Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 67

Adapted: SIGNS NA MAGKA-GENERATION TAYO

SIGNS NA MAGKA-GENERATION TAYO
FEB 21, ‘09 2:11 AM
FOR EVERYONE
(Hango sa isang text message na galing kay Nato. Natuwa kasi ako kasi tinamaan ako.) Dinagdagan ko na rin at magdagdag ka na rin kung may maisip ka pa.

Kailan ka pinanganak? Kung mga late ’80s or early ’90s, magka-generation tayo. Pero mas magandang indication, kapag alam mo ang mga tungkol dito…

1. Kilala mo si Masked Rider Black, Shaider, at Ultraman. Si Bioman pa!

Alam mo pa ba kung paano sila nagta-transform? Dito ko rin ata nakita yung nakikipag-usap gamit ang relo. Haha. Yung kapatid ko noon, nagpapanggap na Masked Rider. Kumuha ng bra sa aparador tapos itinali niya sa mata niya!!! (Kasi di ba mukhang bubuyog si Masked Rider…) HAHAHA at naging Masked Rider BRA na siya.

2. Nangarap kang maging isang Power Ranger.

Dati ako gusto kong maging si Yellow Ranger kasi lahat ng ibang kalaro ko gustong maging Pink Ranger. Pati mga lalaki. HAHA Yung Power Rangers version nga pala na napanood mo, magshota si Red at Pink Ranger na echos pa kay White Ranger eventually. TAMA? Ang pangalan ni Pink Ranger ayKimberly. Si White Ranger si Tommy. Hahaha…

3. At one point of your life, nagperform ka or nakap aanood ka sa isang school program ng mga taong sumasayaw sa tugtog ng Backstreet Boys, N’Sync, at Britney Spears.
Ako may albums ako ng Backstreet Boys at ang favorite ko noon ay si Nick Carter. Ang first CD na binili ko ay ang CD ni Aaron Carter. Before that, cassette tapes pa lang ang gamit ko.

4. Kumakain ka (at alam mo kung ano ang) Humpy Dumpy at Tomi.

Ah, medyo hindi totoo ata sa lahat to. Pero kabilang ako dito. Kung matatandaan ninyo, nauso rin nun yung mga “tablet candy”. Mighty Mouse… Ring a bell?

5. Nakapaglaro ka ng 10-20 (Chinese Garter) at Langit-Lupa.

Pero sa tingin ko matanda na ‘yung Langit-Lupa e. Ang sa tin gin kong nagsimula talaga sa generation natin, yung larong Double Cell. Di ba? Haha. Yung isang version niyan, ang tawagCharge. Yung Tex at Pog di ko alam kung kailan nag-simula e. Baka sa ’80s-’90s din. Sabi ng Nanay ko ang laruan daw nila na Pog-like ang rules e goma pa. RUBBER BANDS daw talaga. Kung kinokolekta mo ang Tex(t?), dati dawsila goma.

Kung sa mga larong pa-girl, alam mo siguro yung M.A.S.H. at F.L.A.M.E.S. na ginawa pa ni Jolina sa movie na guess what… FLAMES! Siyempre. Haha.

6. Alam mo ang universal school song na “Uwian Na”.

Kasama ‘to dun sa message pero di ko lang sure kung di pa naimbento yung song na ‘yun before our generation. Pero ang saya, naging nostalgic ang dating sa akin niyan. Kasi kinakanta namin dati ‘yan.

Uwian na, uwian na!

Or the more formal…

Paalam na sa inyo
Paalam na sa inyo
Bukas babalik
Bukas babalik!

Hahaha. Nakakamiss ang kabataan.

7. Nagsayaw ka ng/ Alam mo ang Macarena at Mr. Boombastic.Ako alam ko yung steps ng Macarena. Ewan ko sa ‘yo, kung idedeny mo. Haha.

