tamad

Okey, okey, okey alam kong matagal ko nang di na-update tong blog ko dahil sa katamaran. Wala kasi akong maisip na magandang maikwento ngayon. Dumaan na ang pasko at bagong taon pero kinaligtaan kong magpost ng kahit ano bilang anticipation sa mga nabanggit na okasyon, kumusta naman yun? Dumaan na ang 13th month at christmas bonus pero nagmistulang blangko ang taympers. Katamaran? oo aminado ako. Kaya ito maikliang post lang to.
so anong meron? wala.
Bakit ka pa magba-blog? para muling maramdaman ang presensya ko sa blogworld.
Feeling mo namiss ka ng blog world? hindi.
Pero namiss mo mag-blog? oo naman.
So ano ngang meron? wala.
Eh bakit andito ka? para masabing buhay pa ako.
Kumusta ka naman? ito tao pa rin.
Bakit nagtatransform ka ba? depende sa morph ng katawan ko.
Kung papipiliin ka sa dalawang babanggitin ko ano gusto mo maging; durugista o baklita? baklitang durugista.
hahahaha. Bakit ka natawa?
wala. mukhang kasing bagay sa yo! hahaha leche!
so ano ngang meron? wala nga.
wala man lang bago sa yo? maliban sa lumalaking tyan ko wala na akong maisip na bago.
tumataba ka ba? hindi.
e pano mo nasabing lumalaki ang tyan mo? malnourished.
dali na magkwento ka! tulad ng?
mga nangyari sa yo nitong huling buwan at linggo. hindi ka-intere-interesado.
weeeh? oo nga.
grabe naman yang katamaran mo at matagal mo akong naiwan sa ere. sere nemen.
so palagi mo na akong ia-update nyan? siguro, ewan, depende, malamang.
bakit walang kasiguraduhan? hindi ko alam.
boring ba ako kausap? pop corn gusto mo?
sex na lang. ????
tigang ka?
oo. parehas tayo.
wahahahahaha….
tatamarin ka pa ba? hindi ko al…
“wala masama kong nasa normal state ka at mag-hiatus ang utak at katawan mo dahil yon ang gusto mo, ang masama nyan gusto mong magtrabaho pero hiatus ang utak at katawan mo, in short paralisado ka. “ -wen temed
Tags: juan tamad, tamad

January 20th, 2010 at 11:26 am
Hello …
2010 na… Happy 2010!
Iunat ang katawan at magbanat banat ng buto… Ugaliing mag-update ng bl;og… Kailangan ka nga Blogosphere!
hehe
[Reply]
January 21st, 2010 at 11:24 am
cheers!
wag tamadin
magsulat lang ng magsulat ng kahit ano
it’s my first time here cheers! visit my blog
[Reply]
January 25th, 2010 at 4:01 am
same here… hiatus
[Reply]
January 29th, 2010 at 3:12 am
ako nga din..inabot ni wen temed! ngayon lang ulit bumabawi….
hapi nyu yir sayo at salamat sa pagdaan sa bahay ko kahit walang tao!
[Reply]