Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 68

ang salbaheng taympers tuwing ika-10 ng nobyembre.

Matagal ko nang hindi naupdate tong blog ko. Besi-besihan lang.Sori naman.

So anong  meron? Wala  lang. Umuwi lang naman ako sa probinsya namin noong November 3 na. Late na para sa undas pero wala akong choice kasi may duty ako ng wan at tu. At may mga personal na bagay na kelangan kong resolbahin.

Okey payn.

Noong bata ako ‘pag magbeberdey ako ang palaging handa ni Nanay ay pansit, sopas,  puto,  kakanin at tinapay.Sa aking tanda nasa edad por ako noon ng maghanda kami ng nyan. Ang daming handa.Ang daming dumalo.

Tuwang-tuwa naman ako kasi ang daming pumupunta sa bahay namin para makikain pero ni isa sa kanila walang dalang regalo, kung meron man limang pisong papel pero ang sobrang saya ko na nun. Hindi ko talaga alam ang   essence ng berdey ko noon, basta tuwang-tuwa lang ako kasi maraming batang pumupunta sa bahay kasama ng mama nilag may dala ding tsika sa mga kapwa nanay. Basta madaming tao, may nag-iinuman, may nagtotong-its, may kumakain, at kwentuhan. May mga batang  nagtatakbuhan, iyakan, hampasan, awayan at payabangan,  mga tipikal na eksena sa probinsya.

Pag berdey ko ako yong may bagong damit at laruan, ibinibili ako lagi ni  Nanay. So ako yong naiiba sa lahat, pag may batang di ko gusto nilalait ko, at  iniyayabang  ko yong bago kong laruan kasama ng mumurahing lobo. Tapos aasarin ko kahit mas malaki sa akin hindi ako pwedeng patulan kasi berdey ko. Nagpapakasalbahe ako. Tatawagin ko  lahat ng bata, papipilahin tapos bibigyan ng  kendi pero bago nila makuha ang kapirasong  kendi susundin muna nila  ipapagawa  ko, nariyan yong tumuwad, paglambitinin sa puno at mag-squat. At pag nakikita ko sila sa ganoon tuwang-tuwa ako maski  sila. Ang bad ko noong araw. Feeling ko kasi rich kami pero mali ang iniisip  mo. Basta  pag berdey ko gusto ko nasa sa akin yong buong atensyon… in-short KSP ako which is true.

Pero sa lahat ng berdey ko ngayon ko lang narealized na di ako nagkaroon ng  keyk kahit yong mumurahin lang. Ewan ko. Wala siguro sa kultura o tinatawag na tradisyon ng lipi ko. Pero  palaging may biko, atlis keyk na rin yon. At palaging meron din yong tinatawag na atang sa ilokano, ito yong alay para sa mga yumaong mahal sa buhay,kung anong handa dapat ganuun  din yong  atang kasama ng kandila, dasal at dalawang nilagang itlog. Masama daw kasi pag di nag-alay, mamalasin daw at magkakasakit yong  may berdey.

Naalala ko pa, may isang berdey ako kasama ko si erpats, nanonood kami ng sine. Bonding moments. Pero hindi sa pagitan namin kundi sa isang babae.  Iniwan lang naman ako ng magaling kong tatay sa parke para maglaro at may bibilihin lang daw sya sandali, pero kitang-kita ko sa isang sulok may kausap  syang babae. Noong umuwi na kami isinumbong ko sya sa nanay ko, na may katagpo sya. Ayun nagliparan lang naman ng kaldero’t kawali sa bahay.  Nag-away sila. Ang palusot ni tatay tindera lang daw yun, sabi ko naman “bakit nakalipistik?”. Hindi valid reason pero pinaniwalaan ng husto ni Ina.

Meron isang berdey ko naman, hayskul  ata ako noon  hindi naalala ni tatay yong berdey ko. Mas inuna pa nyang makipag-inuman  sa  barkada kesa sa handa ko. Pinili  ko  na lang na wag maghanda, oke  lang kako kay nanay.  Pero sa loob-loob ko ang  sakit ng feeling pag yong inaasahan mong babati  sa ‘yo e kakalimutan lang  kapalit ng inuman sa  kanto.Unbearable pala ang sakit.

