Archives
mga lakwatsero
StatPress
Visits today: 27

Posts Tagged ‘taympers’

miss na miss kita

Wednesday, October 14th, 2009

Miss na Miss Kita

Isa sa mga kantang tumataktak sa isipan ko nung bata pa lang ako ay ang kantang napapakinggan mo ngayon,hit na hit yang kantang yan noon lalo na sa aming magpipinsan di naman kasi ito mahirap memoryahin paulit-ulit lang na “o giliw ko miss na miss kita”.

Madalas naming kantahin yan pag nagpapahinga kami sa ilalim ng puno ng mangga, may duyan kasi dun tapos habang dumuduyan e kumakanta,walang pakialam kong sintunado o basag ang boses,ganun ata pag bata talaga–makapal ang mukha pagdating sa kantahan.

Minsan nagaaway-away pa kaming magpipinsan kung alin o sino ang tama sa sintunado.Madalas ako yong inaaway kasi ako yong sintunado sa kanila.Kaya minsan habang kinakanta nila’to ako namang si gago e lilituhin sila,kakanta ako ng ibang kanta tulad ng bahay-kubo o kaya ay ako ay may lubo,ayon para makapang-asar at makappanggago lang.hahaha.

Pag tumugtog na ‘to sa radyo,sabay-sabay kaming kumakanta maging yong ankel kong nakatatanda, ang alam ko ni-record pa nga ito ng ante ko sa casette tape tapos every morning habang naglilinis ng bahay nila e kinakanta nya ‘to with matching microphone made of walis tambo.Ansaya di ba?

Natatandaan ko ginawan pa yan ng pelikula, kinder ako nun,si Robin Padilla ang bida.Napanood ko pati,naartehan ako sa babaeng bida,sigaw ng sigaw,masakit sa tenga.

Nostalgic lang sa akin ‘tong kantang to kasi habang sakay ako ng fx kanina pauwi e biglang pinatugtog ni manoong driver kaya naalala ko to at kaya nagawan ko ng blog entry.

Philippine Blog Awards 2009

Monday, October 5th, 2009

sa mga nagbasa…

sa mga dumaan…

sa mga nakitawa…

sa mga nakialala…

sa mga umalala…

sa mga kaibigan…

sa mga totoong kaibigan…

sa mga bloggers

sa mga bloggers kuno…

sa mga guro…

sa mga estudyante…

at sa lahat nang napadpad sa site na ‘to.

Isa po sa mga nominees ng Philippine Blog Awards 2009 (bloggers choice category) ang site na ‘to. Ibig sabihin maaari nyong iboto ang blog na to na parang nangungulangot lang. Napakasimple lang.

Pers ang una mong gawin ay pag-isipan kung deserve nga ba talaga ng blog na ‘to ang mabilang sa bloggers choice ng Philippine Blog Awards, kung hindi okey lang di ko hawak ang panlasa mo, pero mas masarap ako kesa sa ‘yo.

sekand mong pangalawang gagawin, kung trip mo nga talagang iboto e gumawa ng maikling entry sa blog mo, kung tinatamad ka maaari mong sundin ito;

My Vote for the 2009 Bloggers’ Choice Award (National)

I vote for taympers
Bloggers’ Choice Award
2009 Philippine Blog Awards

Tird mong pangatlong gagawin isave mo ang ginawa mo, pag nasave na pag-isipan ulit kung tama ang gagawing kalokohan, nakasalalay sa desisyon mong ito kung karapatdapat nga ba akong manalo o hindi, kung desidido ka ngang talaga kunin mo yong link o permalink na tinatawag sa bagong entry mo.

eksampol:

http://bipolarsisa.wordpress.com/2009/10/03/taympers/

ganyan hitsura nun, siguro naman alam mo na. Pag nacopy mo na,i-paste mo sa permalink na box at fill-upan ang mga kinakailangan impormasyon. Piliin ang taympers.Kalimutan mo na ang magsout ng anderwer wag lang makakalimutang piliin ang taympers.

saka mo pindutin ang submit button.

Ito yong link kung saan ako kabilang Push button to eject booger to your face.

Ito naman yong link kung saan ka fifill-up push button to eject your boss.

