Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 67

lutulutuan

Hilig ko ang pagluluto, walang duda na nadala ko ang hilig na yon mula noong bata ako hangang ngayon.

Sa lahat ng risky plays noong bata ako, ang lutulutuan ang isa sa mga pinakagusto ko. Gusto ko may totoong apoy talaga, at totoong lulutuin. Iba ito sa bahay-bahayan kasi mga gamit lang sa pagluluto ang kelangan mo ay okey na.

Kaming magpipinsan ang mahilig dito, kukuha kami ng mga lata ng sardinas sa likod ng bahay nina lola at posporo. Bahala na yong ibang sasali sa ibang resources. Ang pinakaswak na lutolutuan namin nun ay yong lata ng mah ling.

Naranasan na namin masunugan ng bahay-bahayan dahil sa lutulutuan na yan. Yong kasing pinsan kong isa inilapit nya sa dingding na tagpi-tagping sako yong apoy kayo ayun nasunog ang buong bahay-bahayan, buti na lang wala si lolo ng mga oras na yon at kami kami lang kasi kung nagkataon magiging hitlist kaming lahat sa palo.

Hindi maiwasang mapaso kami dahil sa larong yan, pero to the rescue naman ang aloe vera na aming first aid para pantapal sa napaso, yon ang turo ni lola.

Dati pa man gustong gusto naming maglaro nito, ewan ko nga ba kung bakit hindi kami naging cook ng mga pinsan ko, stepping stone sana namin yun di ba?

O sya yun lang ang maikukuwento ko, busy kasi ako sa bagong pinagkakaabalahan ko.

9 Responses to “lutulutuan”

  1. p0kw4ng Says:

    ahahaha namiss ko tuloy bigla ang bahay bahayan at luto lutuan na yan! yung mga palapa ng niyog ang gamit namin dati,hehehe

    [Reply]

  2. blak3nwayt Says:

    naglulutu-lutuan din ako dati at ang malupit pa dun yung mga gawa sa clay talaga yung mga materyales namin. totoong bigas din.
    at hindi talaga namin kayang magluto! inabot kami ng limang oaras para lang iluto ang kanin at takam na takam a kami sa niluto namin. tig-iisang kutsara! heinaku!

    [Reply]

  3. yhen Says:

    hehehe lutu lutuan ba kamo? madalas naming niluluto mga makukulay na dahon… para happy… hehe

    [Reply]

  4. Jules Says:

    soloden.comHahaha. Naalala ko nung panahon pa namin. Kasama ko ang bunso kong kapatd na babae. Nagluluto kmi gamit ang mga palayok na malilit, set sila pangluto. Magluluto kmi ng bigas atsaka ng adobong talbos ng kamote para ulam. Hahaha, tlga nmang masarap dahil luto sa palayok. =D

    Summer
    A Writers Den
    Brown Mestizo

    [Reply]

  5. Mr. Nonsense Says:

    mas type ko eh bahay-bahayan…dito nagmula ang sex-ed ko :)

    [Reply]

  6. Ax Says:

    oist mhar, babati lang! merry christmas!

    [Reply]

  7. eli Says:

    mhar..sunog na yong niluluto mo! haha

    merry christmas…..!

    [Reply]

  8. jeloryle Says:

    hay… naalala ko rin lutu-lutuan namin nun… gambas yata yung niluluto namin.. mga ganun. wahahahaha

    [Reply]

  9. Ax Says:

    oist mar, di pala ako nakapagcomment ng maayos dito. lutulutuan, ginagawa rin namin yan. at tama, mag malalapad na delata ang swak na swak sa lutulutuan. syempre, mawawala ba naman ang panghalo tulad ng stick at makakaligtas ba ang mga dahon ng ampalaya, santan, makahiya, at malunggay sa mga sangkap na lulutuin?

    at aminin mo, pagandahan ng presentation pagkatapos. hehe.

    [Reply]

Leave a Reply