tats da kolor…
Isa na ata sa mga pinaka-bias na laro ang touch the color. Oo aminadong aminado akong nilaro ko to nung bata ako. Bale ganito ang magiging siste, syempre may taya tapos may mga slave kumbaga. Sasabihin lang ng taya na touch the color…pink! tapos hahanap kayo ng mga bagay na may kaugnayan sa pink, pwedeng pante, pwedeng brip, pwedeng headband, pwedeng kulangot basta lahat ng bagay na may shade ng pink. Depende rin pala ito sa rules ng laro, kung ang rules e dapat damit nyo lang ang hahawakan pag may nabanggit na kulay e talagang bias na kung bias. Alam mo kung bakit…
Nung bata ako mahilig akong makipaglaro pero pikon ako, kaya naman may mga nakakaway ako. Pag ang larong tats da kolor na ang laro e paniguradong talo ako, kasi pag yong kaaway ko na ang taya pipili sya ng kulay na wala sa damit ko. lintekan di ba? tapos andami daming kaartehan sa paghahanap ng kulay malay ba namin nung bata kami ang mga kulay na turquoise, lavender, tangerine, carnation maroon, at mimic sky blue? lintek di ba?
So ganun nga, minsan nagiging tanga na kami sa paghahanap ng kulay e nadadaya pa. Minsan napupunit naman mga damit namin sa kahihila o dili kaya ang puting daming nagiging brown dahil sa dumi ng mga kamay. Minsan nagkakasuntukan pa kami dahil sa larong to. hahaha
Wala nang sasaya pa sa pakikipaglaro, wala nang sasaya pa sa pagpili ng bawat kulay, at higit sa lahat wala nang sasaya pa sa paghahanda para sa damit na sususuotin kahit magmukha ka nang color-color sa perya. Ganun kasi kami nun, pinaghahandaan yong damit na isusuot mas madaming kulay mas bida!
Nalaman ko na lang nito lang, na ang buhay pala ng tao regardless kung anong kulay nito matingkad man o mapusyaw, nasa sa atin kung paano natin yon i-embrace para sa sarili natin, kung paano natin tanggapin at pag-ukulan ng tamang desisyong makakaapekto sa buhay mo. Sabi nga, makulay ang buhay!
photo credits: http://thundafunda.com/3993/?level=picture&id=3361
Tags: google, paano maglaro ng tocuh the color, pink, tocuh the color game, touch the color


June 1st, 2010 at 3:30 pm
wow, touch the color! naglalaro rin kami nito dati. at ang pinakaayokong color ay ang indigo dahil hindi ko alam ang kulay na ‘yun kahit kasama siya sa ni ROY G. BIV!
[Reply]
June 2nd, 2010 at 4:59 am
napadaan dito…ganda ng layout at color mo dito kaya naman tats the color egg yellow!.
[Reply]
June 3rd, 2010 at 6:09 am
napipikon ako sa laro na ‘yan, color blind ako. malimit iniisip ko at pakunswelo ko sa sarili na dinadaya ako.
[Reply]