Oh di ba madali lang?

Malaking karangalan po sa isang tulad ko ang mapabilang sa isang prestihiyosong parangal tulad nito, masayang masaya po ako nung nalaman kong isa ako sa mga nominees para akong nanalo ng lotto. Pero bago pa man ako lubusan naging masaya inisip ko muna kung may tsansa ba talaga akong manalo, sinabi mismo ng isip ko na di ko malalaman ang sagot kung di ko itatry. Ang mapabilang dito ay isang malaking karangalan na kaya okey lang sa ‘kin kung di manalo. Atlis may potential pala ang blog na ‘to.

Ito nga pala ang napili kong iboto:

I vote for otep
Bloggers’ Choice Award
2009 Philippine Blog Awards

bakit?

una. kahit ayoko nang mga emong posts e umuukilkil sa isipan ko ang mga ever-worth-remembering lines ng blog nya (’nu ulit mga yun?)

pangalawa, simpleng banat simple impak sa akin. mas ginaganahan akong magsulat pag may nababasa akong kaiba sa panlasa ko.

pangatlo, all of the above.

aknawleydment:

Maraming salamat sa mga bomoto sa akin, at boboto, sa Philippine Blog Awards, sa mga bumubuo nito, sa mga sumusuporta, sa lahat, sa mga blogger na ipinapagpatuloy ang pakikibahagi ng mga kwento’t kaalaman, at sa Kaniya na syang tunay na nagsusulat ng kwento nang aking buhay.Maraming salamat po.

Notice to public

Sunday, June 28th, 2009

122197541l-12 (1) mangyaring mapasyal ka sa sayt na ‘to, nais kong ipaalam na pansamantala muna akong mawawala sa mundo ng blogsperyo sa kadahilanang maraming bagay ang patuloy na gumagambala sa akin. Naway maintindihan ng lahat na isa akong tao na kelangan ding pahinga.

“allow your self to have time to relax, stagnant, and lazy. Rest is not a luxury it is necessity” - Juan Tamad

Akoy magbabalik… pramis!

batang BATIBOT ka ba?

Wednesday, March 25th, 2009

Batibot – Batibot Theme Song
Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla (2x)

Dali, sundan natin
Ang ngiti ng araw
Doon sa Batibot (2x)

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa Batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa Batibot
Maliksi, Masigla (2x)Music by:
LOUIE OCAMPO
Lyrics by:
RENE O. VILLANUEVA
Arrangement by:
MEL VILLENA

Yan yong theme song ng batibot. Ni-google ko pa yan kasi di ko na memorized yong buong kanta, Laking batang batibot ako, oo aminado akong parte ng henerasyon ko ang batibot, at hindi ko malilimutan ang mga araw na nakaharap ako sa t.v upang panoorin ang batibot. Kung ngayon ay cartoon network at nickelodeon ang paborito ng mga bata kami noon ay batibot. Nasa tatlong gulang na ako nun nang una kong natatandaang nanonood ako ng batibot kasama ng mga pinsan ko, siguro 1989 o 1990 na yun (bawal i-compute kong ilang taon na ako, magiging kamukha ni pong pagong) basta naimpluwensyahan lang akong manood at ang alam ko nasa panig na ng ABS-CBN noon ang batibot kasi ang kwento sa akin ng nakatatandang pinsn ko ang unang ere daw nun ay sa ibang channel RPN 9 YATA. Ang batibot ay Filipino version ng sesame street.

sino ang makakalimot kay kuya bodjie na da best kung magkwento na parang kausap lang ang viewer,kay ate sienna na studyante na kasakasama din minsan ni kuya bodjie magkwento, gusto ko ditto yong get-up nya kewl ika nga, kay kuya Mario na parang si Mario lang ang drama sa Mario Bros., kay ate isay na makulet din kung magkwento sa mga bata, kay kuya cheng na dyipney driver ang get-up. Isama mo na rin yong mga Muppets na curious na curios ako nun kung buhay nga ba sila kanina ko lang nalaman na hindi pala; sila ay sina pong pagong, kiko matsing, manang bola, kapitan basa, koko kwik-kwak (sya yong pumalit nung ‘nagbakasyon’ si kiko matsing at pong pagong), sitsiritsit, alibangbang, noli de kasyo, toto peg, irma daldal sama mo na ang chuwariwap back up dancers nya, direk, ningning, gingging, di ko na sinali yong mga batang cast na palaging pinapaalalahanang magpakabait at kumain ng gulay, kung may kulang man dagdag nyo na lang.

