ang kulit mo!
Isa siguro sa mga achievements ko nung bata ako ay ang makaakyat ng puno na ubod ng taas. Mahilig akong mag-aakyat sa mga puno para masubukan yong thrill na tinatawag, madalas kon i-dare ang sarili ko kung hangang saan ang makakaya ko.
Minsan nang wala si nanay at tatay habang nagmumuni muni ako sa labas ng bahay ay nakita ko ang tapat naming puno ng santol. Maasim yong bunga ng santol kaya walang magkainteres para akyatin ito at bawasan ang hitik nitong bunga. Inakyat ko ang nasabing puno ng walang kagatulgatol at walang alinlangan. Sabi ko nga, trip kong hamakin ang sarili ko kung hangang saan ang kaya ko. Pero bigla ko na lang naramdaman na mapuputol yong sanga na pinapatungan ko bago pa man lumagutok ang nabaling sanga, agad kong nahawakan ang isang sanga pero hindi sapat yon para kayanin ang katawan ko.
Ganun pala ang feeling ng nakalambitin sa halos sampung metro kataas na puno, hindi ako makasigaw dahil pag ginawa ko yon feeling ko e mas madadagdagan yong gravitational pull na humihila sa akin pababa at higit sa lahat pag narinig ako ng lolo kong naiwan, kulang yong nabaling sanga para ipamalo sa akin, kung gaano kasakit ang mahulog doble ang sakit ng mapalo. Kaya minarapat ko na lang na unti-untiin yong kapiranggot na sangang pinagbibitinan ko papunta sa gawing gitna at upan mabalanse na din ang katawan ko.
Pero kung anong malas ko nung araw na yon ay ganun din ata kaswerte ng langgam para pumunta sa kili-kili ko. Oo literal na gumagapang sila sa kili-kili ko papunta sa ibang bahagi ng katawan ko. Bago pa man ako kagatin e mas pinili ko na lamang na unti-untiing pumunta sa mas malaking sanga para maisalba ang sarili lalong lalo na sa kahihiyaan.
Malikot talaga ako nung bata ako at aminado ako dyan. At dahil sa kakulitan ko noon madalas akong mapalo, pero okey lang masaya naman maglaro lalong lalo na ang pag-akyat ng puno. Meron pa nga minsan daw, kinuwento sa akin ni nanay noong bata daw ako, narinig na lang akong umiiyak sa taas ng puno ng bayabas sa edad na tatlong taong gulang. Nanay ko napaihi daw sa nerbyos kasi hindi nya alam gagawin nya kung paano ako kunin sa itaas ng puno.
Sa ngayon, matanda na ako. Alam ko na responsibilidad ko na ang sarili ko. Alam ko na ang tama sa mali. At magiging aral sa akin ang bawat palong inabot ko noon bilang paghuhulma ng isang mabuting tao.
This entry was posted
on Friday, June 11th, 2010 at 11:21 pm and is filed under mga bulok na ideya.
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed.
You can leave a response, or trackback from your own site.
June 11th, 2010 at 11:51 pm
Ako dati, alatires ang inaakyat ko at nagkataon na hindi matitibay ang sanga non.
Alam mo na ang sumunod na nangyari.
Pero mali ka.. dahil sa puno ng sineggwelas talaga ako nagdive at sugat sugat ang upper right quadrant, sa my chest ko.. Aw.
[Reply]
June 12th, 2010 at 3:02 am
hindi ko kayang umakyat ng puno. medyo takot ako sa heights. isang beses lang yata ako nakaakyat sa puno ng bayabas. mukha siyang mababa kaya napilit ako ng mgainsan ko na sumama sa kanila. success naman pero noong bababa na ako ay ‘di na ako makagalaw sa nerbiyos! \m/
[Reply]
June 12th, 2010 at 10:36 pm
di pa ako naka akyat ng puno. . pero narating ko na ang pinakamalaking puno sa buong mundo. . 200,000 years old na siya. sequoia ang tawag sa punong iyon. . i google mo try, tingnan mo kung kaya mo siyang akyatin. =)
nice post boss. teka di ka ba nalaglagag dun sa puno- sana nalaglag ka na lang para mas cool ang kwento. =)
[Reply]
June 13th, 2010 at 3:03 pm
ang sarap balikan ang mga pangyayari nung mga bata pa tayo no? at ang daming aral na dapat matutunan sa kanila.
hindi ako natutong umakyat sa mga puno. sa pader, ngayon pa lang.
pero natuto akong magbike, madapa, mahulog, magpagulong-gulong at mapalo. pero pag iniisip ko ngayon, mas maiintindihan at maaappreciate mo pala talaga sila pag malaki na tayo at kailangan nang magseryoso.
[Reply]
June 14th, 2010 at 8:14 am
Pumarito ako at baka magaon ka laan na hindi ako nagala.
Makamalikot din ako nong bata, kaya yanong sukal baya ng balat ko dahil gawa ng kwan, mga sugat sa pag-akyat sa puno ng pili, santol at niyog.
Ay, kang Mar, kamusta ka nama po?
Hala ako’y masalunga na at tanghali na.
[Reply]
June 15th, 2010 at 10:35 am
hehehe… mahilig ako umakyat sa puno dati. kaso hindi ung matataas. matatakutin ako eh. hanggang dun lang ako sa pinakaunan sanga.hehehe
Gawain ng mga kaibigan ko dati kapag umaakya ng puno, ung mga mauuna o ung mga nasa pinaka mataas ay iihian ung mga umakyat pero mas mababa sa kanila. Xempre kapag nasa taas ka ng puno at nakakapit lang sa mga sanga, mahirap umilag.hehehe kaya kapag kasama ko mga barkada ko, hindi ako umaakyat ng puno.hahaha
[Reply]
June 15th, 2010 at 8:26 pm
at dahil mayumi akong binibini, hnd ako maka relate.
chinese garter lng at piko at taguan ang naranasan ko.
[Reply]