totoo bang nanganganak ang kisses?

March 5th, 2010 by pensucks

Naalala mo kung pano ka naadik alagaan tong maliliit na bagay na to? Kung pano mo pinagkapuyatan at pinagpagurang silip-silipin sa pencil case at lagyan ng polbo. Kung paano paniwalang paniwala ang katawang lupa mo na dumarami nga sila at nabubuntis kahit di mo alam kung sino ang lalaki sa babae, basta pag malaki ang tyan feeling mo e babae na at buntis pa, bakit wala bang butyog na lalaki?

Aminado ako, oo naging fanatic ako ng kisses. Grade 3 ako noon nang magpabili ako kay nanay, una di ko sya mapilit kasi wala syang makitang dahilan para bilihan ang unico hijo nya ng mga maliliit na parang beads at pink pa. Pero naconvince ko sya din naman sya, ang rason ako na lang sa school ang wala pang ganung klaseng pet.

Sa mga di nakakaalam which i really doubt, ang kisses ay maliit na butil na gawa sa goma o rubber na naghahatid ng mabangong amoy. Oo mabango ito, at para mapanatili mong mabango kailangan daw na budburan ito ng pulbo, kahit pulbo ni lola okey na pero standard ata sa lahat yong johnson & johnson na pulbo.

Madalas gawin kong bahay ng kisses ko e yong pencil case ko. Nilagyan ko ng bulak at pulbo. di ko lang alam kung para saan ang bulak, malamang sa malamang instant comforter nila ito. Yong pulbo katulad ng sabi ko, para mapanatili ang aroma ng kisses. Amazing isnt?

Paniwalang paniwala talaga ako nong panahon na yon na nanganganak nga sila, may naririnig pa akong malicious rumors na alien daw sila na i-invade ang planetang earth at imbes na kisses daw ang alagaan  ay hermit na lang daw, pero alam ko nagmula yon kay manong hermit kasi nalugi sya nong magboom yong bentahan ng kisses sa amin. May trading pa ngang nangyayari e, papalitan ng dalawang kisses yong isa mong matabang kisses. Walang nakusahan, walang naganap na human trafficking.

Sa school namin non naglipana ang mga believer at non-believer ng kisses. Pero isa lang ang naghit ng todo, si lola pasing na nagbebenta ng kisses. Sya ang may pasimuno sa eskwelahan kung bakit mas sikat pa ang kisses kesa sa mara clara para sa mga estudyante. Isa rin sya sa nagpapakalat na nanganganak ang kisses, sa katunayan nga may alaga din sya.

Grade 5 ko na nang malaman ko na di pala nanganganak ang kisses. Myth. False. As in false. Walang katotohanan kahit di pa ito sumailalim sa siyensa, malinaw na hindi to totoo. Non-living things ang kisses. Walang matres. Walang hininga. Walang parte ng katawan na maaring magcopulate. walang feelings. At higit sa lahat walang buhay. Paano nga naman mabubuntis ang kisses?

Disappointed ako nang malaman ko to. Di dahil sa mali pala ang pinaniniwalaan ko kundi nasayang ang oras ko sa panakaw na pagsilip sa pencil case gabi-gabi kung meron nga bang nagyayaring ‘kababalaghan’ sa loob nito.

Pero okey lang, kasi pag naaalala ko ang mga panahong yon, di ko mapigilan ang sarili ko na mangiti. Naging parte ito ng aking kabataan. At siguro ang konsepto ng kisses ay di para utuin ang mga bata kundi maranasan ng bawat bata na matutong manalig kahit may isang bagay na hindi man nakikita, sa parehonong paraan kung paano ka manalig  sa Kaniya.

noong bata ka inisip mo rin bang ikaw si superman?

