Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 27

lupa

Bata ka pa noon nang matutunan mong tumakas sa pagtulog sa tanghali, alam kong ilang beses mo na ring nabanggit yun dito sa blog mo. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideyang yon pero parang likas na sa yo ang pagiging pasaway. Napakalikot mo, napakakulit. Hindi ka maibabaon sa iisang hukay lang ika nga. Siyet ka.

Naalala mo nang minsan nawili kang maglaro ng lupa o alikabok sa likod ng bahay nyo. Kumukuha ka ng kutsara sa kusina nang patakas para may pangkayod ka, at yong basyng star margarine para may laruan ka. Mag-isa ka lang. Iniipon mo yong lupa tapos gagawa ka ng bundok-bundokan, mas marami mas masaya. Tapos saka mo palihim na iihian yong lupang inipon mo. Nakakadiri ka! pero wala sa yo yon dahil sa musmos mong gulang. Atig ka!

Tapos saka mo gagawing clay toys! na sya namang lalaruin ng kapatid mong maldita. Ginagawa mong maliliit na bola saka mo ipapatuyo sa ilalim ng araw. Kawawang kapatid mo, walang kaalam-alam kung panu mo ginawa. Gusto ko sanang tumawa pero bawal dito.

Kukuha ka noon ng dahon ng saging tapos gagawa kayo ng kapatid mo ng pinalapot na lupa o putik na. Syempre wala na dun ang pag-ihi mo sa lupa dahil andyan na kapatid mo. Ilalagay nyo doon sa dahon ng saging saka gagawing clay. Napakaresourceful nyong dalawa kasi kahit yong pera perahan nyo e dahon din ng saging. Apat na taong gulang ka noon, tatlong taon naman ang kapatid mo, ini-enjoy nyo ang paglalaro kahit hindi ganun ka condusive dahil ilang hakbang na lang e nandyan na yong  nuno ng punso na pinaniniwalaan nyong may nakatirang dwende.

Pagkatapos nyong maglaro, saka nyo iiwanan ang kalat. Otomatik yon, kung sinong maiiwan sya ang magliligpit ng kinalat. Pero walang papatalo kaya otomatik ding dumadakdak ang bunganga ng nanay pag nakikita na ang kalat nyo.

Gaya ng lupang nilaro nyo, may hangganan din ang paglalaro. Nagbigay ng galak at tuwa pero magtatapos din sa bandang huli. At yun nga ang nangyari sa akin. Namimiss ko na kayo, di ko man kayo nabantayan mula paglaki hangang ngayon sa pagtanda nyo e atlis alam nyong may lolo kayo.

Tags: , ,

3 Responses to “lupa”

  1. geylii Says:

    aww! nakakatuwa
    naaalala ko tuloy nun kabataan
    naka smart kana pla, kaya pala :D

    [Reply]

  2. NoBenta Says:

    lahat tayo ay nagsimula sa lupa. kaya sisimulan ko rin ang comment ko sa pagbanggit ng lupa. ooops, parang pang-anim na word lang siya. wala lang, feel ko lang magpa-corny para maiba naman.

    dami kong memories sa paglalaro ng lupang inihian. akala mo ikaw lang siguro ang may kaya niyan ha. ‘di ko naman naaamoy ‘yung panghi habang minamasa namin ‘yun hanggang sa magmukhang cake. niluluto pa nga namin yun sa lata over pinabagang tuyong mga dahon at little branches of sticks.

    haay…tapos darating si erpats sa tambayan namin sa bakanteng lote at hahabulin kami ng sinturon ni utol. pero pasalamat siya dahil kundi kami naglaro ng lupa ay ‘di sana kami marunong magluto ng katakam-takam na mga pagkain ngayong may mga asawa na kami.

    rakenrol \m/

    p.s.
    idol, ‘yung tisyert na (binibenta mo ba yan!) nandun sa isang page, magkano? ‘di ako bibili….manghihingi lang sana. bwahahaha!

    [Reply]

  3. Len Says:

    hahaha, lagi akong pinagagalita nuong bata ako kasi parati akong nakikipag laro sa kalsada, kaya paguwi sa bahay amoy lupa at ang dumidumi ko.. hehhe

    [Reply]

Leave a Reply