8. Nagsimula kang maglaro ng Tamagotchi. Kung minalas ka pa, na-confiscate ang Tamagotchi mo.Ako I never owned a Tamagotchi pero natatandaan ko ang craze na ‘yun nung elementary. Di ako naglaro nun kasi nung Grade 4 ako, nagkaroon kami ng Game Boy Color sa bahay at nauso na rin ang paglalaro ng Pokemon. Natatandaan ko nung nag-summer camp ako nung grade 5, tinawag pa kami ni Dardsie na mukhang Pokemon kasi kapag di kami kumakanta at nag-aaral ng piyesa, naglalaro kami ng Pokemon sa Game Boy. Kakosa ko ‘yung si Dardsie nun e kasi di kami girly, naglalaro kami ng Pokemon. Pati Pokemon cards naglalaro kami! Hahaha

9. Alam mo ang ibig sabihin ng “time first” na kahit alam mong may “time out”, taympers ka pa rin ng taympers.Di ko rin alam kung sa era natin nagsimula ang taympers. Pero ang sureako, hanggang ngayon, ginagamit pa ‘yan ng mga taga-elementary. Kasi tinanong ko yung elementary ko na kapatid, alam niya pa ‘to. Marami rin sa list na ‘to alam niya pero marami na talagang hindi.

10. Alam mo na importante ang “Period. No erase!”

Haha, nakakamiss ‘to. Alam mo rin siguro ang gamit ng sagot na “Sa kabaligtaran!” kapag tinutukso ka ng kaklase mo or ikaw mismo ang nanunukso.Ilalaban kong sa generation natin nagsimula ang “WEH?” at “WEH!” (Yes, magkaiba ‘yun. Hahaha) at kahit sa Clueless nagsimula ang “Whatever!” e sa atin talaga nagsimula yung actions ng W, dinagdagan pa ng M at L for “major loser”. Dinagdagan pa ng “as if you were cool!”.

11. Kahit bata ka nagsasabi ka ng “X-Pak” (with matching actions) na nagsimula sa “Suck It!” (with matching actions).

Grabe, kapag iniisip ko, ang sama pala nung mga panahon na ‘yun. Ginagawa ng mga tao ‘yun kahit sa high school pa nila malalaman na nakakahiya pala ang pinagsasasabi nila. Hahaha. Eto ‘yung malupit. Si Christel Mendoza, tumatayo pa sa taas ng mesa para gawin yung gestures niyan. Pati si Myka. AYAN BUKINGAN NAAAAA!!!

12. At ang favorite ko sa lahat… “VIRUS!!!” Haha the best talaga to hahaaa… Sa mga panahon na ‘yun, usually, ayaw pa madikit ng boys sa girls at ng girls sa boys. Sa US, ang belief ng girls, may cooties ang boys (kuto). Dito, kapag nadikit ka, may virus ka! HAHAHA

At puwedeng ipasa ang virus para mawala sa ‘yo! Pero ang panlaban diyan ay ang immunity sign na “PEACE!” Haha nakakatuwa kasi kaya mong labanan ang virus sa pamamagitan ng Peace sign.Ganun din ang panlaban sa “PENDONG, PEACE KALBO!” at “PENDONG, KOTSENG KUBA!” Haha. Nakakatawa noon kasi ang sasakyan namin ay kotseng kuba. Naka-old school Beetle kami kapag ihinahatid ako sa school at for some freaking reason pinapinturahan pa ng Tatay ko ng metallic dark green yung kotse, pinangatawanan pang pagong siya. Red dati ‘yun e. Nung ibinenta ng Tatay ko ‘yun, P8,000 lang niya ibinenta. HAHA. Di naalagaan e. Di rin naman yung Tatay ko ang unang may-ari nun.

Ano napaisip-isip ka? Nakakatuwa kaya. Hahaha. Ibig sabihin kapag naka-relate ka, matanda ka na!!! Haha.

You know what, sa tingin ko mga ka-generation ko rin ang nagkaroon ng Harry Potter Childhood. Di ba? Haha. It’s part of your childhood kung ka-generation kita. Pero di kasi lahat nagbabasa nun e. Ayos lang, isipin mo na lang, magka-age kami ni Daniel Radcliffe at lumabas ang first movie, nakatapos na ako hanggang book 3 ata kung di ako nagkakamali. Lahat ng Harry Potter merchandise na makita ko na abot sa pera ko binibili ko noon. KABISADO ko pa yung mga lines sa first movie!!! Hahaha. Dati kaya kong sabayan yung sinasabi nila. Anyway. Wala lang.

