Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 67

si santa

christmas-gift-in-socks_1024x768

Hindi ko maikakailang dumaan din ako sa pagkabata, at dahil dyan naenjoy o naeenjoy ko ang bawat christmas.

Noong bata ako, pagsapit pa lang ng december marami na akong gustong makuha mula kay santa klaus. Gumagawa talaga ako ng letter sa kanya tapos sinasabit ko sa bintana tuwing matutulog ako yon kasi ang sabi sa akin ng tita ko para daw mabasa ni santa pag dumaan habang tulog ka.

Si santa na ata ang pinaka-known na personalidad pagdating ng christmas na pati Siya na may berdey e nakakalimutan na.

At pagsapit ng 24 ng gabi ilalabas na naming magkakapatid yong medyas namin, mas malaki mas okey. So ang ginagawa ko inunahan kong halungkatin yong medyas ni tatay at isasabit sa bintana. Kada bintana nilalagyan ko ng medyas. Tuwang tuwa ako pag nakakatanggap ako ng kendiint, nougat, lips candy, sugo mani, at mga kendi na makikita sa aming sari-sari store. Sabi ni nanay, naubusan na daw kasi si santa kaya bumili na lang sya sa tindahan namin, napakathoughtful talaga ni santa.

Grade 4 na ako nang malaman kong di tunay si santa nalaman ko lang ito sa bunso naming kapatid, nakita nya raw kasi si nanay na naglalagay ng kendi sa mga medyas. Tragic ang pangyayaring yon sa akin. Parang pinagkaitan ako ng prebilihiyo bilang isang bata.

So since nalaman na ni bunso kung sino ang tunay na santa sa aming bahay, that following christmas wala nang nagsabit ng medyas sino pa ang maniniwala, si bunso? sya nga tong nakabuking. Empty window na ang naging drama ng aming bintana tuwing christmas. Wala nang medyas.Kasi…

…direkta na namin itong hinihingi kay santa.

Magaling sa math si santa, lahat kasi kaming magkakapatid pantay-pantay ang natatanggap. Kung sa laruang tagutaguan hindi mo mapapataya si santa, napakagaling. Kay santa ko rin nalaman na wala syang pinipiling medyas malaki man o maliit pare-pareho ng laman. At higit sa lahat sweet din pala si santa kasi lahat kaming magkakapatid nakatatanggap ng note tulad ng ‘pakabait ka, mahal ka ni santa’.Napakasimple.

Ikaw anong kwentong santa mo?

thanks to http://mi9.com/datawallpapers/data/15/1178/1164434790/christmas-gift-in-socks_1024×768.jpg

Tags: , , , , ,

7 Responses to “si santa”

  1. jasonhamster Says:

    madalas kong matanggap kay santa ay chocolates na snickers, milkyway, hersheys at iba pang matatamis. pag gising ko nagkukumparahan pa kaming magkakapatid, eh equally distributed din naman. parang ung sa sinabi mong magaling sa math si santa. hehehehe

    yng medyas na nilalagay ko yung maliit lang. kaya ang hirap kunin ng laman.

    Ako nung highschool ko nalamang si santa ay si daddy
    nang malaman kong may 500 pesos sa medyas na sinabit naming mga magkakapatid. watda!! si santa na nag eenglish at nag Hohoho na dapat ay hehehe ay may perang pesos? hahahah

    [Reply]

  2. p0kw4ng Says:

    ahahaha napeke din ako ng santa na yan…lagay lagay kami lagi ng medyas dati…pag nadadamihan si santa sa medyas na nakasabit eh kahit ano lang ang nilalagay tulad ng bote ng alcohol o kaya ng polbo,hehehe

    hapi pasko taympers!

    [Reply]

  3. Recipes for Distraction Says:

    Merry Christmas!!! :)

    [Reply]

  4. Mr. Nonsense Says:

    kala ko mas marami ang akin noon sa akin kesa sa kapatid ko dahil mas maraming barya. yung matuto akong magkwenta ng pera eh pareho lang pala….puro barya lang yung akin.

    [Reply]

  5. jasonhamster Says:

    kamusta na mAr!!!

    happy new year at happy three kings sayo!!!

    kamusta!!

    patumbling muna dito!!

    HADOUKEN!!!!!!!!!!!!

    [Reply]

  6. charm Says:

    naaalala ko nung bata ako, palakihan kami ng medyas na paglalagyan ni santa, pero yung santa namin, hindi magaling sa math. wahehe. sa ‘kin ang pinaka okay na gift dahil sakin din ang pinakamalaking medyas e. haha :)

    [Reply]

  7. Ax Says:

    kamusta ka?

    [Reply]

Leave a Reply