February 23rd, 2010 by pensucks

napagtanto ko, na hindi pala sa lahat ng oras nagiging superman ang isang bata, minsan kelangan nilang madisiplina para matutunan ang bagay na dapat matutunan ng isang tunay na superman.

napagtanto ko, kelangan mong isipin na ikaw si superman, atleast sa puntong yon nagkakaroon ka ng kompiyansa sa sarili mo na kaya mo ang isang bagay na mahirap gawin.

napagtanto ko, walang masama sa mangarap, ang masama ay ang mangarap ng masama. Hindi ka iisang ikaw kung hindi sya iisang sya.

napagtanto ko, na ang kabataan ay isang investment ninuman. Bigyan mo ng pagkain, pag-aaruga, edukasyon, tulong sikolohikal at isipirituwal, kalayaan, gabay at higit sa lahat disiplina ang magiging puhunan nya upang syang maging  isang tunay na ’superman’.

napagtanto ko, wala sa rangya ng buhay o bulto ng yaman ang posibilidad na maging isang mabuting tao ang isang indibidwal, kundi higit pa man nasa ugat ng isang sama-sama at buong pamilyang maayos.

napagtanto ko, sa puntong kelangan ng tulong ng isang bata, higitninupaman…pamilya ang unang  tutulong sa kanya.Walang maayos na pamilya kung walang respeto sa isat-isa. Wala ang inaakala mong ’superman’ kung walang tibay ang pamilya at pagsasamahan.

Minsan, noong bata ka, inisip mo rin bang ikaw si superman?

qoute

February 17th, 2010 by pensucks

Boiled peanuts were the ceremonious gift.

-tatang mani

balik-tanaw

February 14th, 2010 by admin

Naalala mo kung paano ka utuin ng nanay mo para pakainin noong bata ka? Minsan napapalo ka pa. E naalala mo pa ba kung paano ka patulugin? Kung paano mo takasan si nanay. Naalala mo pa ba kung paano ka kumain ng sitserya? Kung paano ka makipaglaro sa kapitbahay nyo? Kung paano ka maburog at mataya, kung paano ka manalo, matalo, maasar o mapikon. Kung bakit ka inaabot ng hapon sa pakikipaglaro sa labas, tapos pagdating mo kakain na lang kayo ng hapunan minsan tinatamad ka pang maligo kaya amoy araw o amoy pawis kang matulog.

Wala na atang mas aastig pa sa ating childhood memoirs.

Nasa apat na taon ako noon nang maranasan ko kung anong sarap ang makakamit sa pagtakas sa pagtulog sa tanghali. Exciting at antaas ng level sa thrill.  Grade six ako noon nang hinahanap hanap ko na ang pagtulog sa tanghali panghapon kasi ako noon. Naisip ko, parte pala ng isang batang lumalaki ang pagtulog sa tanghalo. Hindi man literal na lumalaki ang isang bata sa pagtulog pero parte ito ng kanyang kabataan at paglaki.

paybminits

February 9th, 2010 by pensucks

Mabilisan lang ‘to. As in. Parang lang to nung bata tayo na pag tinatawag ni mama o papa e sasabihing…sandali lang, paybminits.

Anong meron ang paybminits? Gaano to kaefectivo sa siyam-siyam o mabilis pa sa alas kuwatro. Utang na loob hindi ko alam. Basta ang alam ko…

…”ay nahulog ang marshmallow ko!”

“okey lang, wala pang paybminits.”

Paniwalang paniwala ako noon na pag nahulog ang kinakain okey lang na damputin basta wala pang paybminits. Pag sumobra na raw doon e marumi na. Kabaliwan? Hindi ko alam. Basta masarap kumain.

Minsan habang masaya kaming naghaharutan ng nanay ko nahulog sa tinidor ko yong nakatusok na banana que. Buti na lang hindi sa lupa kundi sa sahig lang naman ng bahay. Sa buong buhay ko yon ang perstaym kong makakain ng banana que, kaya imbes na natuwa ako sa nanay ko kasi sya ang nakasagi sa pobreng banana que e nalungkot ako. Gumawa agad ng aksyon ang wais kong nanay…imbes na bumili ng bago e sinabing “damputin mo na wala pang pabminits.” Dinampot ko naman, saka ako sinabihan… masarap pa rin naman di ba?

