Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 27

ang sinapit ng kawawang salagubang

3528997671_1050ee1329_o

Tandang tanda ko pa na sa ganitong buwan din noon nanghuhuli kami ng salagubang, marami non sa probinsya namin lalo na pag medyo maulan na, nagsusulputan sila tuwing gabi. Nocturnal. Humahanap sila ng pagkain nila at nagpapadami na rin ng lahi kaya naman sinasamantala namin ang panghuhuli sa kanila. Pagkatapos naming kumain ng hapunan e hinahanda na namin ang mga gagamitin, bote, isang mahabang sulo o patpat na pinalibutan ng dayami sa dulo at binudburan ng siling labuyo. Matalas ang pang-amoy ng mga salagubang kaya naman pag itataas mo na yong sulo o patpat e lalapit sila at dun na magsisimula ang party ng mga salagubang.

Madalas kong bitbit ang bote ng gin bilog, dun ko nilalagay ang mga kawawang salagubang na gagawing slave kinabukasan. Kumpol kumpol sila sa loob at parang nagmamakaawang nagsisisigaw ng “ tulong tulong mother earth, let us go! Let us go! Help help help!”. Pero dahil sa salbahe akong bata noon, ginagawa ko silang laruan.

Lalagyan ko ng sinulid yong ulo nila, saka ko paiikutin…tapos saka naman to lilipad, paikot-ikot, lilipad lipad, paghihinto paiikutin ulit muli na naman tong lilipad, paikot-ikot hangang sa tuluyan tong mapagod. Sa isang batang tulad ko noon, hindi matatawaran ang sayang dulot nito sa akin. Tuwang tuwa ako. At pag kulang pa ang hatid nitong tuwa e gumagawa pa ako ng maraming marami pa, saka ko sila paliliparin. Paikot-ikot, lilipad lipad.

Maliban sa kuto at bulate sa katawan, ang salagubang ang naging unang pet ko. Tinuro sa akin yun ni nanay kung paano sila gawing kaibigan. Kasama si nanay ginagawan namin sila ng bahay gamit ang karton ng sigarilyo. Masaya kasi natutunan ko din silang pagpahalagahan sa huli. Although nangyayari  pa rin yong paiikutin at paliliparin hangang sa mahilo.

Ikaw naging salbahe ka rin ba sa salagubang?

photo credits http://farm3.static.flickr.com/2197/3528997671_1050ee1329_o.jpg

Tags: , , ,

11 Responses to “ang sinapit ng kawawang salagubang”

  1. NoBenta Says:

    paborito ko rin ang mga salagubang. at tulad mo, ginagawa ko rin silang saranggola. minsan naman ay propeller ng bangkang papel. at madalas naman at pinag-aaway namin sila at pinag-pupustahan!!

    rakenrol \m/

    [Reply]

    taympers Reply:

    di ba ansaya laruin ang salagubang? masarap silang pagdiskitahan. teka ano bang probinsya mo nobs?

    [Reply]

    NoBenta Reply:

    laking Cubao ako pero sa Ilocos Sur ang probinsya ng erpats ko. nakakahuli kami ng salagubang sa bakanteng lote malapit sa amin. noong hiindi ba masyadong developed ang lugar namin.

    [Reply]

  2. Ax Says:

    Ako oo. Pero nanghihinayang ako kase ang gaganda ng kulay nila. Parang bawal patayin!

    Haha, may salagubang post din si Jezon. Ano ang tawag sa gold na salagubang? Argh. Nakakimutan ko! Or wala talagang tawag?

    [Reply]

    taympers Reply:

    salaginto ata tawag dun. maganda silang kunan lalo na pag macro shots. hahaha gumaganun o. hahaha. uy namiss ka ng blog ko.

    [Reply]

  3. kikilabotz Says:

    ako nilalagyan ko sila ng babolgam sa likod at pagwwrestlingin ko sila..haha

    [Reply]

  4. Yj Says:

    ako ang diyosa ng mga salagubang hahahahaa

    [Reply]

  5. yhen Says:

    hehehe nilaro ko rin minsan ang insektong to… hehe

    nwei, pero mas gusto kong nilalaro ang tipaklong… hehe

    [Reply]

  6. eloiski Says:

    hindi ko nalaro ang salagubang. hanggang gagamba talaga ako eh. mahal na mahal ko ang gagamba. ayun lungs naman.

    pinsan ko naglalaro nyan eh. hakhak!

    [Reply]

  7. 80's Pinas Says:

    hi! thank you ha for taking your time to leave a comment on one of my posts sa aking blog. Ginanahan tuloy ako magblog ulit. Ang sarap kasi irelive ang pase eh no? =) i browsed through your blog and i love your pictures..lalu na yung umuulan! galing! goodluck with your blog writing! njoy!!! =))

    [Reply]

  8. busyokology Says:

    mhar, gusto ko sa salagubang binusa. masarap yun. hehe

    [Reply]

Leave a Reply