ito na siguro ang naging morning ritual naming mga magpipinsan nun ang panoorin ang batibot pero bago pa man humarap sa t.v e kelangan muna naming maligo upang presko kaming nanonood, kaya may malaking kinalaman ang batibot kumbakit ako natotong maligo ng madalian.

Aliw na aliw ako nun sa kwento ni kuya bodjie at ni ate sienna, kinapupulutan talaga ng aral at may sense talaga. Kumbaga sa tinapay, binigyan ka ng lola mo ng isang tinapay pero may palaman naman at keso pang mozzarella. Gusto ko dun yong portion na alin ang naiiba na mamimili ka kung san dun yong kakaiba o hindi kabilang sa grupo. Gusto ko din yong hulaan bles ni manang bola na mas malaki pa ata yong bolang kristal kesa sa ulo nya at ang porma wag ka talbog si madam auring pagdating sa mga bling bling.

Naasar ako nun pag hindi ko napapanood ang batibot, hindi kompleto ang araw ko. Naging routine ko na kasi na panoorin ito bago maglaro ulit sa bakuran, sa pagkakalam ko nagsisimula ito bandang 9:30 o 10 ng umaga pagkatapos ng programa deretso kami agada sa naudlot na laro upang ipagpatuloy muli ito, at kung ako yong taya tulad sa larong taguan pong, e aayaw na ako at ipagpapatuloy na lamang manood ng tv hanggang mananghalian.

Kwela kantahin nang sabay sabay yong tinapang bangus, batis, alin ang naiba, gulay, kung hindi pwede, kandirit, bangkang papel at marami pang iba. Kulang na lang e maghawak-hawak kamay akmig magpipinsan habang kumakanta, pero pagkakatanda ko merong ganung moments kami ng pins ko. (hahaha) Hindi ako patatalo nun kahit bulol pa ako magsalita e talagang susuko si Mariah Carey sa aking pagkanta. Ang bata nga na naman.

Sa batibot marami akong natutunan,mga kwento, bugtong, tula, kung paano kumain ng gulay at bakit kelangang kumain ng gulay, awit, sayaw at higit sa lahat ang mga aral na kinapulutan ko ng aral na magpahanggang sa ngayon nasa kukote ko pa rin bilang bahagi ng karne na laman ng aking bungo.

Nahinto man sa pag-eere ang batibot, “nagbakasyon” man sina pong pagong at kiko matsing, at mistulang wala na ang studio ng batibot pero ang mga aral at pangaral nito para sa mga batang batibot ay buhay para sa marami.Hindi man ito naabutan ng mga batang henerasyon ngayon nawa’y isang daan na rin yun para ituro sa kanila ang mga bagay na natutunan namin sa batibot.

Ang batibot ay naging institusyon na rin yan ng mga batang Pilipino,noon at magpahanggang sa ngayon. Madami akong natutunan sa programang ito, di ko maitatangging isa ako sa naadik dito pero kelanman hindi ako naging fan nito (ngisi).

Batang batibot ka ba? Kung oo kantahin ang bangkang papel ng limang beses, kung hindi naman manatiling manahimik na lamang.

Narito ang ilang tanong pre-requisite para makakuha ng U.S visa.

