cotton candy
Done with the sugar-coated emotion.
Ngayon naman ikukuwento ko kung ang tungkol sa cotton candy. Noong bata pa ako ‘kala ko nun na ang cotton candy ay ulap na kinulayan ng kung anong trip na kulay ni manong tindero. Kaya aliw na aliw ako pag may malalaking ulap sa kalangitan, ini-imaigine ko kung anong kulay ang pupuwedeng ikulay sa kanila.

Hindi maiaaliss na tuwing piyesta sa aming barrio may nagtitinda ng cotton candy, napakumon na yong makikita si manong tindero na may pnapadyakan para may isang makinang iikot at dun kinukuha ang cotton, pero nung mga panahon na yon akala ko talaga ulap ang cotton candy. Wala akong pakialam basta alam ko masarap ang cotton candy.
Grade 2 ko na lang nalaman na gawa pala ang cotton candy sa asukal. Hindi ko alam ang proseso. Pero sa row 4 ko pa nalaman na gawa nga ito sa asukal. Nagulat ako syempre.
Kaya nito lang may nakita akong naglalako ng cotton candy malapit sa tinitirahan ko, ayun dali dali akong pumunta kay manong para bumili ng pink na cotton candy. Para akong batang kumakain. hahaha.
Ikaw anong kwentong cotton candy mo?
thanks to: http://www.strangebillions.com/castrodec06/DeathByCottonCandy.jpg

November 29th, 2009 at 8:09 pm
masarap nga talaga ang cotton candy hehehe adik na adik din ako dati dun hahhaha..masarap maging elemetary uli.. di ko na kasi trip cotton candy ngayon eh hehehe
[Reply]
taympers Reply:
December 2nd, 2009 at 9:27 am
eh anong trip mo ngayon? hehe… hindi maikakailang masarap ang cotton candy lalo na pag unti unti itong natutunaw sa bibig.
[Reply]
December 1st, 2009 at 5:54 am
madalas akong kumain nyan…kahit di sya nakakabusog…pero nakakatuwang pagmasdan…sa isang bata mahalaga yan….
[Reply]
taympers Reply:
December 2nd, 2009 at 9:29 am
nakakatuwa naman kuya blu, nadalaw ka ditong muli sa lungga ko.salamat.
parte ng isang kabataan ang cotton candy, mandatory yun. hehe
[Reply]
December 1st, 2009 at 5:48 pm
Ang cute ng pichur! Pero ang hapdi sa dila ng koton kendi. Diko gusto. AWW,
[Reply]
taympers Reply:
December 2nd, 2009 at 9:33 am
mahapdi? baka ibang dila ang meron ka kumbakit.
[Reply]
December 1st, 2009 at 7:13 pm
masarap sa cotton candy, sinasawsaw sa toyo at suka. try it!
)
[Reply]
taympers Reply:
December 2nd, 2009 at 9:36 am
wow sosyal may blog ka na?
[Reply]
December 2nd, 2009 at 11:08 am
paborito ko noon ay panoorin kung paano gawin yung cotton candy. tapos eh pagnagaaaway kami ng kapatid kong babae eh nilalagyan ko ng cotton candy yung buhok nya habang nagsasabunatan kami
[Reply]
December 2nd, 2009 at 7:37 pm
naalala ko lang, bumili ako ng malaking malaking cotton candy sa tabi ng simbahan na katabi rin ng school namin… ang saya ko kasi pink na pink siya tapos ang laki pa…. papasok ako ng simbahan ng ginulat ako ng friend ko… ayun sa sobrang asar ko, nginudngod ko yung cotton candy sa mukha niya…. sabay walk out… pagnaalala ko yun, naawa talaga ko dun sa cotton candy… ang lambot pa naman….
[Reply]
December 3rd, 2009 at 3:26 pm
solofoodtrip.comSarap tlga ng cotton candy. ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
[Reply]
December 4th, 2009 at 10:57 am
hindi ako mahilig sa cotton candy…. masarap lang kase itong tingnan pero kpag kinain diko type. hehe
[Reply]
December 4th, 2009 at 9:14 pm
gusto ko yang cotton candy lalo na kapag sa peryahan ko binibili… inuuwian ko pa ang ading ko niyan… tapos dapat magkaibang kulay kami kasi mag aaway kmi kapag pareho… hehe…
sarap yan lalo na pag may gatas… ehhe la lang… namis ko tuloy magcotton candy…
sa sinehan meron din niyan… pero dko pa natry kumain nyan sa sinehan… la lang… ehhe
[Reply]
December 7th, 2009 at 8:41 am
cool. naalala ko tuloy nung bata ako.
naglalaro din kami nyan. sa twuing niyayaya kami ng mga kaibigan naming babae.
napadaan. :]
[Reply]
December 7th, 2009 at 12:53 pm
nyahahaha! ang sarap sarap ng cotton candy!
akala ko nga dati galing sa ulap mga cotton candy at mga cotton balls!
akala ko pa nga dati pwede mahawakan ang mga ulap!
akala ko pa nga pwedeng umupo doon eh!
oh well akala ko lang lahat!
[Reply]
January 30th, 2010 at 5:48 am
akala ko din dati galing sa ulap ang cotton candy. naiimagine ko na merong eroplano na naglalagay ng food coloring sa ulap tapos “hinaharvest” nila yung cotton candy. tapos nag fieldtrip kami sa manila zoo tapos nakita ko kung paano ginagawa ni manong tindero yung cotton candy. akala ko pag nagpaikot ka ng hangin magiging cotton candy sya. paguwi ko, sinubukan ko tusukan ng stick yung bentilador namin para tingnan kung makakagawa din ako ng cotton candy. nasira yung elesi. :/
[Reply]