Magmula  noong  maghayskul  ako  pinipilit kong wag na lang maghanda si  nanay. sayang lang din kasi ang  pera.  Malimit kong sabihin naipunin na  lang para  sa  noche  buena. Sa totoo  lang  nahihiya  ako pag  berdey ko, nariyan yong tutuksuhin ka  sa  school na  magpakain ka naman  at  madalas kong sagutin ng  saan?  sa buwaya  o  sa aso?.

Hayskul din ako ng pinayagan akong makipag-inuman tuwing berdey ko. Nasa sa akin daw yong responsibilidad ng isang manginginum payo ni tatay, o di ba parang nagpapasa lang ng trono nya. Pero kahit may basbas na akong  uminom kelan man di ko ginawang prebelihiyo yon at hindi inabuso (islayt lang).

Pagtungtong ko ng kolehiyo, ganun pa rin, hindi na ako nagpapanda kundi ako na mismo yong  tini-treat ng mgakaibigan ko. Ang saya! libre na may spin-of-the-bottle pa. Muli di ko inabuso kundi ako yong inabuso, joke!

Napagtanto ko sa loob ng 22  taon ng aking buhay, andami na palang nangyari. Umiyak sa school. Nagsumbong sa nanay. Sumugod si nanay.  Umakyat sa entablado ng maka-ilang beses. Nakaroon ng maraming  medalya. Nagkacrush. Naging crush. Umibig. Nabigo. Gumastos. Nagkaroon ng maraming kaibigan. Inaway. Nang-away. Nanuntok. Nasuntok. Sinuntok. Natutong magmura,  magyabang at muling magmura. Natakot sa titser  noong highschool. Palaaway sa titser. Muling umakyat sa entablado. Sumayaw sa school activities, at ikinakahiya ko ang mga araw na yon. Nagsalita sa  harapan ng maraming tao. Napabilang sa school pub. Nakisali sa mga contest.Nalate. Binilad sa araw.Naging officer sa COQC. Naadik sa anime.  Natutong magmahal sa maling  tao  at sa maling pagkakataon. Nasaktan. Umiyak  pero  hindi nagsumbong kay nanay. Muling nagmahal  ng labis, at muling  umiyak. Nagkaroon  ng cellphone. Natutong mag-internet. Natutong mag G-blogs. Natutong maghack. Grumadweyt ng hayskul na may parangal. Nagsimulang magsummer job. Natutong mag-enrol ng mag-isa. Nagkaroon ng friendster, myspace at YM. Nagkaroon ng blogs. Muling nagmahal, muling  nasaktan tatanga-taga kasi. Nanggago  at ginagago.Naging iskolar. Naging aktibista Naging makata.Hindi nag-aral ng mabuti. Bumagsak. Nadisappoint. Nafrustrate. Hindi na tinapos  ang pag-aaral.Nagtrabaho bilang service crew. Nag-inarte at nag-apply bilang callcenter agent.Muling nag-inarte.Humanap ng ibang trabaho. Nagyosi. Natutong magstarbucks at naadik sa kape. Naoperahan sa appendix. Gumaling. Nakalilimot na ng  sobra. Muling  nagtatrabaho at ngayon heto na sya…

206264592m

Dakilang gago at ang may utak sa likod ng blog na to.

Pls lang wag nyo akong batiin ng hapee berdey nagiging salbahe po ako.

24 Responses to “ang salbaheng taympers tuwing ika-10 ng nobyembre.”

  1. Jomar Says:

    happy birthday tol :)

    [Reply]

    admin Reply:

    thanks jo!

    [Reply]

  2. bluguy Says:

    hmmm…dahil salbahe ka pa rin….HAPPY BERTDEI! yan ang napala mo…nabati tuloy kita hahahahahaha…musta na parekoy!