Sana na-enjoy mo yung listahan. HAHA
http://kepiko.multiply.com/journal/item/227/Signs_na_Magka-Generation_Tayo,

Tags:

38 Responses to “Adapted: SIGNS NA MAGKA-GENERATION TAYO”

  1. rio Says:

    matanda lang siguro ako sau ng kaunti…medyo bago na kasi sa henerasyon namin sina britney at nsync e..

    kung kau ay may power rangers..kami naman ay may captain planet..hehe=D

    [Reply]

    taympers Reply:

    syempre naabutan ko din naman ang nsync at si britney spears, wholesome pa nun si britney. captain planet? naabutam ko din yan.hahaha

    [Reply]

  2. precious Says:

    1. masked rider bra? loko ka! haha..naalala ko ung may mga hand gestures ek ek cla bgo mag transform. nalala ko rin na ngpabili ako ng relong plastik sa tindahan (ung chiz curls na my lamang toys) tapos tatawag din s mga kasama.. LOL
    2. YUP! Power Ranger! Pink din ang gus2 ko! At Kim kung tawagin ako ng mga kalaro ko nuon..haha..
    3. putek, ako bang nag text sau, Mhar? hehe..relate ako ah! dame ko ring CD ng BSB..at ex ko c Nick Carter..
    4. hanggang ngayon! ang pagkakaiba ngaun, nagawa ako ng mayo-onion dip! haha..

    tablet candy? hmm..jan hnd ko matandaan..hanggang Haw-haw milk candy lng ako eh!
    5. Ako! ako! sungka at jackstone pa! :lol:

    Pog! dati pagandahan pa ang Mcdo at Jollibee dun! kumpleto ako dun!
    tska ghostfighter texts!
    FLAMES! at dinibdib ko ung M na guy na lumabas dun!
    6. Uwian n? ah hnd ko yan alm.. :lol:
    7. may tape kami non! haha!
    8. isa akong kapus-palad na wlng tamagochi! waaaa…Gameboy? nakikilaro lng ako! haha
    9. taympers nga eh!
    10.la la la la la…labas ako jan..wapakels pa nga paki dagdag!
    11.hnd ako makarelate!
    12.Pendong! c Mhar oh! haha! ^_^

    matanda? cnong matanda? hehe..harry potter? hmmm…pang matalino un eh..kya Lord of the Rings lng ako..
    “Master, oh master!” o kaya ung, “…my precious!” -Smiggle/Gollum haha..

    (aba nakonek ko pa?) :lol:

    [Reply]

    Lorie Reply:

    ay precious ex ko din si nick carter wahahaha. ex ko din si stephen gately, break na kami ng nalaman kong boys pala ang type nia hahaha. hay nakakaloka…

    [Reply]

    taympers Reply:

    magkageneration nga tayo, halos lahat alam mo precious. hahaha…

    tanda mo na rin siguro,haha.

    [Reply]

  3. jasonhamster Says:

    waw. magkageneration nga tayo.

    lahat yan.. nakow..

    1. ginagawa ko rin ang transformation action nila maskrider black at pag nang aaway ako, nag ra-rider kick at rider punch ako!
    2. sa power rangers syempre ako yung red kasi Jason din pangalan. Teka kung Yellow Ranger – si Trini! hahahahah Sabertooth Tiger!!
    3. sinayaw ko ang back street back alright sa christmas party
    4. hanggang ngayon gusto ko pa rin g humpty dumpty kahit ayaw nila kasi amoy paa daw.
    5. ten twenty na try ko pero ang hirap ded ako lagi, langit lupa madalas ko nalalaro. May bilangan pa yun diba pag ayaw bumaba?
    6. Di ko alam yang “uwian na”jingle heheh
    7. amff macarena!!! LSS ako nung bata ako at sinasayaw rin namin.
    8. May tamagotchi ako pero di umaabot ng 2 years old = two days, laging narereset o di kaya naman tinotopak ako para lasunin sa sariling poopoo.
    9. Taympers! kaya pala taympers name mo hahahahahha Time First muna, magmemerienda lang ako!

