Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 27

may maliit na gagamba, gagamba…gagamba.

Apat na taong gulang ka nang una kang makahawak ng gagamba, kakaiba sa feeling pero andun yong excitement mo. Inuuhog ka pa noon kasabay ng pagpunas mo sa mangas ng tisyert mo. Gagamba kong tawagin, arachnids kung tawagin ng kapatid mong maldita at lawlaw-wa ang tawag nyong mga ilokano.

Naalala mo pa ba kung paano kinaadikan ng mga pinsan mo ang sabong ng gagamba. Sa tuwing may maririnig kang may maghihiyawan sa isang sulok ng bakuran nyo e agad kang dali daling tumatakbo para lang makapanood ng naglalabang gagamba. Sa tuwing may maririnig kang iyak ng bata e alam mo na kung anong rason kumbakit ngumangawa sya. Craze na maituturing ang labanan ng gagamba sa inyo noon. Sinong makakalimot nga ba?

Pinapagalitan ka ng nanay mo noon sa tuwing nakikita ka nyang nasa likod ng bahay tuwing sasapit ang alas-sais, nakaupo at pa-linga linga na tila nagmamasid sa ilalim ng puno ng mangga. Doon mo kasi madalas mahanap ang gagamba, kundi naman doon sa dahon ng saging. Sa ganoong oras kasi gumagawa sila ng web nila sa pamamaraan ng silking, ballooning naman ata ang tawag pag gumagawa na sila ng spider web. Tuwang tuwa kang pagmasdan sila sa ganoong posisyon, kumbaga pinapanood mo muna silang magpagod bago mo sila hulihin. Ang sama mo. Pero kontra dito ang nanay mo dahil baka matuklaw ka ng ahas, kaya ang ginagawa mo na lang e ang pagsambit ng… syoooo bawang, syooo bawang, syooo bawang! Hindi ko alam kung anong meron ang bawang na maging sa mga ahas e pangontra pa pala akala ko sa aswang lang. Pinaniniwalaan mo pa rin magpahangang sa ngayon to, umamin ka!

Gagamba din ang dahilan kung bakit bagsak ka sa writing noong first quarter ng kinder garten mo. Ginagawa mo kasing 8 yong zero dahil nasanay kang korteng otso ang tulugan ng gagamba mo gamit ang malapad na goma sa loob ng posporo. Adik ka talaga!

Pagkauwing pagkauwi mo, imbes na lecture mo sa writing ang aasikasuhin mo, e yong alaga mong gagamda sa loob ng lagayan ng film o kaya sa posporo ang uunahin mo. Imbes na lapis ang hawak mo e walis tingting ang nasa kamay mo. Tatawagin ang mga pinsan maglalaban laban ang mga alaga nyong gagamba. tsigiiiidiiigggsss!!!!! nakabibinging hiyawaan. Ngunit palagi kang talo kasi palagi kang nadadaya ng kuya mo. Kung hindi pilay inaabot ng gagamba mo e minsan naman e nagkukulang na galamay dahil sa kadugaan ng kuya mo. Wala kang magawa kundi umiyak, hindi lang iyak yong malakas na malakas na iyak. Darating ang lolo nyo, mawawala ang kumpulan, mawawala ang hiyawan, at mawawala ang kantiyawan. Ganun lagi ang eksena, paulit-ulit pero nakatutuwa.

Naalala mo nung minsang nasa hapag kainan kayo at pasilipsilip ka sa gagamba mo, sinabihan ka ng nanay mong tumigil ka kundi ipapakain ya sayo to. Hindi ka naniwala at sinabihan mo pang… ows sige nga. Walang anu-ano’y bigla mo na lang natikman ang lasa ng guitar posporo sa bibig mo.

Hindi naman talaga maitatangging napakasayang maglaro ng gagamba, napakataas ng level ng excitement nyo at talagang ansaya-saya nyo, siguro nga dahil wala pa kayong alam sa animal cruelty noon.

Mar kung dumating man yong araw na makapag-laro ulit tayo ng gagamba, ikatutuwa ko yon ng husto. Sana dumating yong araw na yon, namimiss ko na kasing makipaglaro sa yo mula noong lumipad kami papuntang amerika. Sana makapaglaro ulit tayo ng gagamba kaibigan, sana…sana.

In memory of Rogelio.

photo credits: http://farm5.static.flickr.com/4063/4483686590_1275808fbd_m.jpg

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/images/rhoda’s/bata’t_gagamba2.JPG

Tags: , , , ,

7 Responses to “may maliit na gagamba, gagamba…gagamba.”

  1. jasonhamster for real Says:

    syempre ako base! hohohoh

    basa mode

    [Reply]

  2. jasonhamster for real Says:

    grabe ganyan ka kaadik sa gagamba!

    natawa ko sa gomang korteng 8 wahaha

    ako di pa ko nakasabong.. di pa ko nakahawak..

    nakanood lang ako dati nung naglelecture teacher namin sa science about cells.

    [Reply]

  3. Pong Says:

    salamat po sa pagbisita sa munti kong blog.
    mahilig din akong maglaro ng gagamba noong bata, spider fight.
    sa kapampangan madalas naming makita ang mga matatapang na gagamba dun sa puno ng “kampapasi”

    yehey! naalala ko lamang ang kabatan ko.

    salamat po!

    [Reply]

  4. paps Says:

    nakaka iyak naman yang post na yan….

    pero di ako nakapag laro ng gagamba . . nakakanood lang ako sa mga ibang kids

    [Reply]

  5. NoBenta Says:

    gagamba. wala namang dumaan sa pagkabata na hindi nahilig dito. kahit na nasa cubao kami ay naghahanap kami ng gagambang talahib sa bakanteng lote. kapag wala naman doon ay gagambang bahay nalang – yung nahuhuli sa may fluorescent light! minsan, lumapit ang utol kong si pot at may dalang gagamba. paksyet, gagambang kubeta! yung parang trantula ang laki. yung may itlog na kinukuhaan ng numero ng weteng!

    meron naman akong kaibigan na adik. minsang nakakita siya ng gagamba sa walis nila ay hinuli niya ito at ipinagyabang sa amin na may nahuli siyang gagambang tambo!

    ang dami ko dating kahon ng posporo. kahit di pa ubos at isinisindi ko na lahat ang palito para may bahay ang mga alaga ko.

    isang araw, bigla akong nakagat ng gagamba. sa ‘di ko alam na kadahilanan, natakot na akong humawak after noon.

    tama na ang comment. ‘di ko ito blog. dalaw ka sa bahay ko

    rakenrol \m/

    [Reply]

  6. iaintme Says:

    nice blog! hanlufett!! :)

    [Reply]

  7. aimee Says:

    hi! mga gagambang ito ang matagal ko nang inaaral; kung hindi abala, saan ka dati naglalaro at mga anong year; sinusubukan ko kasing i-document ang kultura ng paglalaro ng gagamba sa Pilipinas bago ito makalimutan; thanks

    [Reply]

Leave a Reply