Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 27

hu is me?

< ””>: Pangalan?
ako: Mar po.
< ””>: number?
ako: +639189485724!
< ””>: hindi cp no.! yang hawak mo!
ako: ah ito po,666.
< ””>: Tigasan?
ako: madalas po.
< ””>: hindi yun!
ako: ahh Pasig po, minsan umuuwi po ako ng Tarlac.
< ””>: San dun?
ako: Sa ano po…umm sa an- *kamot ng ulo*
< ””>: o sya di bale! ilang taon ka na?!?
ako: 19 po.
< ””>: sinungaling! yong totoo!
ako: 21 po.
< ””>: yong totoong-totoo!
ako: 22 po.
< ””>: ilan kayong magkakapatid?
ako: tatlo po.
< ””>: panganay?
ako: opo.
< ””>: ano tinapos mo?
ako: bato po.
< ””>: bulseyet! di yun!
< ””>: anong tinapos mong kurso, gagu!
ako: wala po.
< ””>: marunong kang magbasa?
ako: medyo po.
< ””>: e magsulat?
ako: opo.
< ””>: magluto?
ako: ng ano po?
< ””>: pagkain. syempre! tanga!
ako: opo.
< ””>: mahilig kang magsulat?
ako: opo.
< ””>: saan?
ako: minsan sa papel, minsan sa bus po, minsan sa blog pero madalas sa pader po.
< ””>: tingin mo tama yun?
ako: alin po?
< ””>: magsulat.
ako: opo.
< ””>: bakit?
ako: para may basahin ang mga babasa.
< ””>: anong trabaho mo?
ako: madami po.
< ””>: so mayaman ka?
ako: hindi po.
—-
< ””>: anong hilig mo sa buhay.
ako: magpayaman po.
< ””>: dahil sa?
ako: gusto kong makatulong sa Makati Business club po.
< ””>: sa tingin mo matalino ka?
ako: hindi po.
< ””>: bakit hindi?
ako: kasi po wala pong anumang bagay na magiging basihan kung paano mo susukatin ang katalinuhan ng isang nilalang, kung meron man po ginawa lang yun para sabihing matalino sila, maniwala po kayo.
< ””>: bakit kita paniniwalaan?
ako: katulad ng di pagsang-ayun nyo po ay isang basihan na rin na nagkakaiba tayo ng paniniwala– ibig sabihin nagkakaroon po ng pagsasalungat sa ating paniniwala kung sino ang matalino sa hindi, sa guapo sa hindi, magkaiba ang sinasabi ng ating utak, magkaiba ang ating utak.
< ””>: para san ang I.Q?
ako: para san naman ang E.Q?
< ””>: para san ang critical thinking?
ako: e para san naman ang metacognitive thinking?
< ””>: uulitin ko, sa tingin mo matalino ka?
ako: hindi.
< ””>: bakit?
ako: kahit sabihin kung oo, kung hindi ang sinasabi ng utak mo—wala ring silbi ang magiging sagot ko.
< ””>: gusto kita bata. nanonood ka ba dati ng sineskwela at mathinik?
ako: opo. batibot alam nyo?
< ””>: hindi.
ako: *ngisi*
< ””>: teka matuloy tayo. bakit ka nandito?
ako: di ko po alam.
< ””>: kala ko ba matalino ka?
ako: wala po akong sinabi.
< ””>: anong sports mo?
ako: jakston po.
< ””>: seryoso???
ako: hindi po.
< ””>: e ano?
ako: kung matatawag na sports po ang pagiging masayahin, malamang champion na po ako.
< ””>: so sports mo ang tumawa.
ako: hahahahahaha
< ””>: *iling* tsk.tsk.tsk.
< ””>: baliw ka ba?
ako: blanko.
< ””>: BALIW KA BA??!?
ako: blanko.
< ””>: okey, anong kinakareer mo?
ako: marami po.
< ””>: tulad ng?
ako: umm…ano po…umm makipagkapwa-tao.
< ””>: career ba yun?
ako: sa tingin nyo po?