    [Reply]

    Ax Reply:

    Ay. OP ako! wahaha. kageneration na kageneration lang pala ang mga nag-uusap dito eh! hehe. di makakarelate sila.. ay wag na. baka magalit sila sa akin. haha.

    [Reply]

    TSI Reply:

    Oo nga di ako maka relate, OP ako Ax help me.

    [Reply]

    taympers Reply:

    ax and tsi, pakunwari pa kayo. hahaha…

    [Reply]

    taympers Reply:

    its nice to see hamster na bumibisita ng blog ko. galeng galeng. alam ko halos magka-age lang tayo kaya alam mo mga yan. hahaha…

    bisita ka ulit ha.

    [Reply]

  4. bipolarsisa Says:

    siguro matanda kayo sakin ng 1 decade. nyaha.

    magkageneration tayo!

    nakakarelate ako pero hindi pa ako matandaaaaaaaaaaaaaa. haha.

    [Reply]

    taympers Reply:

    deny denayan ka jan sisa, mas matanda ka kaya sa akin.

    [Reply]

    bipolarsisa Reply:

    kapal ng mukha. pakitaan pa ng birth cert. haha. *may peter pan syndrome kausap mo. waha.*

    [Reply]

  5. lovely Says:

    pa base muna haha..3rd base muna haha..
    mamaya isa isahin ko to..
    pero di ko alam ung iba kasi ehhe..

    [Reply]

    taympers Reply:

    isa lang masasabi ko sau lovely, sinungaling ka. alam mo dapat lahat yan.haha

    [Reply]

  6. Jepoy Says:

    Buti nalang alam ko ang lahat ng iyan :-D

    [Reply]

    taympers Reply:

    good jepoy. good. otherwise ill kill you. hehehe

    [Reply]

  7. walongbote Says:

    haha.. naka receive din ako ng quotes na ganyan.. nakarelate ako sobra.. and brings so much memories…

    [Reply]

    taympers Reply:

    malay mo iisang qoutes lang ang umikot, adapted lang kasi yan. thanks sa dalaw.

    [Reply]

  8. bluguy Says:

    ako ….di ako makarelate..iba ang generation ko….14th century!

    [Reply]

    taympers Reply:

    okey lang yan kuya blu, there is baby blu naman e.ryt?

    [Reply]

  9. Yj Says:

    ay wala akong inabutan sa mga nabanggit…. ang bata ko pa talaga…. haaaaaaayz

    [Reply]

    taympers Reply:

    hangal ka kuya yj! hahaha

    [Reply]

  10. Lorie Says:

    Aber kahit matanda ako sayo ng 7 years magkageneration pa rin pala tayo hahaha.

    Mga palabas sa #1 paulit ulit ko pinapanuod dati sa channel 13, di naman tinatapos ang mga story ng mga to hmp. At akala ko ako na lang nakakaalala sa Mighty Mouse candy. Pero ang kantang Uwian Na di ko yun alam…

    [Reply]

    taympers Reply:

    yeah right we are still on the same page ate lorie, hehe.

    di mo ba alam yong uwian na kanta? try mo igoogle baka matulungan ka nya. hahaha

    [Reply]

  11. gillboard Says:

    naabutan ko pa yung iba dyan… kaya lang yung iba feeling ko matanda na ako nung naging uso… early 80’s ako pinanganak… feeling ko tuloy ang tanda tanda ko na… hahaha

    [Reply]

    taympers Reply:

    hahaha… dadaan din kami sa ganyang feeling KUYA gill. hehehe

    [Reply]

  12. Mr. Nonsense Says:

    gurang na pala ako

    [Reply]

    taympers Reply:

    not much. hehehe

    [Reply]

  13. cindyrella Says:

    teka ilang taon ka na ba? hehe! medyo nakakrelate ako sa lahat except lang sa formal song na uwian na, hehe! add kita sa link ko ah! period no erase! hahah!

