Mik-mik
Hindi pa uso noon ang boy bawang, kaya mik-mik ang madalas naming pagtripan ng mga pinsan ko. Bumibili kami sa tindahan ni Apong Pasing tuwing uwian sa hapon pagkagaling sa eskwela saka naman namin lalantakan pag nakarating na kami sa bahay habang nanonood ng mojacko.
Ibang thrill to kainin, minsan masasamid ka dahil yong pulbos deretsong mapupunta sa lalamunan mo. Minsan naman e lalabas sa ilong mo lalo na pag nagkakatawanan na. Ang teknik dito e dahan dahan lang ang paghigop saka mo biglang isasara yong bibig mo saka mo lalasahan ngayon yong gatas.
Yong kapatid ko namang maarte ang ginagawa nya e nilalagay nya sa baso saka nya dudukot dukotin gamit ang daliri. At pag nagsawa na kami e lalagyan na lang namin ng tubig at asukal saka iinumin. Hindi masyadong masarap pag ganun. Mas okey pa rin talaga pagsinusopsop. Ayos na ayos yon!
Thanks to: http://images.eggay.multiply.com
Tags: gatas noong bata ka, mik mik gatas, mik mik powdered milk

June 23rd, 2010 at 7:39 pm
mik-mik!! sarap niyan kainin o inumin. hindi kumpleto ang experience kapag walang straw na kasama! \m/
[Reply]
June 24th, 2010 at 10:28 am
I miss this one
cool
[Reply]
June 24th, 2010 at 2:50 pm
waaah! namiss ko yang mikmik na yan!
hakhak!
naadik din ako dyan bukod sa boybawang!
hakhak!
[Reply]
June 26th, 2010 at 4:56 pm
ito ung may straw na kasama? kulay pula ata ang lalagyan.
masarap nga.
[Reply]
June 30th, 2010 at 6:01 pm
yan ang pagkaing imposibleng di ako masasamid..
nakakainis! pero swabe ang sarap.. hehehe
salamat sa pagdaan sa LUngga ko..
[Reply]
July 2nd, 2010 at 5:51 pm
Haha. Naalala ko tuloy ang kabataan ko.
MIKMIK ang madalas binibili ko teka tig pipiso pa din ba yan?
[Reply]