cotton candy
Sunday, November 29th, 2009Done with the sugar-coated emotion.
Ngayon naman ikukuwento ko kung ang tungkol sa cotton candy. Noong bata pa ako ‘kala ko nun na ang cotton candy ay ulap na kinulayan ng kung anong trip na kulay ni manong tindero. Kaya aliw na aliw ako pag may malalaking ulap sa kalangitan, ini-imaigine ko kung anong kulay ang pupuwedeng ikulay sa kanila.

Hindi maiaaliss na tuwing piyesta sa aming barrio may nagtitinda ng cotton candy, napakumon na yong makikita si manong tindero na may pnapadyakan para may isang makinang iikot at dun kinukuha ang cotton, pero nung mga panahon na yon akala ko talaga ulap ang cotton candy. Wala akong pakialam basta alam ko masarap ang cotton candy.
Grade 2 ko na lang nalaman na gawa pala ang cotton candy sa asukal. Hindi ko alam ang proseso. Pero sa row 4 ko pa nalaman na gawa nga ito sa asukal. Nagulat ako syempre.
Kaya nito lang may nakita akong naglalako ng cotton candy malapit sa tinitirahan ko, ayun dali dali akong pumunta kay manong para bumili ng pink na cotton candy. Para akong batang kumakain. hahaha.
Ikaw anong kwentong cotton candy mo?
thanks to: http://www.strangebillions.com/castrodec06/DeathByCottonCandy.jpg
