Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 67

Signs na magka-generation tayo mula mismo kay taympers

Super Mario/Bomber Man/Battle City.

Malamang sa malamang naabutan mo ang larong ito na nilalaro pa sa family computer. Nag-aaway pa kaming magpipinsan  kung sino ang unang maglalaro, minsan imbis na yong  kalaban ang sasapakin e kami kami na lang nagsasapakan.Ang nakakasar pa nyan yong isang joystick e sira kaya hintayan talaga ang drama, dati pumayag ako kada-game  over lintek namputs may cheat palang wan handred laybs ayon namuti lang naman ang mata ko sa kahihintay habang ang pinsan kong wais ay enjoy na enjoy sa paglalaro. Pag nagsasawa na kami kay mario e yong Bomber Man naman ang nilalaro namin,  BAMBIR MAN talaga ang bigkas namin, matigas sa dila. Dyan ko nasusubok kung ganu ako  katanga kasi nilalagyan ko ng bomba yong dadaanan ko saka ako matataranta na saktong  sasabog naman yong bomba na parang suicide bomber lang ang ginagampanan ko sa laro. Battle City, maliban sa Super Mario itong larong ito ang isa  rin s mga paborito  ko, gagawa  ka kasi ng kampo mo tapos para kayong tanga na nagpapasabugan ang cruel at napakaviolente pero naeenjoy naman namin.

Bear brand.

Gaya ng nauna ko nang naiikwento, lumaki ako sa gatas na bear brand. Masarap syang  iulam pramis lalo na sa bahaw na kanin na may asukal at milo.Wala nang  sasaya pa  nung bata ako pag ganun ang inuulam ko. Labbit.

Haw Haw Milk candy/Butterballs,Kendi Mint, Lips, White rabbit

Sigurado akong naadik ka rin sa mga kending ito,at naging dahilan ng pananakit ng ipin  mo at dahilan para mabungian ka.Madalas yan ang mga pasalubong sa amin ng lola namin,dahil nga sa marami kaming magpipinsan parang kandidato lang sa halalan kung mamigay ang lola namin, dapat lahat nakapila bawal ang pasaway.Tatlong taon ako ng una kong malunok ang butterballs na bumara sa lalamunan ko, buti na lang may pagkamutant ako kaya nasolusyunan agad.At isa sa mga may kagagawan kung bakit mapula ang lips ng iyong  seatmate  sa  school ay dahil sa  kending lips.

Bangkang  papel

Mataas ang level of imagination naming magpipinsan; ako, si Marvin at si Marlon. Gagawa kami ng maraming bangkang papel, may cruiships, superferry at sa akin  palaging sulpicio lines. Saka namin lalaruin sa ibabaw ng kama na-iimagine naming dagat tapos para umalon eh ginagalaw namin yong bedsheet para kunyari tidal wave ang drama, palaging ang sulpicio lines ang natataob at lumulubog ewan  ko ba. Pagkatapos   naming maglaro saka namin  itatago ang mga bangkang papel sa  likod ng aparador na pag nakita naman ng tita namin ay magbubunganga o kaya isusumbong kami sa nanay namin.

Saranggola

Magaling akong gumawa nyan. Tatlong taon ako nang una kaming magpalipad ng saranggola ng tatay ko,gawa yon sa dyaryong Abante uso pa noon ang Xerex  column, pinalipad namin sa likod ng bahay, noon ko din unang naramdaman  ang   dissappointment kasi napatid ang pisi at sumabit sa punong-kakahuyan.Gumawa ulit si  tatay ng bagong saranggola pero hindi na kasing tayug nang nauna, natakot na kasi  akong mawala pa ang saranggolang yon.Ngunit di nakaligtas ang saranggolang  bago kay tagpi, dahil  kinaumagahan isa na itong  pira-pirasong papel sa likod ng bahay na parang pinagtripan lang ng adik.

