Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 27

taguan tinakbuhan

taguan

Alam mo yong feeling na eksayted kang maging taya sa larong taguan? Andun kasi yong thrill na kaya mo silang hanapin kahit saang sulok ng kabahayan? Yong feeling na alam mo ikaw ang mananalo, yong feeling na alam mo may susunod na maging taya sa yo. Alam mo yon?

Super eksayted ka. Mega effort ka sa paghahanap. Pawisan. Nainiip. Pero hanap ka pa rin. Subalit ang tanging nahanap mo ay ang dahilan ng kanilang kawalan… hindi ka nila tinaguan kundi tinakbuhan. Ang malas mo lang, dahil ang inakala mong taguan ay nauwi pala sa takbuhan. Takbuhan dahil nagsilipad sila sa kapitbahay para maglaro ng teks at pogs.

At alam mo yong feeling na nanlumo ka, magkahalo ang galit at disappointment. Oo ganun yun. Walang kasing sakit sa loob. At madalas mangyari sa akin yan noon.

photo credits: www.pinoyexchange.com

3 Responses to “taguan tinakbuhan”

  1. NoBenta Says:

    hahaha. nangyari rin sakin yan noong bata pa ako. at para maging even, nung minsang taya ako, ako naman ang tumakbo papuntang bahay namin!

    [Reply]

  2. geylii Says:

    hahah ! bad un . pero ako pag ako kahit ako ang taya o ako ang nagtatago basta pag alas-sais na wala ng makakakita sakin kasi uuwi na ako . ghost fighter na!! hahahaha
    pero kalimitan pag ako ang taya mag ssuggest ako ng ibang laro. haha! ayoko ng naghahanap. iniisip ko kasi baka kagaya ko sila na sa sariling bahay nagtatago. haha !

    [Reply]

  3. J. Kulisap Says:

    Nakakabadtrip talaga ‘yan.

    Sir, ako po ay muling nag-aanyaya sa inyo na makilahok sa Kamalayang Malaya Espesyal na Edisyon kontes.

    Marami pong salamat.

    Positibo po ang aking paniniwala na sasali po kayong muli.

    [Reply]

Leave a Reply