Minsan nagkasakit ako, kung alam mo yong aspelet na gamot pambata yon ang madalas ipainom sa akin ng nanay ko. Dahil sa kalikutan ko natabig ko yong gamot at nahulog sa lupa. Pupulutin ko sana para inumin kaso biglang umeksena si nanay… “wag mong pulutin, marumi na yan.” Nagulat ako syempre, sa banana que okey lang, sa gamot hindi. Sabi nya di raw applicable dun yong payminits kaya uminom na lang daw ako ng bago, isa pa hindi raw magandang uminom ng aspelet na may lupa lupa na.

So ano nga bang meron ang paybminits?

Minsan nabored ako. Inisip ko kung anong meron sa paybminits. Out of the blue jungle maaaring scientifically recognized ang naisip kong theory. Sabi ng titser ko noong highschool maraming nagkalat na pathogens sa paligid ng tao. At may kanya kanya silang binubuong organization parang meeting di avance. At sa bawat grupong yun may kanya kanya rin silang papel na ginagampanan sa environment lalo na sa kanilang habitat. So, kung aksidente kong nahulog yong kapirasong tinapay doon sa kinaroroonan ng…ummm…sabihin na lang natin na germs at ito ay isang stimuli sa kanila hindi malayong magkaroon ng commotion at magkakagulo sila, yong iba magugulat, yong iba matatakot, yong iba magpe-pray, yong iba parang wala lang, halu-halong emosyon na magaganap. Edi magkakahiwa-hiwalay sila ngayon at lalayuan yong nahulog na tinapay syempre dahil natatakot sila kasi bago sa paningin nila yong tinapay na may niyog sa loob. At sa loob ng pangyayaring yun doon papasok ang PAYBMINITS.

Paybminits lang ang palugit, at paybminits lang dapat nadampot mo na yong pagkain otherwise magmumukha itong feeding program ng kumakandidato sa eleksyon–dudumugin at pagkakaguluhan.

Nagets mo? Sana. Kasi kung hindi sisiguraduhin kong di ka na aabot ng paybminits. At sigurado akong nabasa mo ang entry na to ng wala pang paybminits.

tsing!

pritong tilapya

February 4th, 2010 by admin

Pebrero na pero halos mabibilang lang sa daliri ang naipost ko nitong january, ni di ko man lang naipost ang new years resolution ko. tinamad kasi talaga ako, nawalan ako ng ganang mag-blog at sa tingin ko e  lahat naman ng bloggers e nakararanas ng ganun (siguro).

Ano ang paborito mong ulam, lalo noong bata ka pa? Ako pritong tilapya tapos yong sawsawan e kamatis o kaya calamansi na may toyo, solb! Noong bata ako yon ang madalas kung ipabili sa mama ko, kahit hindi kumakain ang mama ko ng isdang taba lalo na ang tilapya madalas nya akong ipagprito nito kahit yong kamatis na lang yong inuulam nya e masaya na syang nakikita nya akong kumakain ng magana at kahit na napuputakan sya ng mantika.

Peborit ko tong ulam na ‘to at all times. Masarap kasi. Kaya pag umuuwi ako sa probinsya namin ipinahahanda ko tong ulam na ‘to at dahil dun mas napaparami ang kain ko.

Kung papiliin ako kung cellphone o pritong tilapya sa peborit kong ulam pa rin ako.I cant ask for more kung ito na ang ulam na nakalapag sa hapag-kainan. Ikaw anong paboritong ulam mo?

tamad

January 17th, 2010 by admin

Okey, okey, okey alam kong matagal ko nang di na-update tong blog ko dahil sa katamaran. Wala kasi akong maisip na magandang maikwento ngayon. Dumaan na ang pasko at bagong taon pero kinaligtaan kong magpost ng kahit ano bilang anticipation sa mga nabanggit na okasyon, kumusta naman yun? Dumaan na ang 13th month at christmas bonus pero nagmistulang blangko ang taympers. Katamaran? oo aminado ako.  Kaya ito maikliang post lang to.

so anong meron? wala.