MGA PROGRAMANG  PANG-TV:

Unahin natin sa Si Mary at Ang lihim na Hardin, wala nang tatalo sa morale ng kwento nito, pinalabas yan sa Channel 2 dati tuwing alas-diyes ng umaga. Kwento ito ng isang batang may lihim na hardin… sya si Mary na sabug-sabog ang buhok patunay na hindi pa uso ang hair rebonding o hair spa noon,may naging kaibigan sya tulad nina Camilia, Robin  at  Dickon. Maganda ang kwento umiikot ito sa buhay ni Mary at ang lihim na hardin. Actually yong hardin na yon ay hardin pa ng kanyang ina noong nabubuhay. Ang  natutunan ko: friendships, acceptance, forgiveness and trustworthy.

Sinong  hindi makakaala  sa Ang Tv Na na kahit korni ng mga jokes e tawa pa rin ako ng   tawa pero mas natatawa kasi ako sa facial expression nila ‘NYEEEE’. 9 years old ata ako noon nang maadik ako sa Ang Tv Na noon ko rin naappreciate ang ganda ni Camille Pratts kesa kay Jolina Magdangal pero ngayon hindi na. Mga natutunan ko;  maging  pilosopo at naboost ang sense of humor ko.

Bananas and pajamas.

Kahit pambata ang dating nya pero kinalolokohan pa rin naming magpipinsan, ang showing nito ay isa sa umaga at isa sa hapon pero sandali lang naman ang showing noon.Paborito ko si Morgan.Ayoko kay Lulu malandi.

Blue Blink.

Grade 4 ako noon at tuwing hapon kung ipalabas ito, kwento ito ng  batang si Kakeru at ni blink yong blue na unicorn. Niligtas kasi ni Kakeru si blink minsan  kaya bilang kapalit ay naging magkaibigan ang dalawa, may power si blink kaya kung in-trouble si Kakeru mabilis pa sa alas kuwatro kung tumulong si blink.Kung  hindi nga lang unicorn si blink iisipin kong brokeback mountain ang kanilangdrama.Hindi ko napatapos kasi  nung araw na ending nito ay may pasok na kami at nataong exam pa namin, buti na lang may isa  akong klasmeyt na hindi pumasok at napanood  (pinanood) ang ending nito, passe daw ang ending kasi panaginip lang ang lahat  hindi  ko alam kung totoo ba yon  o  nangti-trip lang adik kasi yong klasmeyt  kong yon.

Cedie ang Munting Prinsipe

Grade 3 naman ako nang mahook ako sa palabas na ‘to.Tuwing umaga ito kung ipalabas. Kwento ito ng  isang batang lalaki na nagngangalang Cedie, napunta sa new york at tumira sa  bahay ng kanyang lolo na isang Conde.Ipinaalaga sya ng kanyang ina na isang  mahirap dahil hindi na kayang tustusan  ang  pangangailangan ni  Cedie.  Malungkot ang  kwento para kasing tanga si Cedie at ignorante sa mga bagay na hindi nya nakalakihan. But in all fairness melodrama ang dating nito at may malaking morale impact sa mga kabataan kaya nga nagawan ito ng movie ng ABS-CBN.

The Trapp Family Singers

Adapated ito sa sounds of music na isang classical movie wala akong masyadong maikwento sa cartoon na to parehas  lang kasi sya sa nasabing movie. Kayo na lang ang  bahalang magkwento.

Peter Pan

Actually naikwento na ito ng nanay ko noong bata pa ako, pero pinapanood  ko pa rin noong tuwing hapon.Elementary  ako noon, at imbis a unahing gawin ang asaynment e mas inuuna pa naming manoood nito  habang kumakain ng  meryendang bilo-bilo o kaya minatamis na saging at banana  que. Pagkatapos naming manood  saka namin iiwanan  yong  mga pinagkainan deretso para maglaro.Ganun lagi ang routine.

Gimik

Naabutan mo  ito  panigurado  kiabibilangan  ito nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, G. Toengi, Rico Yan, Patrick Garcia, Diether Ocampo, Jolina Magdangal, Rica Peralejo, Mylene Dizon, Bojo Molina, Dominic Ochoa, Kaye Abad, Kristopher Peralta, Paula Peralejo, John Lloyd Cruz, LJ Moreno and Marvin Agustin. Kilig na kilig ka asarang diet at Rica.Pero mas sweet sina claudine at rico para  sa  ‘yo.

