Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 67

pritong tilapya

Pebrero na pero halos mabibilang lang sa daliri ang naipost ko nitong january, ni di ko man lang naipost ang new years resolution ko. tinamad kasi talaga ako, nawalan ako ng ganang mag-blog at sa tingin ko e  lahat naman ng bloggers e nakararanas ng ganun (siguro).

Ano ang paborito mong ulam, lalo noong bata ka pa? Ako pritong tilapya tapos yong sawsawan e kamatis o kaya calamansi na may toyo, solb! Noong bata ako yon ang madalas kung ipabili sa mama ko, kahit hindi kumakain ang mama ko ng isdang taba lalo na ang tilapya madalas nya akong ipagprito nito kahit yong kamatis na lang yong inuulam nya e masaya na syang nakikita nya akong kumakain ng magana at kahit na napuputakan sya ng mantika.

Peborit ko tong ulam na ‘to at all times. Masarap kasi. Kaya pag umuuwi ako sa probinsya namin ipinahahanda ko tong ulam na ‘to at dahil dun mas napaparami ang kain ko.

Kung papiliin ako kung cellphone o pritong tilapya sa peborit kong ulam pa rin ako.I cant ask for more kung ito na ang ulam na nakalapag sa hapag-kainan. Ikaw anong paboritong ulam mo?

Tags: ,

7 Responses to “pritong tilapya”

  1. pinkdiaries Says:

    base ba ako?!

    base nga..

    BASE!! :-)

    [Reply]

  2. pinkdiaries Says:

    sarap namn nyan.. ako peborito ko tosino, tapos sawsaw din siya sa kalamansi with toyo.. hehehe.. :-)

    padaan!

    pa x link ha?!

    [Reply]

  3. Mr. Nonsense Says:

    picture palang at talap na! tapos eh me toyo at kalamanshi pa. yummm

    [Reply]

  4. jason Says:

    oks lang taympers.. kahit ako tagal ko rin di nakakapagpost at bilang din sa daliri posts ko nung january.
    wag lang natin ipressure sarili natin diba? ayos ba??

    pagkabukas ko pa lang ng site mo bumulaga na ang tilapia. di ko alam biglang humilab tyan ko.

    sa advertisement nilalagyan pa ng ketchup. efective ba yun?
    kung ako magpopost ng paboritong pagkain, sinigang na baboy ang lilitaw. at naka ms paint yun. hahahah

    kamusta taympers? balita?

    [Reply]

  5. Yin Says:

    Aba dapat piliin mo yung cellphone! Tapos benta natin tapos bili tayo ng sampung kilong tilapia, mantika, kamatis, calamansi, tsaka toyo. At apat na kilong bigas! Tsaka anim na litrong coke! Tsaka yosi. Hehe. At cloud 9 pala! Solb!

    [Reply]

  6. eloiski Says:

    ui apir tayo diyan! isa yan sa paborito kong pagkain… naging peborit ko siya kasi peborit din siya nila tomas en kulas ng funny komiks… nagbabasa kasi ako nun ng komiks at nagkataon pa na ang kwntuhan nila tomas en kulas eh yung sa camping nila at ang ulam nila eh tilapia! ayun! hahaha!

    [Reply]

  7. sHy Says:

    ui, gandang umaga sa inyo!!

    ulam… huwaw! cge cge… masarap ang pritong tilapya..

    noong maliit ako *ehem (erase..erase)…

    noong bata ako, ang peyborit kong ulam ay.. hmm.. chick-hen.. prito.. nung lumaki ako este tumanda, sinigang na baboy.. basta may sabaw at friendly sa aking mga tastebuds, solb ako dun!! swak na swak!

    gusto ko rin ung inihaw na pusit na may tadtad ng kamatis, sibuyas, manggang kalabaw at toyo.. ayos!! gumawa ako ng sawsawan na ganun, kahit walang ulam swak na sa akin…sarap!

    sandali, parang gusto ko na tuloy kumain kahit 6AM pa lang..

    To GOD be the glory till eternity! =)

    [Reply]

Leave a Reply