Bakit ka pa magba-blog? para muling maramdaman ang presensya ko sa blogworld.

Feeling mo namiss ka ng blog world? hindi.

Pero namiss mo mag-blog? oo naman.

So ano ngang meron? wala.

Eh bakit andito ka? para masabing buhay pa ako.

Kumusta ka naman? ito tao pa rin.

Bakit nagtatransform ka ba? depende sa morph ng katawan ko.

Kung papipiliin ka sa dalawang babanggitin ko ano gusto mo maging; durugista o baklita? baklitang durugista.

hahahaha. Bakit ka natawa?

wala. mukhang kasing bagay sa yo! hahaha leche!

so ano ngang meron? wala nga.

wala man lang bago sa yo? maliban sa lumalaking tyan ko wala na akong maisip na bago.

tumataba ka ba? hindi.

e pano mo nasabing lumalaki ang tyan mo? malnourished.

dali na magkwento ka! tulad ng?

mga nangyari sa yo nitong huling buwan at linggo. hindi ka-intere-interesado.

weeeh? oo nga.

grabe naman yang katamaran mo at matagal mo akong naiwan sa ere. sere nemen.

so palagi mo na akong ia-update nyan? siguro, ewan, depende, malamang.

bakit walang kasiguraduhan? hindi ko alam.

boring ba ako kausap? pop corn gusto mo?

sex na lang. ????

:D tigang ka?

oo. parehas tayo.

wahahahahaha….

tatamarin ka pa ba? hindi ko al…

“wala masama kong nasa normal state ka at mag-hiatus ang utak at katawan mo dahil yon ang gusto mo, ang masama nyan gusto mong magtrabaho pero hiatus ang utak at katawan mo, in short paralisado ka. “  -wen temed

si santa

December 21st, 2009 by taympers

christmas-gift-in-socks_1024x768

Hindi ko maikakailang dumaan din ako sa pagkabata, at dahil dyan naenjoy o naeenjoy ko ang bawat christmas.

Noong bata ako, pagsapit pa lang ng december marami na akong gustong makuha mula kay santa klaus. Gumagawa talaga ako ng letter sa kanya tapos sinasabit ko sa bintana tuwing matutulog ako yon kasi ang sabi sa akin ng tita ko para daw mabasa ni santa pag dumaan habang tulog ka.

Si santa na ata ang pinaka-known na personalidad pagdating ng christmas na pati Siya na may berdey e nakakalimutan na.

At pagsapit ng 24 ng gabi ilalabas na naming magkakapatid yong medyas namin, mas malaki mas okey. So ang ginagawa ko inunahan kong halungkatin yong medyas ni tatay at isasabit sa bintana. Kada bintana nilalagyan ko ng medyas. Tuwang tuwa ako pag nakakatanggap ako ng kendiint, nougat, lips candy, sugo mani, at mga kendi na makikita sa aming sari-sari store. Sabi ni nanay, naubusan na daw kasi si santa kaya bumili na lang sya sa tindahan namin, napakathoughtful talaga ni santa.

Grade 4 na ako nang malaman kong di tunay si santa nalaman ko lang ito sa bunso naming kapatid, nakita nya raw kasi si nanay na naglalagay ng kendi sa mga medyas. Tragic ang pangyayaring yon sa akin. Parang pinagkaitan ako ng prebilihiyo bilang isang bata.

So since nalaman na ni bunso kung sino ang tunay na santa sa aming bahay, that following christmas wala nang nagsabit ng medyas sino pa ang maniniwala, si bunso? sya nga tong nakabuking. Empty window na ang naging drama ng aming bintana tuwing christmas. Wala nang medyas.Kasi…

…direkta na namin itong hinihingi kay santa.