G-mik

At kung naabutan mo ang  Gimik syempre  may younger version din ito, nandito ang  G-mik na kinabibilangan ng ubod gandang si Camille Prats kapatid  nya dito si John Prats. Sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino ang magkalove team.Andun din si  Stefano Mori, Mico Samson, Heart Evangelista, Janus del Prado at Danilo Barrios.Ang  pagkakaalala ko tuwing sabado ng  hapon ito pinapalabas.

Magandang Gabi Bayan

All time  peborit  namin ito including my lolo and lola, fan ata  sila ni Noli de Castro. Kaming magppipinsan naman hit  na hit  ang MGB pag  malapit na ang undas kasi nagfefeature sila  ng nakakatakot na mga kwento tungkol  sa  tikbalang, multo, multong  bakla, multong kabayo,  baklang kabayo, dwedende, engkanto, maligno  at lahat pa ng  nakakatakot.Hindi  mawawala sa  re-enactment  yong  matandang  bungal na palaging lumalabas  sa  mga  horror  flicks, madalas  nyang gampanan e  white lady o  kaya black lady, hindi  ko  alam ang pangalan  nya basta ang tawag namin sa kanya  ay manang  bungal.

‘Sang Linggo nAPO sila

Sikat na sikat pa noon ang APO HIKING SOCIETY kaya may variety show sila kasama sina Kuya Dick and Amy Perez, pinantapat sa Eat  Bulaga pero  di rin  tumagal nang husto. Hindi ko madalas mapanood ‘to dahil una malamang tulog  ako, pangalawa naglalaro ako o pangatlo naglalaro ako habang tulog.

Eat Bulaga.

Need  i say more?  kahit anong  generation naabutan to maliban  sa mga ninunoo mong kalbo.

Payong  Kaibigan

Kung naaalala mo pa to, ito yong  show dati ni Jolina Magdangal na nagbibigay ng advices habang may hawak na payong o  kaya sa ilalim ng  payong, bata pa sya noon at kikay.

When You Say Nothing At All

For sure naman alam mo itong kantang ito na kinanta ni Ronan Keating, grade 6 ako noon nang sumikat ang kantang ito.Lahat ng estudyante napapahinto at sinasabayan ang kantang ito pag tumutugtog na.

Moffats

Sila yon magkakapatid at  tatlo  sa  kanila ay kambal na singer. Sorry pero hindi ko type ang  kanta nila.Grade 5 akonoon nang lumaganap  ang kasikatan nila bukod  sa alam kong magkakapatid sila e wala na akong alam na kanta nila.

…If life is so short
Why don’t you let me love you
Before we run out of time If love is so strong
Why won’t you take the chance
Before our time has gone
If life is so short, if life is so short
Love is a word that explains how I feel for you
And when you’re in my arms, all my dreams come true
And when you’re not around
You can’t hardly see
These tears that I’m crying now are for you to be with me

Itik-itik

Bukod sa Macarena, Shalala  at Dr. Jones e malamang nasayaw mo din itong chicken  dance  o kilala bilang itik-itik dance.I swear nagdulot sa akin ito ng post-traumatic   syndrome noong kinder ako kasi naman pinagsayaw kami ng titser ko noon kasi may  program—linggo ng wika ata pero ayaw na ayaw ko kasi nga may stage fright ako.  Noong una pa man nahihiya na  ako, pero dahil sa isusumbong daw ako ng titser ko sa nanay ko e napilitan  ako.Nung oras na ng  performance nakita  ko sa gilid yong crush ko tumatawa sa costume namin, hiyang-hiya talaga ako sa kanya lalo na sa sarili ko.Hindi ko naenjoy ang sayaw bukod sa nahuhuli  ang steps ko nagmumukha akong tanga sa gitna ng stage na pinalilibutan ng mga mapang-asar na bata at mapanghusgang magulang.Nagpapicture kami ng nanay ko pagkatapos ng nakawiwindang na palabas suot ko pa noon ang costume na feathers-feathers sya nakasmile ako nakasimangot. Mula  noon di na ako nagpakita sa crush ko.