    [Reply]

  14. blu.sparks Says:

    naku pinapanood ko din yan si masked rider black, bioman, ultraman at shaider.
    nagyon pati anime pinapanood ko pa. pero pag may time na lang.

    [Reply]

  15. fjordz Says:

    ilang taon ka na ba? ibig sabihin magkageneration tayo? eh alam ko lahat yan eh! hahaha! apir!

    [Reply]

  16. eli Says:

    ayos ah..hehe

    ilang beses ko ring nabasa ito sa forwarded email at tuwang tuwa ako habang binabasa kahit paulit ulit na.

    [Reply]

  17. Solo Says:

    solofoodtrip.comWeh? hahaha Ayus to ah. Sa wakas nawala ang sumpa sa akin at nagbalik ang aking katauhan lolz. ;D Parang ang sarap balikan ang kabataan. Dagdagan pa jan ang “tira bale-bale” hahaha Jolens. Di ko lang alam kung alam nyo rin un haha. Pero dito sa pampanga uso nung kabataan koh. And yes, yung mask rider black. For sure, ito ang di matatakasan ng mga ka-generation ntin haha. ;D Ashtig! Natawa tlga ako. ;D

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

    [Reply]

  18. superlolo Says:

    Narinig, Nakita at Napanood ko ang mga iyan…dahil ka-generation ninyo ang mga anak ko…hehe.

    [Reply]

  19. Jules Says:

    soloden.comWuaaaa..Hndi pwd ito! Bkit alam nyo lahat ang mga ito? hahaha. Napag-hahalata tuloy tayo hehe. =D

    Summer
    A Writers Den
    Brown Mestizo

    [Reply]

  20. JuaN aLBeRTo Says:

    1. Kilala ko si Masked Rider Black pero di ko na masyado maalala yung kwento nun…

    2. OPKORs!!! Peborit na peborit ko nun si Blue Ranger, yung leader kasi lage (which is si red) nakuha na na position ng pinsan ko, yung second in command naman (si black) occupied na rin ng kapatid niya.. so blue na lang ako..tandang tanda ko pa… sinasabayan ko pa yung “It’s morphin time nila” pero memorize ko lang yung “Triceritops’ lolz…

    3. Di ako masyado makarelate dito, naalala ko lang dati, Grade 6, Nutrition Month, may maliit na dula dulaan, syempre ang mga girls nun ang spiceg girls, ang boys ang Moffats ata, di ko pa talaga alam kung sino yun, thennnagbigay sila ng part sakin, si Scott, sabbi ng mga girls “Ewwww” malay ko ba kung bakit nila sinabi yun…

    4. Cheez-it at Richie ako…Di ko gusto lasa ng Humpy dumpy…

    5. Langit lupa lage ako taya dun, mas gusto ko yung shake shake shake shampoo, 10-20 hanggang stage bewang lang ako… di ko na kayaang dibdib stage.

    6. Di ko rin alam to eh… saang songhits ba yan nagmula???

    7. Macarena memorize ko yung dancestep nun… pati si shalala…

    8. Dukha na ata kami nung nauso to, pero may gameboy ako nun, 3 pa… nasira ko lahat.. lolz, dun ko napatunayan na matigas talaga ulo ko(literally)

    9. hala.. may word palang timeout? lolz…

    10. Naalala ko may time na maluha luha ako dahil babanat pa sana ako then bigla nagperiod. no erase erase yung kaaway ko T_T

    11. Madalas ko tong makita sa classmates ko nun, di ko trip…

    12. I think hanggang ngayon pag elementary ganito pa rin paniniwala..

    [Reply]

  21. neoli Says:

    gusto ko ang battlecity.
    best strategy game kahit na crude ito compared sa mga bago ngaun.

    pero ayoko ng moffats.

    hehe

    kelan ko pala sinabi to? :
    commas sometimes give excitement and frustrations,

    -mothproof

    somewhere in ur blog.

    [Reply]

Leave a Reply