Magaling sa math si santa, lahat kasi kaming magkakapatid pantay-pantay ang natatanggap. Kung sa laruang tagutaguan hindi mo mapapataya si santa, napakagaling. Kay santa ko rin nalaman na wala syang pinipiling medyas malaki man o maliit pare-pareho ng laman. At higit sa lahat sweet din pala si santa kasi lahat kaming magkakapatid nakatatanggap ng note tulad ng ‘pakabait ka, mahal ka ni santa’.Napakasimple.

Ikaw anong kwentong santa mo?

thanks to http://mi9.com/datawallpapers/data/15/1178/1164434790/christmas-gift-in-socks_1024×768.jpg

lutulutuan

December 5th, 2009 by admin

Hilig ko ang pagluluto, walang duda na nadala ko ang hilig na yon mula noong bata ako hangang ngayon.

Sa lahat ng risky plays noong bata ako, ang lutulutuan ang isa sa mga pinakagusto ko. Gusto ko may totoong apoy talaga, at totoong lulutuin. Iba ito sa bahay-bahayan kasi mga gamit lang sa pagluluto ang kelangan mo ay okey na.

Kaming magpipinsan ang mahilig dito, kukuha kami ng mga lata ng sardinas sa likod ng bahay nina lola at posporo. Bahala na yong ibang sasali sa ibang resources. Ang pinakaswak na lutolutuan namin nun ay yong lata ng mah ling.

Naranasan na namin masunugan ng bahay-bahayan dahil sa lutulutuan na yan. Yong kasing pinsan kong isa inilapit nya sa dingding na tagpi-tagping sako yong apoy kayo ayun nasunog ang buong bahay-bahayan, buti na lang wala si lolo ng mga oras na yon at kami kami lang kasi kung nagkataon magiging hitlist kaming lahat sa palo.

Hindi maiwasang mapaso kami dahil sa larong yan, pero to the rescue naman ang aloe vera na aming first aid para pantapal sa napaso, yon ang turo ni lola.

Dati pa man gustong gusto naming maglaro nito, ewan ko nga ba kung bakit hindi kami naging cook ng mga pinsan ko, stepping stone sana namin yun di ba?

O sya yun lang ang maikukuwento ko, busy kasi ako sa bagong pinagkakaabalahan ko.

cotton candy

November 29th, 2009 by taympers

Done with the sugar-coated emotion.

Ngayon naman ikukuwento ko kung ang tungkol sa  cotton candy.  Noong bata pa ako ‘kala ko nun na ang cotton candy ay ulap  na kinulayan ng kung anong trip na kulay ni manong tindero. Kaya aliw na aliw ako pag may malalaking ulap sa kalangitan, ini-imaigine ko kung anong kulay ang pupuwedeng ikulay sa kanila.

DeathByCottonCandy

Hindi maiaaliss  na tuwing piyesta sa aming barrio may nagtitinda ng cotton candy, napakumon na yong makikita si manong tindero na may pnapadyakan para may isang makinang iikot at dun kinukuha ang cotton, pero  nung mga panahon na yon akala ko talaga ulap ang cotton candy. Wala akong pakialam basta alam ko masarap ang cotton candy.

Grade 2 ko na lang nalaman na gawa pala ang cotton candy sa asukal. Hindi ko alam ang proseso. Pero sa row 4 ko pa nalaman na gawa nga ito sa asukal. Nagulat ako syempre.

Kaya nito lang may nakita akong naglalako ng cotton candy malapit sa tinitirahan ko, ayun dali dali akong pumunta kay manong para bumili ng pink na cotton candy. Para akong batang kumakain. hahaha.

Ikaw anong kwentong cotton candy mo?

thanks to: http://www.strangebillions.com/castrodec06/DeathByCottonCandy.jpg

« Previous Entries