< ””>: e anong ginagawa mo?
ako: magbilang ng TAO, pero madalas konti lang po nabibilang ko, mas marami pong pakitang-tao.
< ””>: ayaw mo ba sa kanila?
ako: super.
< ””>: plastik ka ba?
ako: TAO po ako.
< ””>: e sinong lumikha sa yo?
ako: Siya.
< ””>: sinong Sya?
ako: yong Diyos ko.
< ””>: diyos-diyosan mo? naniniwala ka ba dun?
ako: oo sa Kaniya.
< ””>: di mo nga sya nakikita panu mo nasabing existing sya?
< ””>: to see is to believe di ba?
ako: minsan di kelangan ng mata para makita ang bagay na pinanghahawakan, kundi puso para maramdaman.
< ””>: naks! gumaganun oh! di mo sya nakikita, panu mo nasabing nandyan sya sa puso mo?
ako: kaya meron po tayong pandama bilang solusyon dyan sa tanong mo.
< ””>: so naniniwala ka sa Kaniya?
ako: opo.
< ””>: e sa akin?
ako: opo.
< ””>: bakit?
ako: kelangan pa bang i-memorize yan?
< ””>: may friendster ka?
ako: facebook po.
< ””>: may friendster ka?
ako: facebook po.
< ””>: MAY FRIIIIEEENDSTEEER KA?
ako: facebook po.
< ””>: bakit ayaw mo sa frendster?
ako: cheap.
< ””>: subra ka naman.
< ””>: anong nagagawa ng internet sa yo?
ako: maging malibog po, magsinungaling at dumami ang prends.
< ””>: ano pa?
ako: ang ngumiti ng mag-isa.
< ””>: sa tingin mo tama yun?
ako: hindi po binibili ang ngiti, so dapat lang po.
< ””>: umiiyak ka ba?
ako: blanko.
< ””>: umiiyak ka ba?
ako: blanko.
< ””>: UMIIYAK KA BA?
ako: maliban sa pag-ihi san ba dapat mapunta ang excessed water na na-accumulate ng aking katawan?
< ””>: so umiiyak ka nga?
ako: ayokong sabihing oo.
< ””>: dahil?
ako: marami ang di maniniwala.
< ””>: kasi?
ako: KASI ANG ALAM NILA PARATI AKOOOONG MASAAYAAA! PERO MALI SILA. TAO AKONG NASASAKTAN, TAO DIN AKONG UMIIYAK.
< ””>: pride lang yan.
ako: kagagawan mo.
< ””>: mapunta tayo sa schooling mo. college drop-out ka daw?
< ””>: … *kamot-ulo*
ako: hindi po.
< ””>: nag-aral ka bang mabuti.
ako: opo.
< ””>: kunsabagay iskolar ka ng bayan, tama ba ko?
ako: blanko.
< ””>: e panu na lang ang future mo?
ako: masaya na ako.
< ””>: kontento ka na ba dun?
ako: hindi.
< ””>: kung isasanla mo yang kaluluwa mo para maging mayaman ka, papayag ka ba?
—–
ako: blanko.
< ””>: kung magiging presidente ka ano plano mo?
ako: wala.
< ””>: bakit?
ako: dati pa man mula nung kay Emilio Aguinaldo hanggang ngayon puro na sila plano, bulok ang klase ng aming gobyerno!
< ””>: e anong gusto mo?
ako: patayin ang mga makapangyarihan.
< ””>: di pwede baka mamatay ang diyos-diyosan mo.
< ””>: e kung ikaw na lang kaya ang kapalit para lang ang pilipinas ay umasenso.
ako: wag na, kulang ako, baka abonado ka pa.
< ””>: e sinong gusto mo?
ako: lahat ng tumakbong kandidato sa pagkapresidente na nitong nagdaang eleksyon!
< ””>: sige payag ako, maliban kay erap na kinakapatid ko.
ako: bakit sya iniwan mo?
< ””>: basta malalim ang aming pinagsamahan.
ako: kaw bahala.
< ””>: o sya, hintayin mong may magbago sa loob ng animnapung segundo.
ako: e panu pag wala.
< ””>: sorry, no return no exchange.
ako: ok go!