1. napansin mo bang hindi gumagalaw ang isang kamay ni kiko matsing?
2. ipaliwanag kung bakit mas pinili mo ang batibot kesa sa sesame, walang kopyahan. Itinuro yan ni kuya bodjie.
3. ano ang naramdaman mo nung nalaman mong wala na si kiko at pong pagong sa batibot? Bitter ba?
4. ipaliwanag kung paano makatutulong ang batibot sa global financial crisis.
5. sa tingin mo kumusta na kaya ang career ngayon nina kiko matsing at pong pagong.
6. pumirma ka din ba sa isang milyon lagda nung binabawi na sina pong pagong at kiko matsing ng kanilang orihinal na produser?
7. ilan ang daliri ni pong pagong? Ginagamit din kaya nya ito sa pangungulangot?
8. anu-ano ang mga natutunan mo? I-email mo ang mga ito sa pensucks@gmail.com
9. naliligo ka din ba bago manood ng batibot?
10. matapos mong gawin ang quiz na ‘to, punitin mo agad at wag ipapabasa sa iba, istayl ni bob ong ito kaya bawal natin gayahin.

“Don’t focus on what you have lost but what remains, don’t focus on the pain but on how it is shaping your character, don’t focus on the failure but on the great lesson you have ever learned.”
- sabi ng mani vendor isang certified avid viewer ng batibot.

laklak by rodfill

Saturday, February 14th, 2009

ok, ok, fine… call me naiveté  this time because of this song, i was stunned and shocked when i first heard this, kinda bubbly but i love it, ya dunno what im saying about? check it out…

finallaklak

or you may try it here 

love and bitterness

Monday, November 17th, 2008

I cant resist to be bitter now, i dont know why, i dont know how it doesnt matter how hard you try keep that in mind to explain in due time (waaaah kinanta?)hahaha…they say there is nothing wrong for being bitter, rememeber medicines usually taste bitter but it makes you well.

There will always be that first true love, the one you first spent the night crying because of, the one you always thought was stupid but still loved anyway,the one who hurts you so much, the one you most loved that time, the one that never really worked out but you kept your hopes up too much, the one who got away, the one that taught you all you need to know, the one that up until now, is still the one you look back to whenever you try to love again.

-Paul Deng Bed

Taym Pers (a reply letter to paul de dantay)

Tuesday, October 7th, 2008

Paul De Dantay,

Pasensya ka na ha kung ngayon ko lang natugunan ang iyong letter. Kasi naman busi-busihan ako.
Sasagutin ko na diretsahan ang iyong problema.
Una, magaling ka naman sa english bakit di ka magcall center agent , sa call center na lang siguro mahahasa ang english mo.Baka ang carabao english mo maging cow english na. Oha-oha.
Pangalawa lahat naman tayo naghihirap kaya nasa sa atin ang pagsisikap. Responsibilidad mo ang sarili mo samantalang obligasyon ka ng bansang kinabibilangan mo. Mag-isip ka ng paraan para makasurvive, speaking of survival, oo nanonood ako nyan lalo na yong latest yong survivor gabon.

May naisip akong trabaho para sa ‘yo. Pero kelangan ko munang makuha  ang iyong resume at bio-data.

Para sa readers ng blog na ito. Abangan nyo na lang ang bagong trabaho para kay Paul De Dantay.

Salamat.

Taym Pers

Taym Pers corner (evolved again)

Sunday, October 5th, 2008

Dear taympers,

First of all and above of all i want you all to greet a happy time at all. But before anything else my name is Paul de Dantay, currently living just near the mall. I wrote you because i know you will know my problem, and because of telling that you might also tell to others and others might tell to others too. Pardon me with my english or grammar, i never go to school and never meet any teachers. Where i get my english now? that is a long story to tell. By the way, I am 22 years old now, living with a pet named dingdong. I dont have permanent address because i am a beggar, yes as what others called ‘pulubi’. I was left by my father and mother ( i never considered them as parents, coz they were not to me), and only my tatay emo (but he is always happy, and i never seen him emotional) raised me. We are from the province of Batangas, although i dont speak batangeño. I beg for food and some help because just i told you i dont have a degree or even guts to apply for a job. But I used to be magbobote and i sell it to mang dedoy’s junkshop, but his store is closed now.And i dont have anything to do but to beg and ask for help all the way along roxas boulevard.

My problem is how can i get job? My savings has been decreasing and i am worried how would i able to survive. By the way do you watch survivor? thats cool! i watch that when i passed everytime to aleng petra’s store.Haaay..pathetic life.

Do you have anything to help me aside from your advise? Please do so.Also bear my carabao engish ha. Thank you!

 

With all the guts and shameness,

Paul de Dantay