    [Reply]

    admin Reply:

    hahaha thank you po. bless me bluguy! okey lang ako kahit bombarded ng problema.

    [Reply]

  3. Ax Says:

    Kailangan ba kitang batiin? Uy, naglalagay ng picture. Naalala ko yung sinabi niya sa akin! Haha.

    [Reply]

    Ax Reply:

    Friday the 13th, kamusta ka?

    [Reply]

  4. admin Says:

    depende sa ‘yo kung babatiin mo ako o hindi. teka ano ba yong sinabi ko sa yo? PM mo na lang. hehe

    [Reply]

  5. Solo Says:

    solofoodtrip.comUiy happy birthday! Naku di pala dapt kita binati..naku naku, hayan na siya nagiging bad n nmn harhar. ;D

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

    [Reply]

  6. taribong Says:

    Hapee beerdey…

    Op, op. Wag maging salbahe. Dalawang beerdey ang sabi ko, hindi berdey katulad ng sinulat mo hehehehehe

    Saan ang inuman? hehehehe

    Eto na lang. Maligayang bati sa iyong kaarawan… Ayos ba?

    [Reply]

  7. livingstain Says:

    maligayang kaarawan mhar…

    [Reply]

  8. p0kw4ng Says:

    di ko alam kung bakit hindi naging big deal sa akin ang bday ko…ahaha as in wala lang kung may handa o wala….

    at dahil bad ka tuwing binabati ka eh babatiin pa din kita…Hapi Burtdey sayo!!!

    [Reply]

  9. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD Says:

    happy happy birthday sa u!

    magpa-burger ka naman mhar!

    [Reply]

  10. linapuhan Says:

    hapi berdey. hehe. belated. syensya, ngayon lang nagawi. at dun pala sa bagong blog, hindi na ako nagpaalam. hehe. naalala ko lang, ikaw yung unang natagpuan ko sa blog hopping. di ko pa alam kung ano ang blogroll noon. hehe. happy happy berdey. nyahaha. wag kang magwild.

    [Reply]

  11. precious Says:

    musta na? hafi bertdei and get well soon!

    [Reply]

  12. sows Says:

    huwaw..

    ang haba!
    pro makabuluhan!

    ingats2 lng parekoy! :wink:
    hapi kaarawan!

    [Reply]

  13. Yj Says:

    kasi naman eh… basta hahahaha

    happy birthday nalang sayo….:)

    [Reply]

  14. jasonhamster Says:

    happy birthday mhar.

    grabe, ang bata pa pero sobrang dami ng pinagdaanan..

    saludo ako sayo mhar nasurvive mo lahat yan..

    masakit ba magka appendicitis?

    [Reply]

  15. flamindevil Says:

    happy berdey TL..ay syet.wag pala baka paakyatin mo ko ng puno,patuwarin,pagiskwatin,para lang mabigyan ng kendi.

    gusto ko yung paragraph about sa realizations mo sa loob ng 22 years.napa smile ako.totoong-totoo.

    anyway, sana nag-enjoy ka sa berdey mo.kita-kits tayo pag-uwi ko pag may time ka..and chat chat na lang sa ym.ayun. :D

    [Reply]

  16. The Islander Says:

    pano yan, happy birthday!

    auf deutsch: spät herzlichen glückwunsch in deinen geburtstag.

    [Reply]

  17. jasonhamster Says:

    magandang hapon d2.

    patambling muna taympers

    [Reply]

  18. Mr. Nonsense Says:

    walang stripper?

    [Reply]

  19. blakenwayt Says:

    ayos! happy birthday kuya taympers! pakain ka naman hindi sa aso o buwaya! manlibre ka!
    hindi mo kami nalibre ni batopik bat kasi hindi ka nanalo! amp! kaya ngayon pwede mo na kaming ilibre! hakhak!

    happy birthday ulit! kuyang kuya pala kita! hakhak!

    [Reply]

  20. Ax Says:

    Mhar, pagaling ka ha!

    [Reply]

  21. jeloryle Says:

    huy musta ka na???

    [Reply]

Leave a Reply