Kumaw

Isa ata sa folklore ng pinoy ang  kumaw, mabisang panakot  sa mga bata.  Totoong nakakatakot  dahil  pag mag-isa  ka  lang  daw sa kalsada e may dadampot  na  lang  sa yo, tatakpan ang mata,  lalagyan  ng  masking tape ang bibig,  tatalian ang  kamay at  paa, isasako saka pupugutan ng ulo, tapos yong dugo  kukunin  daw saka ipapatulo  sa  bagong tulay para daw tumibay. Sinong batang  hindi matatakot  sa ganyan? Nauso ang  kumaw  sa  amin noon pero walang  napatunayan  lahat  hoax lang.Pero kung  totoo man, hindi sya biro,masakit  mapugutan ng ulo. Pero mabisang  panakot din ito ng nanay ko sa akin, super effective until now takot pa rin ako.

Kisses

Hindi ito yong kiss na halik, hindi rin  ito yong tsokolate, kung naaalala mo pa kung paano ka nauto noong bata ka ito yong maliliit na parang gel o gum na mabango,  nilalagay sa bulak at nnilalagyan ng  pulbo.Bakit? para daw manganak, paniwalang-paniwala  kami  noon kaya doon  nauubos ang  baon naming magpipinsan.Sa ngayon palaisipan  pa rin sa akin kung ano  ang  silbi ng kisses sa elemetary  pupils.

Slumbook

Hinding hindi ito mawawala  sa eskwelahan, pagandahan, mas makulay mas mabenta. Tapos sa parteng Whos is your crush  minsan may mga makikita ka doong sagot;  God, Mr. Blue,  Ms. Pink Bubble, meron  ding  6-8 number  of letter ng name ng crushes, o  kaya meron ding mga initials ng crush nila eksampol MJC, tuwang tuwa ka naman pag nakikita mo doon  ang pangalan mo saka kayo tutuksuhin tapos yong nagkakacrush sa  iyo e mapipikon saka iiyak tapos yong mga hinayupak mong klasmeyt  isusumbong sa titser na umiyak si ganito ganire ang magiging labas e kasalanan mo pa, napaka unjustice. Sa question naman na Who is your love nangungunang  sagot parents, pangalawa si God  pero may mga klasmeyt ka talagang makakapal ang mukha, isusulat talaga nila ang buong pangalan ng love nila ALL CAPS at BOLD pa, tapos yong ibang klasmeyt mo maiintriga saka naman  tutuksuhin yong ‘Love’daw ni ganito, maaasar yong may pangalan sa  kapirasng papel kasi yong patay na patay sa kanya e sya yong  pinakapangit sa klase.May maasar at magagalit hangang sa nagkaaway-away na, pati sikreto ng bawat isa nagkabulgaran na kulang  na lang  pati sikreto ng kanilang ina. Away  kung away, pero kinabukasan  bati na.

Panatang  Makabayan

Naabutan mo ang  lumang bersyon nito.Kasama ito sa mga ritwal sa flag ceremony tuwing 7 hangang 7:30 ng umaga.

Ano may ihihirit ka pa ba?

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

37 Responses to “Signs na magka-generation tayo mula mismo kay taympers”

  1. Binchee Says:

    mukhang nasaklaw mo na halos lahat ng palatandaan hehe. i like the new layout.

    [Reply]

    admin Reply:

    nice layout? talaga. thanks.

    [Reply]

  2. eli Says:

    walang tatalo kay B1 at B2. hehe

    [Reply]

    eli Reply:

    musta mhar? baka naman nakikipaghabulan ka na kay bioman ha

    [Reply]

    admin Reply:

    panigurado naadik ka din kay B1 at B2 kuya eli. kina sailormoon ako nakikipaghabulan, masaya. try mo.

    [Reply]

  3. aninipot Says:

    B1: naisip mo ba ang naisip ko B2
    B2: palagay ko nga B1
    both: operation ______!!!!hehe

    gusto ko rin ang tindahan ni duding daga.

    waah! na miss ko si blue blink, di ko rin alam kong anoa ang ending.

    haays! sarap ulit maging bata….

    [Reply]

    admin Reply:

    wala nang sasarap pa sa pagiging bata. true.

