat din ako e…

    nice post, hindi nakakaumay… tumataas din ba ang kilay nyan kapag naiinis na… lika isama naten sa okrayan… hahahahaha

    taymperz paload naman kahit alltxt20 lang… W8 ko ha, tnx!

    [Reply]

    taympers Reply:

    wow nakapasok ka rin sa wakas. hehehe…tuloy tuloy mo lang yan.. hehehe..

    salamat pala sa paglagay mo sa akin sa blog mo. hehehe… sensya na di ko alam ang tawag dun.

    [Reply]

  4. precious Says:

    haha! na open ko xa!

    whoohoooo!

    ayos tlg ng posts! hang kulet!
    tok one hundred ng uso, taympers! haha

    ang kulet n bata! CUTE! :lol:

    [Reply]

    taympers Reply:

    thanks precious, oh ayan naopen mo na. pero advisable ang mozilla sa blog ko o kaya ay chrome.hehehe…

    [Reply]

  5. bipolarsisa Says:

    ay lintik. hindi ba ikaw ang kuya ko? kung susulat sya ng blog, malamang ganyan din ang nakalagay.

    isang taon lang din ang tanda nya sakin. hindi ko lang sure kung impakta ang tingin nya sakin.

    we’re best of friends, actually.

    at madalas din syang makatanggap ng ganyang text sakin, ‘Kuya, paload naman.’ katuwa talaga.

    [Reply]

    taympers Reply:

    hindi ako ang kuya mo, isa dahil di tayo magkamukha, pangalawa mas pasaway ka, pangatlo all of the above. hahahaha….

    thanks sa pagdalawa biporsisa. :)

    [Reply]

  6. otep Says:

    asus miss mo na sis mo no?

    sana may picture s’ya ngayon :)

    [Reply]

    taympers Reply:

    yeah miss ko na sila. hehehe… yong maldita at reyna ng katamaran. hehehe

    [Reply]

  7. Yj Says:

    ha pasalamat siya ikaw ang naging kapatid niya, dahil pag ako…

    hindi yan uubra sa kamalditahan ko… bwahahahahaha

    [Reply]

  8. taympers Says:

    hello YJ, ganu ka ba kamaldita? hehe…

    [Reply]

  9. sows Says:

    aba, ang kapatid na maldita…hamo na kuya, cute nmn eh!

    miss mo lng cguro ano?

    [Reply]

    taympers Reply:

    hi sows, namimisturyahan ako sa ‘yo. anyway, yeah right miss ko na sila.

    [Reply]

  10. fjordz Says:

    hahaha! iba talaga pag may kapatid kang babae.. usually kasi sila talaga yung mga brat nung bata at super spoiled! ayan tuloy namimiss mo yung kamalditahan niya ngayong malalaki na kayo..

    [Reply]

    taympers Reply:

    yeah mga babae usually ang mga brat at spoiled. kaya nga siguro babae ang character ni angelina and yaya. hehe

    [Reply]

  11. bluguy Says:

    ako may sister di kagaya nya palibhasa bunso….ay salamat at nakapasok din ako sa lungga mo sa wakas….di ko alam kung ano ang naging problema dati….ang saya ko!

    [Reply]

    taympers Reply:

    wew. kala ko bluguy di ka na bibisita dito, hehe. yon pala di ka lang makapasok sa sayt ko sana inadvise mo ako para magawan ko ng paraan. pero thanks pa rin.

    [Reply]

  12. eli Says:

    hoy mhar, tigilan mo na ang paghitit ng baygon. hehe

    [Reply]

    taympers Reply:

    hehe… adik ako sa katol kua eli. hahaha

    [Reply]

  13. utakmunggo Says:

    alam mo karamihan sa kakilala kong lalake na may kapatid na babae eh kontrapelo sila. laging nagaaway.

    swerte ng sis mo may kuya siyang mahal na mahal siya.

    [Reply]

  14. taya Says:

    hahaha naku buti pa xenyo normal, e saming magkaptd blgtad eh!!

    mas maldita pa ung kapatid kong lalaki!!!wahaha pag bahay bahyan gzto nya xa nanay wahaha lov u kptd!! punta k na din dito!! saya!! hehe :)

    [Reply]

Leave a Reply