    [Reply]

  4. Ax Says:

    Haha, pinapatugtog ko yung If Life is So Short ng Moffatts. Aw.

    [Reply]

    Ax Reply:

    Happy Hallow’s Eve, Mhar!

    [Reply]

    admin Reply:

    napapaindak ako ng kantang yan. totoo. ewanko kumbakit.

    [Reply]

  5. jeloryle Says:

    ahahaha… natawa ako, super relate! yung matanda na laging mumu ang ganap alam ko yata ang name nun eh.. parang Lilia Cadapan? something like that. basta. haha congrats sa blog mo friend, sensya na sa mga pagkukulang, salamat sa pagpupuno. keso, you like? >_<

    [Reply]

    admin Reply:

    thanks frend.

    [Reply]

  6. The Lady in Green Ruffles Says:

    pwede! siguro nga magkaage tayo..ahehe
    1. family computer nga at gameboy. hindi pa nun uso ang colored..ahaha
    2. type ko rin bear brand at asukal lang..walang tubig..ok din kung nido
    3.trip ko rin ganung candies, pati ung kending hubad at bagkat.hehe
    4.gumagawa din kaming magkapatid ng ganito noon tsaka papel na eroplano..hehe
    5.ah, eto di ko naexperience..ahehe, nakikinood lang ako..

    at ung rest e nasubaybayan ko din

    nakakatuwa naman ito..
    tsaka u gave me an idea on what to post

    [Reply]

    admin Reply:

    malamang magka-age nga tayo. ansaya di ba? kumusta ka, ngayon ka lang ata napadppad ulit.

    [Reply]

  7. Vajarl Says:

    Testing. Sana makapasok na comment ko. Hihi.

    [Reply]

    Vajarl Reply:

    Yehey hindi na ko napupunta sa spam! :)

    Nakow magkahenerasyon pala tayo. Hehe. Naalala ko tuloy si Blue Blink, Memorized ko kanta nyan dati eh.

    Ehem ehem.
    Ako si Blink, sa bawat oras nariyan. Tutulong sa nangangailangan! Ako’y maaasahan. Haha.

    [Reply]

    admin Reply:

    hindi halatang naenjoy mo manood ng blue blink. tama?

    [Reply]

  8. flamindevil Says:

    tanda ko pa,una kong nagkaroon ng game and watch..tapos atari..tapos family computer..tapos brick game..hehe

    favorite ko rin ang:

    super mario 1 – basic, natapos ko na ng ilang beses..umabot na ko kay tunay na princess toadstool sa 8-4.hindi na yung ‘thank you mario but the princess is in another castle’

    super mario 2 – eto yung may poison mushroom,pag nakuha mo patay ka

    super mario 3 – nakakalipad na si mario dito..astig!

    meron ding 1949,Donkey Kong,Twin Bee etc

    *alam mo bang up to now,may white rabbit pa dito na pwedeng kainin ang papel na pambalot?

    *when you say nothing at all was first sung by allison krauss in her country album ‘now that i’ve found you’

    *payong kaibigan is a segment in ang tv..and yeah jolina was really cute that time.

    [Reply]

    admin Reply:

    thanks sa pagdalaw tol.

    Salamat sa additional inputs.Pero mukhang di tayo magkageneration. wahehehe

    [Reply]

  9. timangkey Says:

    Perfect Strangers.
    Tigers Sharks.
    Visionaries.
    Thundercats.
    Bioman.
    Shaider.

    ZoomZoom
    Cheezum
    White Rabbit
    Stork
    Greenbits

    Balloon Fight
    Hogans Alley
    Duck Hunt
    Tetris
    Sky Destroyer

    etc.. etc..

    [Reply]

    admin Reply:

    di ko naabutan yong iba.sori.

    [Reply]

  10. taya Says:

    >hahaha I agree! mlandi nga si LULU!! haha

    gwabe ha, huling huli mu pnlasa q!(nu daw?)haha

    >Ke peter pan?, ewan ko ba,di ko n mbilng kung ilng beses na kong ntulog sa harap ng bintana!! kht takot n tkot ako dhil sa likod ng bintana nmin eh mdilim na bubong, at ilng beses n din kming nanakawan dhil di ko tlga sinsara ung bintana kakahinty kay peter pan!! tas and dadalaw lang pala, at ngdadala pa ng souvenir eh c mng boy!!haha peo hnggng naun, hinihintay ko p din c peter pan (tuwng-tuwa nmn c mang boy, kc may kita xa), malay mu? dlhin n nko ni peter pan s neverland haha

    >Yung kisses, npgdaann q din yan, peo di nmn tlg nnga2nak eh!! hahaha

    >Yung Kumaw? gwabe lking tkot ko dyn!! nku nku nku, 6 plng bahy nku nun pwomiz!! haha

    >C mario, kainiz!! di ako makalarolaro nyan nuon!! c kuya kasi bangaw eh!! hnggang break game na lng tuloy ako nun huhu

    Ang galing, nakakarelate ako hehe,sarap talga mging bata haha buti din pla dmi kong klokohan nung bata ako, kasi naun, dami kong naaalala na nkakapagpaligaya sken habng tumtnda nko haha, TNX mwah! :)

    [Reply]

    admin Reply:

    salamat sa pagdalaw taya. suki ka na ata dito. hehehe

    [Reply]

  11. Mr. Nonsense Says:

    walang voltes 5 at machine gun z?

    [Reply]

    admin Reply:

    wala. di ata nakalinya sa generation namin.hehe

    [Reply]

  12. jasonhamster Says:

    teka mukang mapapakwento ako dito. Maghanda muna ng tsitsirya.

    naalala ko, pinapaiyak ako ng daddy ko, tinitira nya ko sa battle city
    tapos sstop yung tangke ko, tapos titirahin ako ng kalaban. deds. Ang
    gagawin kong pagrerebelde, sisirain ko main base para game over. Iyak.

    Paborito ko ang paggawa ng bangkang papel.
    sa process na paggawa, dadaan sa stage na magiging sumbrero
    ang papel tapos isusuot ko sa ulo. sa isa pang stage ay
    magiging hand puppet sya. kaya nakakaaliw..

    Di ako nakapagsaranggola.

    Sa tv, naabutan ko rin yang si Mary at ang lihim na hardin. Natetense pa ko
    pag sisilip sya sa hardin. Tapos nalngkot ako nng malamang nalaglag pala sa
    swing yung nanay nya. naabutan ko rin ang Heidi, Georgie, Mahiwagang Kwintas,
    Hulio at Hulia, bananas in pajamas, snowwhite na pagkahaba haba ng istorya,
    cinderella, at iba pa(palabas din yan)

    taympers muna. nagaganahan ata akong magkwento. lunch time na pala.
    Masyado kong namiss ang pagkabata ko.

    [Reply]

    admin Reply:

    ang haba ng comment.at dahil dyan ang masasabi ko lang ay tenkyu. hahaha

    [Reply]

  13. TSI Says:

    “tamagochi” ang naabutan ko sorry lolol di maka-relate –

    [Reply]

    admin Reply:

    naabutan ko din yan, kaso tamad ako mag-alaga ng ppet kahit virtual.

    [Reply]

  14. livingstain Says:

    generation ko din yan, yung panahon ng mga sinabi mo, gusto ko talaga yung pang pasko, pasko ni santa. ang ganda ganda non…

    [Reply]

    admin Reply:

    di kita nagets sa pasko ni santa. di ko ata alam yon. lol

    [Reply]

  15. flamindevil Says:

    musta na TL?

    update update..hehe

    advance merry xmas

    [Reply]

    admin Reply:

    done.

    [Reply]

  16. yhen Says:

    taympers papromote ha… salamat!

    SHOUT YOUR LOVE FOR RICE!

    http://yhen1027.wordpress.com/2009/11/09/shout-your-love-for-rice/

    [Reply]

    admin Reply:

    sureness.

    [Reply]

  17. Bienthoughts Says:

    Nice one Mhar! Nice to be back here.

    [Reply]

  18. nintendo games download Says:

    The response to my inquiries have been very easy to take in thanks to this blog. It is certainly worth reading to help relieve the stress I have been going through. I recommend this for an award.

    [Reply]

Leave a Reply